Anjo Yllana explains why relationship with Sheryl Cruz did not work out

by Gorgy Rula
Jun 21, 2021
Anjo Yllana on possibility of he and Sheryl Cruz ending up together: “Hindi ko alam kung saan pupunta 'to. Hindi ko pinaplano. Hindi ko ini-expect. May posibilidad, depende. May edad na rin kami, e. Kung talagang para kayo sa isa’t isa, kayo."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Matagal na nagkausap sina Anjo Yllana, 53, at Sheryl Cruz, 47, pagkatapos mabasa ng comedian-TV host ang lumabas na interview kay Sheryl dito sa PEP.ph tungkol sa kanilang dalawa kahapon, June 20.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Anjo sa pamamagitan ng telepono kahapon din, tinanong namin kung siya nga ba ang tinutukoy ni Sheryl na "bumabalik" na manliligaw.

Natawa si Anjo sa kuwentong iyon dahil naging close daw talaga silang dalawa, pero walang nangyaring ligawan.

Aminado si Anjo na espesyal si Sheryl sa kanya kahit masalimuot din ang naging relasyon nila noon.

Si Anjo kasi ang huling boyfriend ni Sheryl bago nagpakasal ang aktres sa dati niyang asawang si Norman Bustos.

Ayon kay Anjo, wala silang closure nang umalis si Sheryl pa-Amerika.

Pagkatapos maghiwalay nina Sheryl at Norman, bumalik ang aktres sa Pilipinas at nag-artista muli.

Nagkatrabaho sina Anjo at Sheryl, nagkalinawan, at nabalik ang kanilang friendship.

Nagkahiwalay si Anjo at ang ang asawa niyang si Jacqui Manzano, pero nagsasama pa rin sila sa iisang bubong para sa kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

Sinubukan nina Anjo at Sheryl na magkabalikan, pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Rebelasyon ni Anjo, “Dati kasi nagkabalikan kami niyan nung 2016.

"Pero sandali lang, kasi nga ano… hindi niya matanggap na magkasama pa rin kami ni Jacqui dahil sa bata. Naintindihan ko naman.

“Kasi maliliit pa yung mga anak ko. Hindi ko pwedeng iwanan saka hindi ako pwedeng sumama sa ibang babae.”

Hindi raw matanggap ni Sheryl na may relasyon sila ni Anjo, pero kasama pa rin ng aktor ang nakahiwalayang asawa.

Saad ni Anjo, “Naintindihan ko naman kasi kung hindi niya matanggap… bagamat hindi kami natutulog ni Jacqui na magkatabi, sa bahay lang kami para sa mga bata, eh siyempre, masakit yun sa babae, di ba?

“So, naghiwalay din kami [ni Sheryl] dahil dun, pero hindi kami nag-away.

"Magkaibigan pa rin kami. Hindi lang niya maintindihan yung setup."

CLOSE FRIENDS

Okay na raw kay Anjo ang relasyon nila ngayon ni Sheryl bilang close friends.

Continue reading below ↓

Madalas silang nag-uusap, at alam daw ni Sheryl na nandiyan pa rin ang pagmamahal ni Anjo sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, 'You will always have a place inside my heart. Baby-baby kita, e. Sa lahat na naging girlfriend ko, ikaw ang baby ko.'

"Totoo naman, e. Isip-bata yun, e.

“Sabi ko sa kanya, 'I will always be there for you. I’m just a phone call away. Pwede mo naman akong tawagan pag may problema ka.

“'Kahit wala na tayo,' sabi ko, 'yung tingin ko sa ‘yo ganun pa rin. Importante ka pa rin sa buhay ko. I still care for you.' Ganun lang,” saad ni Anjo.

Kung ang ending ay magkakatuluyan sila ni Sheryl, hindi pa raw masasabi ni Anjo sa ngayon.

“Hindi ko alam kung saan pupunta 'to. Hindi ko pinaplano. Hindi ko ini-expect.

