Cassy Legaspi shows concern for Darren Espanto via IG Live; Darren reacts

by Rachelle Siazon
Jun 21, 2021
Mula Biyernes ng gabi hanggang noong Linggo ng hapon ay panay ang kulitan nina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa social media. Todo-suporta si Cassy sa concert ni Darren, at sobra naman ang pasasalamat ng Kapamilya singer.
PHOTO/S: @mavylegaspi / @darrenespanto Instagram

Pinatunayan ni Cassy Legaspi na walang halong bola ang minsang sinabi niya kay Darren Espanto na isa siya sa "number one fan" ng Kapamilya singer.

Ito ay dahil todo-suporta si Cassy sa ginanap na digital concert ni Darren noong Sabado ng gabi, June 19.

Noon pa lang Biyernes ng gabi, June 18, nagpakita ng pag-aalala si Cassy para kay Darren.

Nag-Instagram Live kasi si Darren para makausap ang kanyang mga tagasuporta.

Sumali si Cassy sa pakikipagkulitan kay Darren, at panay ang paalala ng dalaga na huwag nang magpagod ang Kapamilya singer.

Komento ni Cassy, "Save your voice, it's late."

Nakangiting sagot ni Darren, "Cassy is telling me to conserve my voice. Ahh... Last na."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Cassy, "Guys sabihin mo kay D matulog na, may concert siya bukas."

Binasa ni Darren ang mensahe ni Cassy at kunwa'y nagmaang-maangan si Darren para hindi pa siya matulog.

Sabi ni Darren kay Cassy, "Huh? May concert pa bukas?"

CASSY PROMOTES DARREN'S CONCERT

Nakikipagkulitan din ang kaibigan nilang singer na si Zack Tabudlo.

Continue reading below ↓

Tila hindi pinapansin ni Darren ang comments ni Zack, kaya hirit ni Cassy, "Zack I'll notice you na lang."

Natatawang reaksiyon ni Darren, "Ang rupok po nung isang nag-comment na, 'Zack I'll notice you na lang...' Nakakainis yung comments nung Zack Tabudlo at saka Cassy Legaspi."

Hindi naman itinago ni Cassy ang paghanga sa talento ni Darren sa pagkanta.

"Ang ganda ng boses mo D we'll hear that tomorrow," sabi ni Cassy.

Sabay promote ni Cassy sa concert ni Darren, "Kaya guys! Home Run na bukas! Grab your tickets while you can! Okay bayad ka D sa promo."

Napapangiting reaksiyon ni Darren, "Wow, manager 'yan?! Thank you po, Maam Cass. Iba-bank transfer ko na lang yung bayad niyo. Salamat po for the promo."


Continue reading below ↓

CASSY WATCHES DARREN'S CONCERT

Hindi rin pinalampas ni Cassy ang pagkakataong mapanood ang digital concert ni Darren noong Sabado ng gabi.

Ang twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi ay nag-post via Instagram Story ng video kunsaan makikitang nanonood si Cassy ng online streaming sa mobile phone.

Nagtakip pa ng mukha si Cassy nang ipakita ni Mavy ang mukha niya habang kita sa mobile screen ang ongoing concert noon ni Darren.

Continue reading below ↓

Panunukso ni Mavy kay Cassy, "i [see emoji] you i [see] you."

Dagdag pa ni Mavy, sine-set up pa raw kasi niya ang laptop para doon nila mapanood ang concert.

May hiwalay ring Instagram Story si Cassy kunsaan ipinakita nitong pinanood niya ang concert ni Darren.

Continue reading below ↓

WEARING EACH OTHER'S FAVORITE COLOR

Tuloy ang kulitan nina Cassy at Darren hanggang kinabukasan, Linggo, June 20.

Nag-post si Cassy ng kanyang OOTD sa Sunday noontime variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.

Nakasuot siya ng green and blue plaid long-sleeved top, green cargo pants, at white rubber shoes.

Continue reading below ↓

Nag-comment si Darren na tila ginagaya raw ni Cassy ang favorite color niya.

"Aagawan mo pa ata ako ng fav color eh," hirit ni Darren.

Sagot ni Cassy kalakip ng kibit-balikat na emoji, "@darrenespanto ay sorry, galing ako sa Home Run concert eh."

Continue reading below ↓

Hindi kaila sa fans nina Cassy at Darren (CassRen) na green ang favorite color ni Darren at yellow naman ang kay Cassy.

Kaya may netizens na nagkomento na maging si Darren din daw ay madalas isuot ang favorite color ni Cassy.

PERSISTENT TUKSUHAN AMONG FRIENDS

Bukas sa pagsasabi sina Cassy at Darren na malapit sila sa isa't isa.

Inilarawan din noon na consistent si Cassy sa pagiging "maalaga" at "understanding" kay Darren.

Kaya madalas silang tuksuhin ng mga malapit na kaibigan at katrabaho nila.

Noon ding Linggo, June 20, sa online platform ng ASAP, nagpasalamat si Darren sa magkapatid na Cassy at Mavy sa pagsuporta sa kanyang concert.

Nang mabanggit ang pangalan ni Cassy ay kinilig ang co-hosts ni Darren na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Hirit ni Maymay, "Sana all."

Napangiti at napalaki naman ang mata ni Edward.

Consistent ang panunukso kay Darren kay Cassy sa online segment nila sa ASAP kasama sina Maymay, Edward, AC Bonifacio, at Robi Domingo.

Continue reading below ↓

Pilit nilang binubuking kung "magkaibigan" o "magka-ibigan" ang dalawa.

Kahit nang magkasama-sama sila sa Star Magic YouTube streaming noong June 12, hindi uli nakaligtas si Darren sa pang-aasar ng mga kaibigan.

Nag-request si Edward kay Darren na kantahin ang "Lemonade" ng American singer na si Jeremy Passion.

Game na kinanta ni Darren ang mga linyang: "She's my sunshine in the rain. My Tylenol when I'm in pain. That's exactly what she means to me."

Nagbiro sina AC at Jeremy na may pagsesendan sila ng kanta ni Darren, pero hindi nila tuwirang binanggit ang pangalan ni Cassy.

Pero hindi kaila na sa vlog ni Cassy noong December 2020 ay sinabi ni Darren na "Lemonade" ang kanta niya para kay Cassy.

Sa huli, humirit na lang si AC na si Darren ang tipo na liligawan pati ang mga magulang ng babaeng napupusuan nito.

Tanong ni Alora Sasam, "Ginawa na ba niya?"

Sagot ni AC, "Yun po yung di ko po pwede sabihin. Pero sa magiging someone ni Darren, you're very lucky. You'll be with a very good guy."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula Biyernes ng gabi hanggang noong Linggo ng hapon ay panay ang kulitan nina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa social media. Todo-suporta si Cassy sa concert ni Darren, at sobra naman ang pasasalamat ng Kapamilya singer.
PHOTO/S: @mavylegaspi / @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results