Korina Sanchez says husband Mar Roxas will not run in 2022

by Arniel C. Serato
Jun 21, 2021
Korina Sanchez on husband Mar Roxas's 2022 political plans: "I don’t know, but you know, kapag natatanong ko siya, sabi niya talagang hindi, e."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram / Mar Roxas on Facebook

Walang plano sa 2022 national elections si Mar Roxas, ayon sa asawa nitong si Korina Sanchez.

Sa panayam sa Rated Korina host ng Cristy Ferminute noong June 16, nausisa si Korina kung may planong pumalaot muli sa pulitika ang kanyang asawa.

Sagot niya, “I don’t know but, you know, kapag natatanong ko siya, sabi niya talagang hindi, e.

“Minsan sumagot kami ng isang form, kasi ini-enroll ang mga anak sa online school. So sabi, ‘O, ano ang ilalagay ko rito sa work… occupation?’

“Sabi nya sa akin, ‘Ilagay mo diyan, retired.’

“Sabi ko naman, ‘Feeling mo lolo ka, ganun?’ Sabi naman niya uli, ‘Semi-retired.’”

Pakiramdam ba talaga niyang magpapahinga na ang asawa sa pulitika?

Diretsong sagot ni Korina, “Wala nang plano ‘yan, kasi kung may plano, dapat ngayon pa lang meron na, di ba?

“Kasi it’s just around the corner, it's less than one year to go? Oktubre, magpa-file na. Parang wala na talaga.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa beteranang broadcaster, hindi naman kailangan ng posisyon ng isang tao para makatulong sa kapwa.

Giit niya, “Hindi mo naman kailangan ang position para makatulong sa iba.

“Kung talagang gusto mong tumulong—isang tao man 'yan o isandaang tao magagawa’t magagawa mo pa rin.”

Sa ngayon daw ay tumutulong sila sa ilang community pantries.

Sabi pa ni Korina, “There are so many ways to help. You don’t really need a government position to do that.”

Continue reading below ↓

“AYAW NA NIYANG BUMALIK”

Sa isang panayam kay Korina noong October 2020, sinabi rin niyang tatalikuran na ng asawa ang pulitika.

Tatlong national elections na ang tinakbuhan ni Mar kung saan siya natalo.

Noong 2010, tinalo siya ni Makati City Mayor Jejormar Binay sa pagka-bise presidente.

Noong 2016, tumakbo si Mar sa pagka-presidente ngunit tinalo siya ni Davao City Mayor at nanunungkulan ngayong Pangulo na si Rodrigo Duterte.

Noong 2019 elections, tumakbo muling senador si Mar ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa Top 12.

Sabi ni Korina sa panayam noon, “So, in hindsight, now that I’m away from all of that... And Mar, wala rin sa pulitika si Mar.

“Ang sabi niya sa akin, ayaw na niyang bumalik. Parang mas malinaw na sa akin yun, yung mga delineation na ganyan."

Sina Korina at Mar ay ikinasal sa Sto. Domingo Church, sa Quezon City, noong October 27, 2009.

Mayroon silang kambal na anak, sina Pepe at Pilar.

Continue reading below ↓

Kung si Korina ay established broadcaster, si Mar ay batikan din sa mundo ng pulitika.

Naging kongresista siya sa First District ng Capiz mula 1993 hanggang 2000.

Itinalaga si Mar bilang chief ng Department of Transportation (2011-2012) at Department of the Interior and Local Government (2012-2015), noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nanungkulan rin siya bilang senador mula 2004 hanggang 2010.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on husband Mar Roxas's 2022 political plans: "I don’t know, but you know, kapag natatanong ko siya, sabi niya talagang hindi, e."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram / Mar Roxas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results