Gaya Sa Pelikula director JP Habac opens up about experiencing abuse 11 years ago 

by Rachelle Siazon
Jun 23, 2021
Director JP Habac (left) says meeting with Gaya Sa Pelikula team (right) opened old wounds about him being a victim of abuse: "Bago pumasok sa kwarto kahapon para sa meeting with the team, sabi ko kaya ko ‘tong harapin nang matapang. Pero kaninang umaga, nagising akong umiiyak dahil sa isang masamang alaala eleven years ago."
PHOTO/S: JP Habac Instagram / Quark Henares Twitter

Nanariwa sa alaala ng Gaya Sa Pelikula director na si JP Habac ang insidenteng pang-aabuso na dinanas niya may 11 taon na ang nakararaan.

Ito ay sa gitna ng kontrobersiya sangkot ang Gaya Sa Pelikula star na si Paolo Pangilinan at Juan Miguel Severo.

Kahapon, July 22, nagpulong ang mga bumubuo ng hit BL series para talakayin ang isyu.

Sa kaso ni JP, matagal daw nitong inilihim ang karanasan niya dahil sa matinding trauma.

Ngayon lang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob na isapubliko ito.

Ito ang mga tweet ni JP ngayong Miyerkules: June 23 (published as is):

"TRIGGER WARNING: Abuse

"Mahirap ang mga nagdaang araw. Kinailangan lang naming lumayo saglit para kumalma at para umiyak dahil hindi naging madali ang pagpo-proseso ng mga bagay-bagay para sa aming lahat.

"Bago pumasok sa kwarto kahapon para sa meeting with the team, sabi ko kaya ko ‘tong harapin nang matapang.

"Pero kaninang umaga, nagising akong umiiyak dahil sa isang masamang alaala eleven years ago.

Continue reading below ↓

"Akala ko kaya ko ‘tong dalhin hanggang makalimutan ko na ‘yun, pero hindi pala."

Naabuso raw si JP ng isang taong nakilala niya online.

Emosyonal na tweet pa ni JP: "I was abused by someone I met online. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino sa kung anong nangyari.

"Pero ngayon, bigla na lang bumalik ‘yung alaalang ‘yun after so many years na sinusubukan ko siyang kalimutan.

"Gusto kong sabihin kahapon sa mga tao na naiintindihan ko ang mga nararamdaman nila pero natakot ako, natakot ako na hindi ko siya makaya.

"Pero sa kabila ng lahat ng mga nangyari, nahanap ko ‘yung mga taong alam kong hindi ako iiwan."

Hindi nagdetalye si JP kung ano ang resulta ng pagpupulong ng team ng Gaya Sa Pelikula.

Pero malaman ang mga binitiwang salita ni JP.

Giit niya, "Muli, hindi kailanman magiging justified ang kahit na anong klase ng pang-aabuso at asahan niyong kasama niyo ko sa patuloy na pakikipaglaban para bawiin ang kwento natin."

Continue reading below ↓

PAOLO'S CRYPTIC TWEETS

Una nang naiulat ang matalinhagang tweets ni Paolo na waring tumutukoy sa isang insidente ng harassment.

Noong June 20, matapang na nagbabala si Paolo na hindi niya aatrasaan ang hindi pinangalanan personalidad na may atraso sa kanya.

Nagparinig din siyang hindi raw dapat nilalagay ang "harassers" sa "positions of power" para manamantala ng iba.

Nadawit sa isyu si Juan Miguel Severo, creator ng BL series na Gaya Sa Pelikula.

Naging tampok ng espekulasyon ng netizens kung may kinalaman si Juan Miguel sa insidenteng tinutukoy ni Paolo sa matalinhagang tweets nito.

MEETING OF THE TEAM BEHIND GAYA SA PELIKULA

Ito ang naging mitsa ng pagpupulong ng team ng Gaya Sa Pelikula kahapon.

Ngayong Miyerkules, June 23, una nang nagbahagi ng personal na saloobin ang executive producer ng show na si Quark Henares.

Sinabi ni Quark na layunin ng Gaya Sa Pelikula ang magkaroon ng "safe spaces" para sa LGBTQIA+ community.

Continue reading below ↓

Kaya lubha raw apektado ang bumubuo ng show dahil sa kontrobersiya, na paniwala ng netizens ay may kaugnayan kina Paolo at Juan Miguel.

Hindi malinaw kung ano ang detalye sa likod ng matalinhagang tweets ni Paolo, at kung may kinalaman ba roon si Juan Miguel.

Base sa litrato ng grupong nagpulong, makikitang present ang mga bida ng BL series na sina Paolo Pangilinan at Ian Pangilinan.

Naroon din sina Quark at JP, pero kapansin-pansing wala si Juan Miguel.

Continue reading below ↓

Sinubukan ng PEP.ph na kunin ang panig nina Paolo at Juan Miguel, pero wala pa silang sagot habang isinusulat ang artikulong ito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na sangkot sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director JP Habac (left) says meeting with Gaya Sa Pelikula team (right) opened old wounds about him being a victim of abuse: "Bago pumasok sa kwarto kahapon para sa meeting with the team, sabi ko kaya ko ‘tong harapin nang matapang. Pero kaninang umaga, nagising akong umiiyak dahil sa isang masamang alaala eleven years ago."
PHOTO/S: JP Habac Instagram / Quark Henares Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results