Paolo Pangilinan posts cryptic tweets about alleged harassment; netizens link it to Juan Miguel Severo

by Rachelle Siazon
Jun 23, 2021
Quark Henares (not in photo), the executive producer of Gaya Sa Pelikula, issues a personal statement following the controversy involving the show's star Paolo Pangilinan (left) and the show's creator Juan Miguel Severo (right). Part of Quark's message read: "Yesterday we convened. Members of the family, as well as new friends who were about to take this journey with us. To talk. To assess. To reflect..."
PHOTO/S: Paolo Pangilinan / Juan Miguel Severo Instagram

Kontrobersiyal ang pinakawalang matalinhagang babala ng Gaya Sa Pelikula star na si Paolo Pangilinan na hindi uubra sa kanya ang tinagurian niyang maimpluwensiyang "harassers."

Base ito sa sunud-sunod niyang matapang na tweets noong Linggo ng gabi, June 20.

Mahihinuhang tila may kinalaman sa insidente ng harassment ang inaalmahan niyang personalidad na may katungkulan.

Pero hindi tuwirang pinangalanan ni Paolo kung sino ang kanyang pinatatamaan.

Ito ang mga tweet ni Paolo (published as is): "Wag talaga ako makakakita ng lgbtqia eme eme riyan galing sa’yo ha tatalak ako

"Basta yung sakin lang harassers shouldn’t assert be put in positions of power esp when they’ve been reported already thank u no delete

"Wag kang lalabas buti yan magtago ka naka abang aq."

Continue reading below ↓

PAOLO SAYS HIS TWEETS ARE BEING "POLICED"

Naging mainit na usapin ito sa social media dahil marami sa mga masugid na tagasubaybay ni Paolo ang nagpaabot ng kanilang pag-aalala kung ano ang pinagdadaanang problema ng baguhang aktor.



Continue reading below ↓


Lalo pa't marami kasing iniwang katanungan ang makahulugang tweets ni Paolo.


Continue reading below ↓

Matapos ang isang oras ay muling nag-tweet si Paolo na waring may pumipigil sa kanyang tuluyang magsalita tungkol sa isyu.

Tweet ni Paolo, "Eto na sila."

Sundot na tanong ng isang netizen, "By eto na sila, you meant pupulis sa mga tweets mo?"

Sagot ni Paolo, "Yes."


NETIZENS ASK: IS PAOLO REFERRING TO JUAN MIGUEL SEVERO?

Nadawit sa isyu ang Gaya Sa Pelikula creator na si Juan Miguel Severo.

Continue reading below ↓

Ang Gaya Sa Pelikula ay BL series na pinagbidahan nina Paolo at Ian Pangilinan.

Naging tampulan ng espekulasyon ng netizens kung si Juan Miguel ba ang pinarurunggitan ni Paolo.



Continue reading below ↓

Naging trending issue pa ito sa Twitter mula noong June 21 hanggang June 22.

QUARK HENARES PROBES INTO THE ISSUE

Sa gitna ng kontrobersiya, naglabas ng pahayag ang executive producer ng Gaya Sa Pelikula na si Quark Henares.

Aminadong naalarma rin si Quark nang makarating sa kanya ang balitang may kaugnayan kay Paolo, na bida ng matagampay na BL series.

Sinabi rin ni Quark na susubukan niyang bigyang-linaw kung ano ang puno't dulo ng isyu.

Tweet ni Quark noong Lunes ng tanghali, June 21 (published as is):

"woke up to some disturbing texts and tweets. looking into it right now, guys :( this is shocking to us too.

"the safety of our talents is of the utmost importance to us so know that action will be swift and firm.

"we’ll be updating you as soon as there’s more clarity on the issue."


Continue reading below ↓

QUARK'S PERSONAL STATEMENT

Makalipas ang dalawang araw, nitong June 23, inihayag ni Quark na nagkaroon ng pagpupulong ang team ng Gaya Sa Pelikula.

Hindi tuwirang binanggit ni Quark ang mga pangalan nina Paolo at Juan Miguel, pero malinaw sa mga sumunod niyang salita na may kaugnayan ito sa kontrobersiyang nauugnay sa kanyang mga kasamahan sa BL series.

