Kakai Bautista slams body-shamer anew: “Sinasabe mo bang di sexy ang mataba?”

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2021
First Yaya stars Sanya Lopez and Kakai Bautista flex their sexy figure on Instagram. The comedienne immediately claps back at basher for body-shaming her.
PHOTO/S: Courtesy: @sanyalopez on Instagram

Muling bumuwelta ang comedienne-singer na si Kakai Bautista sa isang body-shamer.

Sa Instagram ni Sanya Lopez kahapon, June 17, nag-post ang Kapuso actress ng swimsuit photo nila ni Kakai na tila nagpapatalbugan sa kaseksihan.

Si Sanya ang bida sa serye ng GMA-7 na First Yaya kung saan kabilang din sa cast si Kakai.

Parehong nakasuot ng two-piece swimsuit ang dalawa at mukhang magtatampisaw sa beach sa kanilang likuran.

Caption ni Sanya, “huuuuhhh itooohhh??? kami lang tohhh”

View this post on Instagram

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Isang netizen ang nagkomento at sinabihang "tumaba talaga" si Kakai.

Buong komento nito: “hala tumaba talaga c @ilovekaye.. noon sexy pa sya.. pero ok na lang aurahan na lang”

Mukhang nairita si Kakai sa comment at tinawag niyang “bodyshamer” ang netizen.

Sagot niya, “#bodyshamer Sinasabe mo bang di sexy ang mataba? Nakakaawa ka kung ganun.”

Continue reading below ↓

Tila prumeno naman ang netizen. Sinabi nitong "chubby is the new sexy" at nagulat daw siya sa malaking pagbabago sa katawan ni Kakai.

Tugon ng netizen, “@ilovekaye chubby is the new sexy. im surprised to see this rare photo ang laki ng difference mo noon at ngayon..”

Muli siyang sinagot ng singer-comedienne.

Sabi ni Kakai: “pag totoong masaya ka wala kanang ibang pakialam kungdi ang kasiyahan mo hindi ang sasabihin ng mga tao”

Continue reading below ↓

Pagsang-ayon ng netizen, “@ilovekaye yes, its ur body and its ur choice to be like that”

Hindi na sumagot pa ang komedyana sa nasabing komento.

“TOXIC FILIPINO CULTURE”

Noong June 9 lamang, muling nagparunggit si Kakai sa body-shamers.

Noong panahong yun, ilang araw na raw siyang nakakatanggap ng masasakit na salita tungkol sa kanyang katawan at hitsura.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Kakai (published as is), “I have come across so many Body shamers this past few days!

“And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives.

“I LOVE TO EAT. And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy.”

Para kay Kakai, kahit anumang kulay ng balat ay may kanya-kanyang taglay na ganda ang bawat tao.

“Black, Brown, Morena, kayumanggi is not beautiful. Pakdizall. REAL TALK.

“Ang dami kong kilala payat na maysaket.

“And it’s not good. I will never be happy with that.

“Ang dami ko ding kaibigan na Morena na haaaaay ang solid ng gandaaaa.

“We can never appreciate other people’s beauty if we don’t appreciate ours.

“SORRY kung ikakalungkot ng IBA na mahal na mahal ko ang sarili ko.

“AND I AM ENJOYING every bit of What I am now and every second of my Life.”

Continue reading below ↓

Mensahe pa niya sa mga taong walang magawa kundi manlait ng kapwa: “Iksi ng buhay, wag mong pakiaalam ang buhay ng iba.

“Pakiaalaman mo yung sayo. Gawing mong Maganda, masaya at kapaki-pakinabang!

“#NoToBodyShaming #Confidenceispower”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First Yaya stars Sanya Lopez and Kakai Bautista flex their sexy figure on Instagram. The comedienne immediately claps back at basher for body-shaming her.
PHOTO/S: Courtesy: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results