Sheryl Cruz: "Hindi ako loveless...Honestly, ang daming nanliligaw"

by Rose Garcia
Jun 18, 2021
Sheryl Cruz, 47, says her love life is actually exciting because "honestly, ang daming nanliligaw." She adds, "Ang haba ng hair ko."
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram

Magkaibigan lang daw ang love-team partners sa Magkaagaw (2019) serye ng GMA-7 na sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales.

Nang tanungin kung may pag-asang mas lumalim pa ang pagiging magkaibigan ang pagtitinginan ng dalawa, natatawang sambit ni Sheryl, “Siguro kung mag-e-effort pa siya. Kung mag-e-effort pa siya at kung hindi lang siya magtatanim ng kape doon sa Batangas.

“Kasi tinatanong ko ang sarili ko, ano ang kakainin ko, puro kape? Kapeng Barako ba iyan na ipapakain sa akin.”

Nakausap si Sheryl ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba ilang entertainment writers sa pamamagitan ng Zoom habang nasa opisina ito ng kanyang management, ang Artist Circle, noong June 16, 2021.

DOES SHERYL MISS JERIC?

So ang usapan nila ni Jeric ay nasa level na kung ano na ang maipapakain ng 28-year-old actor kay Sheryl?

Masayang tugon ng aktres, “Oo, puwede naman yun, di ba, kasi sabi niya, natututo na raw siyang maglinis ngayong pandemic.

Continue reading below ↓

"Nagtatanim siya at gusto niya, coffee beans. Sabi ko, baka naman puwede niyang samahan ng mga fruit trees.”

Ang pamilya ni Sheryl ay may farm rin daw sa Batangas na ngayon lang niya napupuntahan dahil nabakunahan na siya kontra COVID-19.

Kung nami-miss ni Sheryl ang farm nila sa Batangas, nami-miss din ba niya si Jeric?

Pag-amin ng 47-year-old star, “Oo naman, nami-miss ko naman yun kasi malambing naman yun.

“Siguro it’s been several months na rin, kasi most of the time he only comes here in Manila kapag may mga guesting siya.

“We communicate through social media and friends. Ang communication naman namin, hindi naman ganoon kahaba. Nagsasagutan kami sa post namin.”

Ang kabaitan raw ng Kapuso star ang pinaka-nagustuhan ni Sheryl kay Jeric.

“Meron siyang mabuting loob at saka very passionate pagdating sa trabaho.

"He’s a very gifted person when it comes to music. He can play the piano and, at the same time, he can play the guitar and he can sing.

Continue reading below ↓

“At ang maganda, alam niyo kapag ang artista nag-e-effort sa pag-arte. Nakita naman natin siya before, parang pa-teenager-teenager lang ang kayang gawin.

“Ngayon, nang tumuntong sa mature role, nag-level up din.

"Kahit paano, I’m sure dumaan din siya sa iba’t-ibang experiences na hindi na niya kailangang i-reveal sa ating lahat, pero, dumaan din siya sa mga experience na hindi madadali.”

Diretsahan pang tanong kay Sheryl, kung sakali at wala silang ibang kinokonsider tulad ng pandemya at mga career nila, posible bang ma-involve sila ni Jeric romantically?

Masinsinang tugon ni Sheryl, “Actually, what I mentioned before when we we’re talking, when we we’re still taping Magkaagaw, parang napagkuwentuhan namin if I was actually open on having a relationship with my kind, a celebrity.

“Kasi nga di ba, mostly ako, ang gusto ko, outside showbiz yung makaka-relationship ko. But hindi naman lingid sa kaalaman ng kahit sino na when I was younger, I also had relationship with actors.

Continue reading below ↓

"Kaya lang nga, yung nakatuluyan ko, yung preference ko is outside of show business. But since it didn’t work, sabi ko, I’m willing to to try it with somebody in the same profession that I have.”

Dugtong pa niya, “Baka probably it will work this time. So open naman ako. Pero, siyempre, ang priority ko pa rin, yung career ko, yung anak ko, at kung marespeto yung tao na kung sino man na ibibigay sa akin ni Lord in the future.

"Gusto ko lang talaga yung mamahalin at rerespetuhin ang anak ko at yung pagmamahal ko rito sa industriya na aking pinagtatrabahuhan.”

May 20-year-old daughter, si Ashley Nicole, ang aktres sa ex-husband niyang si Norman Bustos.

IS SHERYL LOVELESS?

Eto naman ang pasabog na rebelasyon ni Sheryl nang tanungin kung loveless ba siya ngayon.

Nakangiting lahad niya, “Hindi ako loveless kasi, sabi nga, ang haba ng hair ko. Honestly, ang daming nanliligaw.

Continue reading below ↓

“Actually, I find it weird that young men or men of my age or older than me do like me.

"Despite the pandemic, they still let me know that they appreciate me. They send me flowers, nice messages."

Pero alam daw ng mga nanliligaw o nagpapakita ng interes sa kanya na dahil may pandemya ay hindi siya basta-basta lumalabas at nakikipag-casual date.

Samantala, ngayong Sabado, June 19, ay mapapanood si Sheryl sa Magpakailanman bilang isang "aswang" at sa TBATS or The Boobay and Tekla Show bilang special guest.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz, 47, says her love life is actually exciting because "honestly, ang daming nanliligaw." She adds, "Ang haba ng hair ko."
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results