Is Lucy Torres running for senator in 2022?

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2021
Richard Gomez tells wife Lucy Torres that she should "go for it" if President Rodrigo asks her to run as senator in the 2022 elections. But Lucy clarifies, "Huwag po nating pangunahan si Presidente. I don't want to be misconstrued that he is pushing me."
PHOTO/S: @lucytgomez / @richardgomezinstagram Instagram

"Go for it" ang payo ni Richard Gomez sa kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez kapag inalok ito ni President Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa darating na halalan sa 2022.

Si Lucy ay kasalukuyang fourth district representative sa Leyte, habang alkalde si Richard sa Ormoc City.

Maugong ang balitang kino-consider ni Presidente Duterte at ng partido nitong kunin si Lucy bilang kandidato sa pagkasenador sa 2022 elections.

Lahad ni Richard, "To be in a national position, it's really a matter of destiny, 'no. And for you to be there, you really need a lot of support especially from the leaders in government.

"Sabi ko kay Lucy, 'Whether you like it or not, if you were to ask me, if the President will ask you to run under his wings,' sabi ko, 'it's really up to you to say yes or no.

"'But if you are to ask me, since kung talagang one day tanungin ka ng Presidente, 'Pwede ka bang tumakbo sa amin?' I would say, 'Go for it.'"

Continue reading below ↓

Pero ayaw pangunahan ni Lucy ang magiging desisyon ni Presidente Duterte kung sino man ang hihimukin nitong tumakbo sa pagkasenador sa susunod na taon.

Paglilinaw ni Lucy, "Huwag po nating pangunahan si Presidente. I don't want to be misconstrued that he is pushing me. Ayokong pangunahan."

Humarap sina Richard at Lucy sa media conference via Zoom noong Lunes, June 21.

Dito ay inusisa nang husto si Lucy sa posibilidad na kino-consider siyang susunod na senadora ng bansa, lalo pa't mukhang aprubado naman ito ni Richard.

Sabi ni Lucy, "Well, you know... Ano ba 'yan? Kasi hindi siya talaga yung, like, I was saying earlier, hindi siya talaga grand plan.

"Kasi kung pangarap lang, back in 2016 pa lang, I was already asked to run, e.

"So in 2019, I was also asked again to run for the Senate. But it was never an ambition or a dream.

"Ang sa akin lang, if maybe I'm given the opportunity, it's one of those things that only time can tell.

Continue reading below ↓

"So, let's see by October what the landscape is. Let's see how things are rolled out.

"But I know that if I am given that chance to actually run for a seat in the senate, I know that I won't be... it won't be an OJT-kind-of thing because I have 11 years of experience na behind me."

LUCY ON POSSIBLE CANDIDACY FOR MAYORSHIP

Huling termino na ni Lucy sa Kongreso.

Wala pang pinal na desisyon si Lucy, pero posible raw kumandidato siya bilang mayor sa Ormoc, at si Richard naman bilang kongresista.

Paliwanag ni Lucy, "Well, I'm on my last term. Richard will most probably take my place in Congress.

"And then, ako naman, I have options. Richard and I can just switch. Pero wala pang ano, nothing is cast in stones.

"As it is right now, ang pinaka-concern talaga namin is working together, keeping Ormoc and the district safe."

Continue reading below ↓

Wala raw sa isip ni Lucy na gamiting motivation ang kanyang pagtulong sa mga taga-Ormoc para tumungtong sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Giit ni Lucy, "Ang sa amin lang palagi ni Richard is every day to honor the work that's before us. And then, wherever it will take us, I really don't know.

"Kasi, hindi rin siya talaga yung plano. Hindi siya road map. Hindi siya grand dream.

"Parang nothing of what I have now in terms of a career in public service was ever planted or pre-planned. Parang kusa lang nangyari."

Baon daw kasi ni Lucy ang pangaral ng kanyang abuela.

"My lola used to say kasi, 'Huwag ninyong pilitin, baka dumugo.'

"It has always been my guiding principle. Parang just go with the flow, wherever the water will take you.

"And then, just be open to possibility. But don't be driven purely by ambition or dream.

Continue reading below ↓

"Kung ano lang yung para sa akin, that's all I pray for."

ON MAKING HER MARK AT WHAT SHE DOES

Ipinaliwanag din ni Lucy na seryoso siya sa kanyang trabaho bilang public servant.

Lahad ng kongresista, "I've always believe it's one thing to find yourself in an arena that is so new or so strange. But how you are able to cope for this is already attitude na.

"And I wanted to make my time as a public servant matter. Ayokong nasayang lang at lilipas lang yung how many years, how many terms, and then with nothing to show for it.

"So, dapat talaga from the start alam ko na by the time I step down, what I leave behind should be so much better than what I've found."

Sinisiguro raw niyang may ambag siya dahil hindi lahat ay napipiling magsilbi sa publiko.

