Chesca Diaz describes son Kiko Estrada's ex-girlfriend Devon Seron as "a good and loving daughter"

by Arniel C. Serato
Jun 22, 2021
Chesca Garcia (center), mom af actor Kiko Estrada (left), lauds son's ex-girlfriend Devon Seron's father for raising "a good and loving daughter."
PHOTO/S: Courtesy: @chescadimorales on Instagram

Nananatiling maganda ang relasyon ni Chesca Diaz kay Devon Seron, ang ex-girlfriend ng anak niyang si Kiko Estrada.

Ito ay kung pagbabasehan ang palitan ng mensahe nina Chesca at Devon sa Instagram post ng huli.

Nitong nakaraang Father's Day, June 20, nagbigay-pugay si Devon sa kanyang ama sa pamamagitan ng Instagram.

Puring-puri ng aktres ang kanyang ama na nagpalaki raw sa kanila nang maayos.

Mensahe ni Devon, “You have guided me through my tough times and believed in me when I failed.

“You are truly the best. No one can love a girl more than her father.

“You were always my hero and always will be. No one can replace you. Happy

“Father’s Day! I love you, Papa/Nono”

Isa sa unang nagkomento sa post ni Devon ay si Chesca.

Sabi ni Chesca, “Happy Father’s Day [man emoji] truly you raised a very good and loving daughter.”

Tumugon naman si Devon sa komento ni Chesca. Binati rin nito ang asawa ni Chesca na si Carlos Morales.

Continue reading below ↓

Ayon kay Devon, “@chescadimorales thank you, Tita Chesca [heavy heart exclamation moji] Happy Father’s Day po to Tito Carlos! [three hearts emojis]"

Si Kiko ay anak ni Chesca sa dating karelasyong si Gary Estrada.

Sa isang post ni Chesca noong December 2020, tinawag pa niyang “pamilya” na si Devon.

Nagulat ang mga tagahanga nina Devon at Kiko dahil biglang napabalita ang paghihiwalay nilang dalawa noong March 2021.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Kiko na single na siya noong Abril.

Ang itinuturong third party sa hiwalayan noon ay ang kasamahan ni Kiko sa seryeng Bagong Umaga na si Heaven Peralejo.

Mariing itinanggi ni Heaven na may ugnayan sila ni Kiko.

Ngunit nitong Hunyo lamang, namataan ng netizens na magkasama sina Kiko at Heaven sa Boracay.

Wala pa silang pahayag kung opisyal na ba silang magkasintahan.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chesca Garcia (center), mom af actor Kiko Estrada (left), lauds son's ex-girlfriend Devon Seron's father for raising "a good and loving daughter."
PHOTO/S: Courtesy: @chescadimorales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results