Kakai Bautista fires back at Sanya Lopez's basher: "Nakakapangit ang nega."

by Rachelle Siazon
Jun 21, 2021
Kakai Bautista (left) takes offense at basher telling her co-star Sanya Lopez (right) "ang OA mo."
PHOTO/S: @sanyalopez / @ilovekaye Instagram

Hindi pinalampas ni Kakai Bautista, 42, ang basher na pinuna ang pagsasayaw ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, 24.

Hilig na nina Kakai at Sanya ang gumawa ng dance challenge video sa TikTok bilang pampasaya, tulad na lamang ng Instagram post ni Kakai noong June 19.

Sa dance video, todo ang pagliyad ng katawan nina Sanya at Kakai habang umiindak sa saliw ng kanta.

Nagbiro si Kakai na lalo raw nanakit ang kanyang katawan dahil sa kanilang dance video.

"Ang saket saket na nga ng likod ko! Niyaya mo pa akong mag-TikTok!" bahagi ng caption ni Kakai.

Continue reading below ↓

Sa comments section, umeksena ang basher na nagsabing "Sanya Lopez OA MO."

Dinepensahan ni Kakai si Sanya.

Buwelta ni Kakai sa basher, "mami di po pwede nega dito. Kung ayaw nyo kay sanya, idulog nyo po yan sa baranggay [laughing emoji]

"Tsaka NAKAKAPANGIT PO at NAKAKAPAGPABILIS PO NG BUHAY ang nega sa social media at Nega sa totoong buhay mami.

"Gusto nyo na po bang mauna? Ingat po mami!"

Continue reading below ↓

Bukod sa co-stars sila sa GMA-7 prime-time series na First Yaya, naging malapit na magkaibigan din sina Kakai at Sanya.

Kuha ang kanilang dance video sa beach house ni Gabby Concepcion, na leading man ni Sanya sa programa.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista (left) takes offense at basher telling her co-star Sanya Lopez (right) "ang OA mo."
PHOTO/S: @sanyalopez / @ilovekaye Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results