Sam Cruz speaks about netizens making lewd posts about her mom Sunshine, sisters

by Melba R. Llanera
Jun 21, 2021
Sam Cruz on malicious netizens spreading lewd posts about her mom Sunshine (in black polka dot top) and two other sisters: "It's not even bashing po, pero they sexualize po kaming magkakapatid. Or us as family, they are sexualizing us and they are putting labels on us... And it's not right kasi tao rin kami and we have feelings."
PHOTO/S: @samcruzm Instagram

Nanindigan si Samantha Cruz na hindi dapat inuurungan ang pambabastos ng malisyosong netizens sa social media.

Si Samantha, na may palayaw at screen name na Sam, ay anak ng dating mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Noong Mayo 11, pinaglaruan ng netizens ang litrato niya kasama ng ina na si Sunshine at mga kapatid na sina Angelina at Francheska.

Kasama rin nila sa Mother's Day celebration ang boyfried ni Sunshine na si Macky Mathay.


Continue reading below ↓

Pero in-edit ang larawan at pinalitan ang mukha ni Macky ng isang lalaki na natukoy na porn actor.

Inalmahan iyon ni Sunshine.

Sa ulat ng Cinema News noong Biyernes, June 18, inihayag ni Sam na tama lang ang ginawa ni Sunshine na magpatulong sa followers ng aktres na i-report ang nagpakalat ng malisyosong litrato.

"I feel like there's a fine line between a joke and something na nakakabastos na po.

"So, nung nakita ni Mommy 'yan, sobrang na-disturb na siya.

"It's something na there's a joke and humor... Pero parang disturbing na kasi minor kami ni Chesca."

Hindi raw tama na nahaluan ng malisya ang masayang salu-salo ng pamilya Cruz nang ilagay sa litrato ang mukha ng porn star.

Paliwanag pa ni Sam: "It's weird na they are editing someone of that business in an inappropriate thing to our simple family picture.

"Hindi na nakakatuwa. And my mom, she's supposed to ignore it na lang and let it slide.

Continue reading below ↓

"Pero hindi na talaga tama and nakakabastos na. She has to speak up about it and let them know it's not right."

SAMANTHA AND FRANCHESKA ARE STILL MINORS

Minsan na ring naging target si Sunshine at mga anak nito ng mga mensaheng may halong sekswal na lengguwahe mula sa bastos na netizens.

Ayon kay Sam, hindi niya maatim ang kabastusan at panghihiya ng ibang netizens sa social media.

"It's not even bashing po, pero they sexualize po kaming magkakapatid.

"Or us as family, they are sexualizing us and they are putting labels on us na 'kung ano ang paborito mo...' They're giving us labels.

"And it's not right kasi tao rin kami and we have feelings."

Kaya may mga pagkakataon daw na talagang kailangang sagutin ang mga ito.

Pinaalala rin ni Sam na siya ay 16 taong gulang lamang, habang si Angelina ay 19, at si Francheska ay 15.

Lahad pa ni Sam: "I'm just 16 tapos parang I have to go through something na parang sine-sexualize na ako.

Continue reading below ↓

"Together with my sister, na she's only 15 years old, and my mom. Hindi na ito tama so we really have to act on it.

"Usually pag may nakita kaming ganyan, we just ignore it.

"Pero kung sobra na yung effort nila ng pambabastos sa amin, we have to speak up about it and we let them know it's wrong. "


Continue reading below ↓

DREAM COLLAB WITH PARENTS

Si Sam ay sumabak na rin bilang baguhang singer sa local music scene.

Pangarap daw niyang maka-collaborate ang mga magulang kung magkakaroon ng pagkakataon.

"For sure, that would be so good and exciting kasi nagdya-jamming po kami as family usually.

"I always sing with my mom, nagse-second voice ako sa kanya.

"I only learned to fall in love with music because of my parents, kasi naggigitara ang dad ko and kumakanta rin siya.

"Growing up, I've always surrounded wiith people who love music—ang mom ko, ang mga Cruzes, sina Tita Donna, Tita Geneva, lahat sila kumakanta."

Sa ngayon ay nalunsad na ang "Train of Thoughts," ang debut single ni Sama under Universal Records.

Sinu-sino ang mga itinuturing niyang musical influences?

Sagot ni Sam, "I love Ate Moira dela Torre, Ate Sarah Geronimo, and Ate Julie Anne San Jose kasi they really have great stage presence and I love their music.

Continue reading below ↓

"Internationally naman, sila Ariana Grande, Rhianna, Beyonce."

Sana raw ay makatrabaho rin niya si Moira.

Dagdag ni Sam, "Honestly, I would love to collaborate with Ate Moira, kasi ever since I was young, I listen to her music.

"And it would be something different for me kasi she has different genre on what I listen to, pero her lyrics has so much meaning in them, so I love to collaborate with her one day."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Cruz on malicious netizens spreading lewd posts about her mom Sunshine (in black polka dot top) and two other sisters: "It's not even bashing po, pero they sexualize po kaming magkakapatid. Or us as family, they are sexualizing us and they are putting labels on us... And it's not right kasi tao rin kami and we have feelings."
PHOTO/S: @samcruzm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results