Heart Evangelista's mom calls past rift with Chiz Escudero a "nightmare"

by Rachelle Siazon
Jun 22, 2021
Ina ni Heart Evangelista na si Cecile Ongpauco (left photo, in blue), bukas sa paghanga sa buhay mag-asawa ng Kapuso actress at ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Sabi ni Cecile kay Chiz, "You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don't stunt her growth." Kasama ni Heart sa kitchen sina Cecile, Chiz, at kapatid ng aktres na si Camille (sleeveless top).
PHOTO/S: Heart Evangelista Instagram / YouTube

Sa isang bihirang pagkakataon, ipinakita ni Heart Evangelista na tanggap na tanggap ng kanyang ina na si Cecile Ongpauco si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Taliwas ito sa mahigpit na pagtutol ni Cecile sa relasyon nina Heart at Chiz noong 2013 hanggang unang bahagi ng 2015.

Huling humarap si Cecile sa media noon pang 2013, nang magbalak itong magsampa ng patung-patong na reklamo laban kay Chiz.

Itinuturo noon ni Cecile si Chiz na siyang dahilan ng paglayo ni Heart sa mga magulang nito.

Pakiramdam din ni Cecile ay minamanipula lang ni Chiz ang mga pagtatanggol ni Heart noon sa nobyo.

Lumabas ang mga sinabi ni Cecile sa mga prime-time newscasts sa telebisyon, online news sites, at mga pahayagan.

Nakunan pa noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naluluhang pagharap ni Cecile sa media.

Sa vlog ni Heart nitong June 21, 2021, tinatawanan na lang ng mag-inang Cecile at Heart ang naging dating alitan nila dahil kay Chiz.

Continue reading below ↓

Biro pa ni Heart kay Cecile: "The last time that people saw you on YouTube it was pretty awkward because it was your horrible interview."

Nakangiting pahayag ni Cecile: "That was a nightmare."

Sang-ayon ni Heart, "That was a nightmare for everyone. But now you're back and you'll be cooking with Camille."

Ang tinutukoy na "Camille" ay ang nakatatandang kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco.

Si Camille ang nanguna sa pagluluto ng pasta, habang nakikipagkuwentuhan kina Heart at Cecile sa vlog.

WHAT CECILE LIKES ABOUT HEART AND CHIZ'S MARRIAGE

Sa gitna ng kanilang tsikahan, itinanong ni Heart si Cecile kung ano ang mapapayo nito sa buhay mag-asawa nina Heart at Chiz.

Sagot naman ni Cecile, hindi na niya kailangang bigyan ng payo ang mga ito.

"You're fine. You're happy," sabi ni Cecile ukol kina Heart at Chiz.

Sa puntong ito, natatawang hinatak ni Heart si Chiz sa kitchen para itabi ito sa ina.

Continue reading below ↓

"Hug nga kayo! Hug nga!" biro ni Heart kina Cecile at Chiz.

Kunwa'y nagparinig naman si Chiz kay Heart ng magandang marriage advice.

"Sundin palagi yung asawa!" natatawang hirit ni Chiz.

Kusa namang sinabi ni Cecile na ang totoo ay hanga siya sa relasyon nina Chiz at Heart.

Sabi ng ina ni Heart kay Chiz, "You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don't stunt her growth."

Nakangiting paglilinaw ni Chiz, "More me allowing her to grow."

Natatawang sagot ni Heart, "Hahaha! Wala na siyang stunt ng growth. Iyan na ang growth niya, e."

Inulit ni Cecile na kita raw na supportive husband si Chiz kay Heart.

Hinahayaan daw ni Chiz si Heart na gawin ang mga bagay na magpapasaya rito.

Sabi ni Cecile kay Chiz, "Yun nga. Ikaw full grown ka na, kumbaga. But you don't cramp her style.

"I think that's what's good about her marriage. He allows her to grow on her own."

Continue reading below ↓

Simple lang ang sagot ni Chiz. Naniniwala raw siya sa kasabihang "Happy wife, happy life."

THE RECONCILIATION IN 2015

Malinaw na bahagi na lang ng nakaraan ang alitan noon sa pagitan nina Cecile at Chiz.

Matatandaang hindi dumalo ang mga magulang ni Heart nang ikasal ang Kapuso actress kay Chiz, noong February 15, 2015, sa Balesin Island Club sa Quezon.

Tanging ang ama ni Heart na si Rey Ongpauco ang nagpadala ng liham para ipaabot ang best wishes nito sa anak.

Pero makalipas ang tatlong buwan, noong May 2015, naiulat na nagkaayos na ang mga magulang ni Heart at si Chiz.

Noong sumunod na taon, May 2016, dinala pa ni Heart at Chiz si Cecile sa Balesin, sa lugar kung saan ikinasal ang couple.

Noong July 2016, naging bukas din si Heart sa pagsasabing natanggap ng kanyang ina si Chiz dahil nakita nitong masaya siya sa piling ng asawa.

Bago pa ang kanilang pagkakaayos, naging consistent daw si Heart sa pagbisita sa mga magulang kahit hindi siya kinakausap ng ina.

Continue reading below ↓

CECILE CONFIRMS MARITAL BREAKUP

Back to the present, kinumpirma naman ni Cecile na limang taon na silang hiwalay ng asawang si Rey.

Kaswal na tanong ni Heart sa inang si Cecile: "Once and for all, sagutin mo na ang tanong, are you single or are you taken?"

Sagot ni Cecile, "I'm happily single. I'm separated since May 2016."

Hirit ni Heart, "To be exact!"

"Correct," saad ni Cecile.

Hindi idinetalye ni Cecile ang dahilan ng hiwalayan nila ni Rey.

Nabanggit lang ni Cecile na ito ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon: "You have to give each other space. Allow each other to grow."

Noong July 2019 unang isinapubliko ni Heart ang tungkol sa hiwalayan ng kanyang mga magulang.

Tanggap daw niya ito dahil mas masaya raw ang kanyang mga magulang sa sitwasyon nila ngayon.

Noong April 2021 ipinakita ni Heart sa kanyang vlog na ang ama niyang si Rey ay nagpapagawa ng bahay sa Sorsogon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina ni Heart Evangelista na si Cecile Ongpauco (left photo, in blue), bukas sa paghanga sa buhay mag-asawa ng Kapuso actress at ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Sabi ni Cecile kay Chiz, "You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don't stunt her growth." Kasama ni Heart sa kitchen sina Cecile, Chiz, at kapatid ng aktres na si Camille (sleeveless top).
PHOTO/S: Heart Evangelista Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results