Niña Jose lashes back at critics of her relationship with husband Mayor Cezar Quiambao

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2021
Niña Jose: "Oo na po cezar has money:) pero Hindi Lang naman sya Ang nagkagusto sakin na ‘mayaman’ before hahaha maganda naman din ako noh!! nagkataon lng he was the one who was there and siya Lang din Ang NAGPAKATOTOO hahaha"
PHOTO/S: Courtesy: Niña Jose-Quiambao on Facebook

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Niña Jose tungkol sa panghuhusgang natatanggap niya dahil sa relasyon nila ni Mayor Cezar Quiambao ng Bayambang, Pangasinan.

Si Niña ay 31 years old, at si Mayor Cezar ay 65 years old na.

Ikinasal ang dalawa noong November 17, 2017 sa Bayambang Cathedral.

Si Mayor Quiambao ay isang bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation, isang information technology company.

Si Niña ay sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition, sa edad na 18, noong 2006.

Pagkatapos nito ay sumabak na siya nang tuluyan sa showbiz ngunit hindi masyadong umalagwa nang husto ang kanyang career.

Dahil marahil sa agwat ng kanilang edad at estado sa buhay bago sila nagkakilala ni Mayor Cezar, hindi tinatantanan si Niña ng mga pangungutya at pang-aalipusta mula sa ilang netizens.

Noong June 12, Araw ng Kalayaan, napuno na siguro si Niña kaya pinalaya na niya ang kinikimkim na saloobin.

Continue reading below ↓

Ayon sa dating aktres, hindi lang si Mayor Cezar ang "mayaman" na nagkagusto sa kanya at "maganda naman" din daw siya.

Buwelta niya sa mapanghusgang netizens (published as is): “Oo na po cezar has money:) pero Hindi Lang naman sya Ang nagkagusto sakin na ‘mayaman’ before hahaha maganda naman din ako noh!!”

Ayon pa kay Niña, hindi mahalaga para sa kanya ang agwat ng kanilang edad dahil numero lamang ito.

Ang pagmamahal daw ng isang tao ay walang pinipiling edad, kulay, at iba pang bagay.

Saad niya, “Hello everyone:) age ain’t nothing but a number when it comes to love. Of course you have to be at the right age in making decisions but in general love is beyond age, color, and many other things.

“Love is a CHOICE when you accept a person for who he or she is and commit yourself to grow together!”

Pangungutya pa ni Niña sa haters niya, “So to all the haters eat your hearts out and try to find (haha if you can or if God will let you haha) someone who will love you this way..

Continue reading below ↓

“I guarantee you it is very RARE! and i am very BLESSED and HAPPY because GOD has brought Cezar and I together, it is all part of His plan and He is continously guiding our marriage and our life through His loving grace

“so again to all the people who appreciate us, thank you so much for seeing beyond the fact that we have a huge age gap and just plainly loving us for who we are and to those who have something to say about us, may God bless you with a genuine love like ours so you will finally know what it feels! Goodnight;)

“P.S: before you judge anyone for anything make sure your own life is clean

“God sees everything too so make sure youre not being a hypocrite:)

“p.p.s : Oo na po cezar has money:) pero Hindi Lang naman sya Ang nagkagusto sakin na ‘mayaman’ before hahaha maganda naman din ako noh!!

Continue reading below ↓

“nagkataon lng he was the one who was there and siya Lang din Ang NAGPAKATOTOO hahaha

"natatawa Lang ako na May Ilan na affected hahahaha Grabe ganun nyo ako ka love???? Hehe thank youuuu”

"ANG DAMI NAKIKIALAM SA BUHAY KO”

Kagabi, June 17, muling nag-post ng mensahe si Niña sa kanyang Facebook account.

Continue reading below ↓

Hindi na raw niya alam kung saan siya lulugar dahil nagsasawa na siyang maging mabait kaya pinatulan na niya ang ilan sa bashers pero siya pa ang lumalabas na masama.

Saad niya (published as is), “Minsan nakakasawa na din maging mabait, yung Hindi papatol sa mga kung Anoano, yung Tatahimik lang..

“Pero kung sumagot ka naman Ikaw masama? San ka lulugar diba?

“Nakakapagod and nakakasawa din talaga... Pero naalala ko na andyan Ang Diyos para sakin, he will forever give me strength and carry me when I cannot handle things... #keepingthefaith

Continue reading below ↓

Sa post naman ni Niña ngayong araw, June 18, sinabi nitong nagtataka siya kung bakit ang daming nakikialam sa buhay niya.

Talo pa raw ang totoong kapamilya niya ng netizens na walang humpay sa kakapuna sa kanya.

Sabi ni Niña, “Unang una Bakit ba Ang dami nakikialam sa buhay ko? Hahahaha nakakatawa Kayo!!!! Hahahaha tinalo nyo pa pamilya namin and mga kaibigan!!!!

“Hahaha Remember this: the more people bring you down, the more God will rise you up, so Sige pa sa mga bumabatikos sakin, more pa!!! para more blessings ko from God”

Nagpasalamat naman si Niña sa maraming taong nakaintindi at sumuporta sa kanya.

Mensahe niya, “gusto ko Lang din magpasalamat ulit kasi masmadami talagang nagmamahal sakin at samin, Maraming Salamat po!!!

“Your words, even if some of you we don’t personally know each other, bring so much strength and it uplifts my spirit! Salamat po, Inaaro taka, be happy always God bless us all”

Continue reading below ↓

Ang “inararo taka” ay “I love you very much” ang kahulugan sa Pangasinense.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post din si Niña ng suporta sa asawa.

Simpleng mensahe niya: "I LOVE YOU HUSBAND!!!!!!”

Continue reading below ↓

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Niña Jose: "Oo na po cezar has money:) pero Hindi Lang naman sya Ang nagkagusto sakin na ‘mayaman’ before hahaha maganda naman din ako noh!! nagkataon lng he was the one who was there and siya Lang din Ang NAGPAKATOTOO hahaha"
PHOTO/S: Courtesy: Niña Jose-Quiambao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results