Nag-disclaimer din si Quark na personal ang kanyang desisyon na ibahagi ang saloobin niya at hindi official statement bilang executive producer ng produksiyon.

Inamin niyang nagkaiyakan ang kanilang grupo dahil sa inakto ng isang tao na naging sanhi umano ng hirap na dinaanan nila nitong nakalipas na dalawang araw.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Quark (published as is):

"Just want to say that what I’m about to share does not represent any company or corporation, and really just comes from me as a producer, an ally, a person.

"The past two days have been very long, difficult, and full of tears. They’ve been heavy on all of us, and I think I have to let it out.

Continue reading below ↓

"I’ve witnessed how one person’s acts can affect a whole community. I watched a whole room full of people cry, recent events bringing out painful memories or feelings of helplessness. People blaming themselves because they felt they failed those they swore they’d protect.

"One of the proudest things I’ve ever done was become part of a BL series. It was sweet, and feelgood, and touching. But more importantly, it was able to achieve so much good.

"It inspired people. It empowered kids who were afraid to admit who they were. It advocated safe spaces for the LGBTQIA+ community."

Continue reading below ↓

Lumalabas na apekatado ang team ng Gaya Sa Pelikula dahil sa feedback ng netizens na minahal ang BL series at lubhang naapektuhan sa kontrobersiya sangkot sina Paolo at Juan Miguel.

Sabi ni Quark sa mga sumunod niyang tweets: "Because of recent events, the message of that show has become endangered. It broke our hearts to see Stan accounts change their names, to see people struggling with what the show may have meant for them. To question the message, and how it made them feel.

"Yesterday we convened. Members of the family, as well as new friends who were about to take this journey with us. To talk. To assess. To reflect. Is our show bigger than one person? Can we really take our story back despite facing the greatest challenge we’ll ever face?"

Hindi man daw masagot ni Quark ang ibang katanungan ng netizens, nanindigan itong hindi siya makikipagtrabaho sa sinumang gagamitin ang kapangyarihan para manamantala ng iba.

Continue reading below ↓

Tiniyak din niyang pinaninindigan ng mga bumubuo ng BL series ang nilikha nilang magandang kuwento.

"I know there is a lingering question, and it’s something I can only answer for myself. I will not work with anyone who uses their power to take advantage of anyone else. In any capacity.

"I’m honestly not sure. But I know that despite everything...

"Atin pa rin ang kwento."


Continue reading below ↓

JUAN MIGUEL ABSENT DURING THE MEETING?

Kalakip ng huling tweet ni Quark ay group photo ng team ng Gaya Sa Pelikula.

Naroon ang mga bida na sina Paolo Pangilinan at Ian Pangilinan. Naroon din si Quark at ang direktor na si JP Habac.

Pero kapansin-pansing wala sa litrato si Juan Miguel.


Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, ni-repost ni Paolo ang tweets ni Quark.

Caption ni Paolo rito, "Laban bading."

Dagdag ni Paolo, "Basta mga beks and all hindi niyo utang na loob sa kahit sino na bading kayo at gusto niyo tumulong sa kapwa niyo beki ok."


Noong Lunes, June 21, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag sina Paolo at Juan Miguel sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa kani-kanilang Instagram accounts.

Continue reading below ↓

Nagpadala rin ang PEP.ph ng mensahe sa Cornerstone Entertainment Inc, ang talent management ni Paolo, at sa EP ng Gaya Sa Pelikula na si Quark.

At press time, si Quark ang naging bukas na maghayag ng saloobin tungkol sa isyu.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quark Henares (not in photo), the executive producer of Gaya Sa Pelikula, issues a personal statement following the controversy involving the show's star Paolo Pangilinan (left) and the show's creator Juan Miguel Severo (right). Part of Quark's message read: "Yesterday we convened. Members of the family, as well as new friends who were about to take this journey with us. To talk. To assess. To reflect..."
PHOTO/S: Paolo Pangilinan / Juan Miguel Severo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results