Aiko Melendez to run for congress in Quezon City in 2022

by Rommel Gonzales
Jun 18, 2021
Aiko Melendez on running for congress: "Tatakbo ako kasi sa tingin ko, handa ako at kaparat-dapat naman ako kahit papaano na tumulong sa tao dahil hindi ko man pinapakita on social media lahat ng mga tulong na nagagawa ko, alam ko sa puso ko ang public service hindi talaga nawala 'yan kahit kailan."
PHOTO/S: courtesy of Rommel Gonzales

Papasok muli si Aiko Melendez sa larangan ng pulitika.

Nagpahayag na ang aktres tungkol sa plano niyang tumakbo bilang congresswoman sa District 5 ng Quezon City.

"Actually, ang haba ng usapan namin. In fact, yung mga taong kumakausap sa akin mula sa Quezon City, si Vice Governor ang kinakausap more than me bago kami makapagdesisyon ng kung anuman," pagtukoy ni Aiko sa kasintahang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

Mga dating pulitiko rin at miyembro ng NGO (non-government organization) sa Quezon City ang mga kumukumbinsi umano kay Aiko na sumabak muli sa public service.

Pagpapatuloy ng aktres, "Di ba, supposedly naman talaga, last election I was supposed to run kaya lang I had to be with Vice Gov, e.

"Since now naman ngayon, turn ko naman na he has to be with me naman when I run.

"So, napag-usapan namin na since ang daming taong nagkukumbinsi sa akin to run, and kahit naman nung wala pang pandemic, I've always been behind the scenes, di ba, sa pagseserbisyo sa bayan, it has always been my first love.

Continue reading below ↓

"So, talagang kinu-consider ko talaga na I'm going through that direction.

"I'm going back to being a public servant.

"District 5 ng Quezon City po ang aking tatakbuhan po kung saan nagserbisyo din po ako ng siyam na taon bilang councilor po."

Naging konsehal si Aiko sa district 2 ng Quezon City mula 2001 hanggang 2010.

"Kaya lang nahati, nag-redistricting po ang Quezon City, kaya nahati siya sa dalawa. But district 5 used to be my district po kaya kahit papa'no po yung terrain po sa district 5, alam ko po, kabisado ko po.

'"Kaya din mas nadagdagan po yung confidence ko ulit na magserbisyo po sa mga taga-distrito Singko dahil alam kong hindi pa rin ako nakakalimutan ng mga taga-district 5 po."

Nakausap si Aiko ng ilang miyembro ng media sa isang Zoom interview nitong Huwebes, June 17.

VICE GOVERNOR'S TIPS FOR AIKO

Natanong naman si Vice Governor Jay, na kasama ni Aiko sa Zoom interview, kung ano ang mga payo niya kay Aiko ngayong muli itong sasabak sa pulitika.

Continue reading below ↓

Sabi ng bise gobernador, "Siyempre medyo ano na rin siya, sanay din naman po siya diyan dahil with her experience for nine years, naging councilor siya, siguro ina-update ko na lang siya siguro sa mga issues na nangyayari ngayon, lalung-lalo na yung...

"Siyempre through time, nagkakaroon ng changes ng terrain ng politics, so siyempre ako ina-advise-an ko siya.

"Pero she has her own mind, e. She has her own mind, she has her own decision, she's very independent.

"So, sabi ko lang sa kanya, lahat ng desisyon niya manggagaling sa puso at saka yung tulong sa tao importante.

"Huwag niyang kakalimutan yung mga tao, kailangan tutulong siya, hindi siya nandiyan katulad ng ibang mga pulitiko na nandiyan dahil gusto lang ng posisyon.

"Siyempre kailangang maging responsable siya lalung-lalo na sa buhay ng mga tao," pahayag ni Vice Governor Jay.

Pagpapatuloy naman ni Aiko... "I'm running for congress because the offer now from QC, from the people of QC is really congress.

Continue reading below ↓

"But I also have an option to run for council, I do also have an offer for council.

"But since sa mga napag-uusapan namin, mas marami ang nag-uudyok sa akin na tumakbo for congress because nga for nine years naging councilor na ako, and kahit papaano, e, medyo talagang, ano ko na 'yan, e, na-experience ko na 'yan.

"So, parang gusto ko namang mag-level up naman sa pagtulong because when you run for congress, mas marami kang matutulungan.

"Yung scope of work mo din, national na, mas madami kang matutulungan."

NO POLITICAL PARTY YET

Wala pang partido si Aiko.

"Magde-decide kami end of July, kung saang partido kami sasama, but as of now, we are, maraming kumakausap sa amin ni VG, actually mas maraming kumakausap kay VG kasi siya yung campaign manager ko!" at tumawa si Aiko.

"Siya ang punong-abala, imbes na ako ang tawagan, siya yung nililigawan para tumakbo ako!

Continue reading below ↓

"So, talagang pinag-uusapan naming mabuti kung ano talaga.

"E, si Vice Gov kasi, antagal na niya sa pulitika, e.

"Modesty aside, ito ha, hindi sa pagmamalaki, pero kasi si Vice Gov, wala pang talo kahit kailan sa lahat ng takbo niya.

"So, kaya I thought of him being one who can guide me na to make the best decision that I can make for Quezon City."

Dagdag pa ni Aiko, "Ang congress and council is just almost the same, ang difference lang ng congress is we're going to pass national laws.

"Ang council kasi, district-wise lang 'yan, na sasakupan mo sa Quezon City. Ito, mas lumaki lang nang konti.

"So, ready ako diyan because hindi naman natin ipagkakakaila, nag-aral ako sa UP ng crash course ng Local Governance.

"So, kahit papaano may alam ako sa batas at hindi ako mabubutasan na tumakbo lang ako dahil gusto ko lang tumakbo, na wala akong magawa, hindi.

Continue reading below ↓

"Tatakbo ako kasi sa tingin ko, handa ako at kaparat-dapat naman ako kahit papaano na tumulong sa tao dahil hindi ko man pinapakita on social media lahat ng mga tulong na nagagawa ko, alam ko sa puso ko ang public service hindi talaga nawala 'yan kahit kailan."

Handa na si Aiko sa "bakbakan" sa magulo at maruming mundo ng pulitika.

"Handa naman ako kasi nung last election nung tumakbo si Vice Gov, kami yung inapi-api, di ba? Pero tingnan niyo naman ang nangyari."

Nanalo si Jay bilang bise gobernador ng Zambales.

"Sabi nga nila, kapag inaapi-api ka, kapag binabato ka, ibig sabihin, hitik yung bunga. At kapag inaapi ka, kapag ibinabagsak ka, ang Diyos mismo ang mag-aangat sa 'yo.

"If God wants me in this position, He will put me whether na may masabi sa akin na masakit o pinakamasakit, kung gusto ako ng Diyos para sa posisyon na ito, mananalo't mananalo ako," seryosong sabi ni Aiko.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on running for congress: "Tatakbo ako kasi sa tingin ko, handa ako at kaparat-dapat naman ako kahit papaano na tumulong sa tao dahil hindi ko man pinapakita on social media lahat ng mga tulong na nagagawa ko, alam ko sa puso ko ang public service hindi talaga nawala 'yan kahit kailan."
PHOTO/S: courtesy of Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results