Angelica Panganiban caps off “perfect week” with non-showbiz boyfriend Gregg Homan

by James Patrick Anarcon
Jun 20, 2021
Angelica Panganiban ends her "perfect week" by spending time with her non-showbiz boyfriend Gregg Homan.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Tinapos ni Angelica Panganiban ang isang “perfect week” sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Noong Biyernes, June 18, nag-post si Angelica ng sweet selfies kasama si Gregg sa isang yate.

Sa unang litrato ay makikitang naka-kiss si Angelica sa cheeks ni Gregg, habang sa pangalawang photo naman ay nakangiti lang ang dalawa sa camera na hawak ni Gregg.

Ayon kay Angelica, nagkaroon daw siya ng “perfect week” at mas masaya pa raw ito dahil sa weekend na magkasama sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sabi ni Angelica sa kanyang caption, “Had a perfect week. Better to have a weekend jaaz like that”

Hindi sinabi ni Angelica kung nasaan sila ni Greg pero hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sa Subic, Zambales naka-base ngayon ang kanyang boyfriend.

Continue reading below ↓

CELEBRITY FRIENDS GET KILIG

Marami naman sa mga kaibigan ni Angelica sa showbiz ang nagpahayag ng pagkakilig sa post ng aktres.

Ang ilan sa kanila ay nag-iwan ng heart emojis kasama sina Angel Locsin, Kim Chiu, Diego Loyzaga, Isabel Oli, Maxene Magalona, Melai Francisco, Isabelle Daza, Sunshine Garcia, at Bea Alonzo.

Sabi naman ng kaibigang ni Angelica na si Pooh, “sabi ko na ikaw talaga ang Baby Girl eh…”

Bati naman ni Bela Padilla, “So prettyyyy momsy!!!”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

November 2020 nang unang maisapubliko ang pagpapalitan ng sweet messages sa Instagram nina Angelica at Gregg.

Dito nagkaroon ng mga hinalang may karelasyon na si Angelica.

Eksaktong January 1, 2021 naman, kinumpirma na ni Angelica na nobyo niya si Gregg nang mag-post siya ng litratong magkahalikan sila sa tabing-dagat.

Dito ay hindi pa masyadong kita ang mukha ni Gregg dahil sa anggulo ng litrato.

Noong February 5, tuluyan nang pinangalanan ni Angelica si Gregg kasabay ng pag-post ng isang couple photo.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban ends her "perfect week" by spending time with her non-showbiz boyfriend Gregg Homan.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results