Patuloy ni Lucy, "And then, I'm very cognizant of the fact na it's really a privilege. Kaya nga in every election, may nananalo, may natatalo, because hindi lahat ng gustong magsilbi ay nagbibigay ng pagkataon to serve.

Continue reading below ↓

"So, with that opportunity that Richard and I have been given, we honor it with an output that yung a legacy ba?"

Ano ang naging partisipasyon ni Mayor Richard sa kanyang magandang record sa public service?

Sagot ni Lucy, "Well, Richard is really my warrior, 'no.

"Whatever courage I have or whatever courage people say I have, I really learned from him.

"Kasi, he's the type na pwede 'yang lumaban mag-isa lang. Hahaha!"

Natatandaan pa raw ni Lucy nang manalo si Richard laban sa Liberal Party candidate na si Ondo Codilla noong 2010 elections.

Balik-tanaw ni Lucy, "When he ran here in Ormoc back in 2010, the landscape was so different that people said it could not be done.

"Because, the family that we are up against was in power for over 20 years. What did we have to show for in terms of an army? Wala.

"Richard has just a dream and three men, yeah. Pero lumaban siya.

Continue reading below ↓

"And then, sinasabi ko nga sa kanya ngayon, 'Honey, bakit ba tayo lumaban noon, 'no? With just that much ano, in terms of an army.'

"Sabi niya, 'E, we want that change. So somebody has to be the frontliner for that.'"

Nakangiting pagmamalaki pa ni Lucy kay Richard, "That is my warrior. That is my Richard."

STAYING IN ORMOC SINCE FEBRUARY

Samantala, ikinuwento ni Richard na nakapirmi sa Ormoc City ang buo nilang pamilya mula pa noong Pebrero.

Mula noon ay hindi pa raw sila nakakabiyahe papuntang Manila.

Lahad ni Richard, "There was a time na nakakauwi rin kami ng Maynila. Last February nandoon kami.

"Nung mag-lockdown last February, we decided na makabalik na kami ng Ormoc. So, ever since, nandito lang kami.

"Matagal-tagal na rin, February, March, April, May, June... So, four months na ako na hindi lumalabas. Pareho kami ni Lucy nandito sa Ormoc."

Hindi rin daw nila mapaunlakan ang imbitasyon sa kanilang magpunta ng Manila.

Continue reading below ↓

"In fact, meron ngang invitation yung PNP na meron silang malaking affair nitong week na ito.

"Pero we decided ni Lucy na baka hindi na rin kami pumunta. Paano kasi ang taas ng viral load sa Manila.

"Nakakatakot dahil pagbalik namin dito, baka kami naman ang tamaan."

FOLLOWING SAFETY PROTOCOLS

Simpleng disiplina naman ang pinatutupad sa Ormoc City para makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Ayon kay Richard, "We try to control yung infection dito by being strict sa mga minimum health protocols, like yung pagsuot ng mga mask, 'no.

"Inutusan ko yung mga pulis na dapat 24/7 umiikot sila dito. Tapos, pinagsa-submit nila talaga yung mga tao na mag-mask sila.

"Tapos, lahat kasi may [face] shield. So, outside, relax na yung [face] shield."

Maging sa sariling tahanan ay sinusunod daw ni Richard at ng kanyang pamilya ang simpleng tips para makaiwas sa COVID-19.

"Nag-iingat lang, 'no. Buti I think, one thing na it's an advantage for us as Filipinos mahilig kasi tayong maligo, di ba? Parang in one day, tatlong beses tayong maligo siguro because of the weather. So, nakasanayan na natin.

Continue reading below ↓

"And then, parang no matter how careful you are at home, with the pandemic, parang in-increase lang talaga the protocols. And then, lesser lang talaga yung gatherings.

"Lesser din yung traffic ng mga tao."

Ineengganyo rin ni Richard ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon pagdating sa kalusugan.

"So, there was a time na yung mga household help namin, stay-in lahat.

"And then, periodically nagte-test kami on our own. Parang everybody is told na there is no shame on having cough or cold.

"Kasi ang tendency ng tao ngayon, sa trauma sa pandemic, pag nay nararamdaman, kinikimkim. And then, yun pala, carriers na sila or nakakahawa na sila.

"So, we've oriented our staff na konting ubo lang, konting sipon, they have to be responsible. And then, better to be safe.

"So, agad-agad, inform us or mag-quarantine na sila para hindi na sila makahawa. So, it's really being disciplined and mindful of how your decisions impact others."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez tells wife Lucy Torres that she should "go for it" if President Rodrigo asks her to run as senator in the 2022 elections. But Lucy clarifies, "Huwag po nating pangunahan si Presidente. I don't want to be misconstrued that he is pushing me."
PHOTO/S: @lucytgomez / @richardgomezinstagram Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results