"May posibilidad, depende. May edad na rin kami, e.

“Kung talagang para kayo sa isa’t isa, kayo.

Continue reading below ↓

"Marami na akong ganyan na ano, e, na nagkabalikan, tapos sila rin habang buhay. May mga ganyan na kilala ko, e.

“Hindi ko masasabing hindi, hindi ko masasabing oo.

"Depende 'yan kung maganda yung samahan niyo, maganda yung pundasyon niyo, yung may tiwala kayo sa isa’t isa, nagtutulungan kayo, e, may chance.

"Pero ngayon kasi, takot ako," pag-amin ni Anjo.

ANJO'S TRAUMA

Nandiyan pa rin daw ang trauma sa ilang hiwalayang naranasan niya.

Nang nagkahiwalay sila ni Lotlot de Leon, dahil nagpakasal ito kay Monching Gutierrez, ininda raw iyon nang husto ni Anjo.

Halos sampung taon daw niya iyong dinamdam.

Sabi ni Anjo, “Takot ako sa nangyari sa amin ni Lotlot nun.

"Mga seven years yung sakit na pinaghiwalay kami, tapos nung nabuntis siya, kami pa nun, e.

“Tapos sabi niya sa akin, nabuntis daw siya, sorry. Mga seven to ten years yun na ang sakit.

“Tapos eto, nag-aasawa ako… nasasaktan ako para sa mga bata, e.”

Continue reading below ↓

Dagdag na trauma kay Anjo nang magkahiwalay sila ni Jacqui dahil todo raw talaga siyang magmahal kapag pumasok siya sa isang relasyon.

“Kasi ano, e, yung mga magulang ko, madalas mag-away pero hindi sila naghiwalay. Kaya nagpasalamat ako na pinaglaban nila yung marriage para hindi broken.

“Siyempre, naawa ako sa mga bata. Broken, e. Wala namang gustong bata na hiwalay yung family mo.

“So, trauma ako nun. Alam ko masakit sa mga anak ko nunh naghiwalay kami. Kaya ginagawa ko na lang, hindi ako lumalabas para sa mga bata.

"Pero trauma ako sa relasyon kahit girlfriend kasi, ano, e… yung mga experience ko sa hiwalay, parang ayoko nang masaktan.

“Pag na-in love kasi ako todo ako, e. Saka gusto pang habang buhay,” saad ng Happy Time host.

Sa ngayon ay okay na raw sila ng dating asawa. Pareho na silang nakapag-move on.

Naintindihan na raw ng kanilang mga anak na hindi talaga para sa isa’t isa ang kanilang magulang.

Continue reading below ↓

Masaya raw siya para kay Jacqui na matagal na ring may ibang karelasyon.

Lahad ni Anjo, “Meron na siyang partner, matagal na. Ipinakilala niya sa akin nung debut ng anak namin nung 2018.

“Tanggap na rin siya ng mga anak ko, dahil lumalabas naman sila.

“Happy naman ako sa kanya, kasi siyempre minsan talaga hindi kayo compatible, e.

“Matagal na rin sila, masaya naman ako sa kanya.

“Mas gusto ko na yung meron siyang partner sa buhay kesa naman wala siyang partner… para at least may nag-aalaga na rin sa kanya.

"Hindi talaga kami compatible, e. Masaya ako sa kanila. Naka-move on kami pareho."

Masaya na rin naman daw ngayon si Anjo kahit single siya.

Kung sakaling magkaroon daw siya ng bagong karelasyon, ang hiling daw niya ay sana pang habambuhay na ito.

“Ako, pag gusto ko... pag may relasyon, habang buhay na,” pahayag ni Anjo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana on possibility of he and Sheryl Cruz ending up together: “Hindi ko alam kung saan pupunta 'to. Hindi ko pinaplano. Hindi ko ini-expect. May posibilidad, depende. May edad na rin kami, e. Kung talagang para kayo sa isa’t isa, kayo."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results