JK Labajo pens “gigil” birthday message for girlfriend Maureen Wroblewitz

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2021
JK Labajo to girlfriend Maureen Wroblewitz on her 23rd birthday: "hay ang swerte mo talaga sakin. maligayang kaarawan sa aking minamahal!"
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo on Instagram

Nangako ang singer na si JK Labajo, 20, na suportahan niya ang nobyang si Maureen Wroblewitz, 23, sa lahat ng pangarap nito sa buhay.

Sa kanyang pagbati sa girlfriend kahapon, June 23, nagbiro pa siyang masuwerte daw si Maureen sa kanya.

Ipinagdiwang ni Maureen ang kanyang ika-23 kaarawan kahapon.

Sabi ng "Buwan" singer, “hay ang swerte mo talaga sakin.

“maligayang kaarawan sa aking minamahal! palagi mong tandaan na akoy andito lang na walang sawang susuporta sa lahat ng mga gusto mong gawin sa buhay.

“naway makamit mo ang lahat ng iyong mga pangarap, aking maliwanag na bituin!

“cute mo talaga gigil ako sayo.”

View this post on Instagram

A post shared by juan karlos (@karloslabajo)

Tatlong “heart emojis” naman ang sagot ni Maureen sa post ni JK.

Continue reading below ↓

Binati din siya ng ilang kaibigan sa showbiz katulad nina Iza Calzado at Daiana Menezes.

Si JK ang unang boyfriend ni Maureen.

Nagkakamabutihan ang dalawa noong April 2019 nang mag-post sa Instagram si JK ng litrato ni Maureen habang sila ay nasa Boracay.

Unang public appearance nilang magkasama ay nang dumalo sila sa premiere night ng Kwaresma, ang horror film na pinagbidahan ni Sharon Cuneta.

Continue reading below ↓

Noong birthday nnaman ni Mother Lily Monteverde noong August 2019, muling nakitang magkasama sina JK at Maureen.

Mailap si JK nang tanungin kung anong estado ng relasyon nila ni Maureen.

Pero nagpahiwatig na si Maureen na higit sa pagiging magkaibigan ang namamagitan sa kanila ni JK.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo to girlfriend Maureen Wroblewitz on her 23rd birthday: "hay ang swerte mo talaga sakin. maligayang kaarawan sa aking minamahal!"
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results