Grab Philippines suspends rider partners for homophobic slur to describe K-pop group BTS

by Bernie V. Franco
Jun 19, 2021
Grab Philippines says in its official statement that it suspended its delivery partners in question. Screenshots of online messages of these riders used homophobic slur which demeans the reputation of the the popular K-pop group BTS.
PHOTO/S: Facebook

Sinuspinde na ng Grab Philippines ang ilang delivery partners nito matapos makatanggap ng reklamo mula sa fans ng sikat na Korean all-male pop group na BTS.

Mahihinuha kasing binibigyang-malisya ang sekswalidad ng K-pop group sa mga kumalat na exchange of messages ng ilang delivery riders ng Grab.

Nagsimula ang isyu nang magpalitan ng mga komento sa social media ang ilang delivery riders na mag-mass day-off sila ng Biyernes, June 18.

Kahapon kasi nitong Biyernes, ni-launch ng kilalang fast-food restaurant ang limited edition meal nito ng K-pop group.

Ayon sa komento ng ilang riders na nag-mass day-off sila dahil siguradong magiging sunud-sunod ang deliveries ng BTS meal, lalo’t may huge Filipino following ang K-pop group, na kung tawagin ay ARMY.

Ginamit pa ang salitang “biot,” na katunog ang salitang Bisaya na “bayot,” na ang pakahulugan ay gay.

Hindi nakalusot sa ilang ARMY members ang panlalait na ito kaya’t mabilis kumalat ang screenshots ng riders at ikinagalit ito ng K-pop fans.

Continue reading below ↓

GRAB PH RELEASES OFFICIAL STATEMENT

Mabilis namang tinugunan ng Grab Philippines ang isyung ito at naglabas ng official statement.

Ayon sa pahayag, sinuspinde na nila ang ilang rider partners nila na natukoy na may kinalaman sa pang-aalipusta sa BTS.

Sabi pa ng transport and delivery service, hindi nila kinukunsinti ang hindi magandang pag-uugali.

“Inclusivity is one of Grab’s core values, and we have a zero-tolerance policy for inexcusable behaviors.

"We have immediately suspended the delivery partners in question and will continue to work hard to maintain an inclusive and diverse platform.”

Layon daw nila na siguruhing makapagbigay ng tamang serbisyo ang kanilang delivery partners ngayong panahon ng pandemya.

Panawagan pa ng Grab, huwag lahatin ang kanilang delivery partners, dahil ang iba pang riders ay maayos magtrabaho at intensiyong kumita para sa kanilang pamilya.

"We hope that our consumers will not let the actions of a few select individuals affect the livelihoods of the many delivery partners who rely on the Grab platform to support their families.”

Continue reading below ↓

Hindi naman tinukoy sa official statement kung ilang riders ang sinuspinde nila.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Grab Philippines says in its official statement that it suspended its delivery partners in question. Screenshots of online messages of these riders used homophobic slur which demeans the reputation of the the popular K-pop group BTS.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results