Antoinette Jadaone breaks silence about alleged harassment involving Juan Miguel Severo

by Rachelle Siazon
Jun 23, 2021
Director Antoinette Jadaone on co-host Juan Miguel Severo being involved in an alleged harassment issue: "Tulad n'yo, in shock din ako at nalulungkot sa mga nangyayari. Hindi ko rin alam ang kabuuan ng kwento, but I know that when a victim speaks up, we must listen, and empathize, kahit na o lalo na kung malapit sa atin ang involved."
PHOTO/S: @tonetjadaone / @juanmiguelsevero Instagram

Binasag na ni Antoinette Jadaone ang pananahimik tungkol sa usap-usapang dawit si Juan Miguel Severo sa pinakawalang cryptic tweets ni Paolo Pangilinan.

Ang TV at movie director na si Jadaone ay co-host ni Juan Miguel sa Ang Walang Kwentang Podcast.

Sina Juan Miguel at Paolo ay magkatrabaho sa BL series na Gaya Sa Pelikula; si Juan Miguel ang creator at si Paolo ang isa sa pangunahing tauhan.

June 20, Linggo, nang unang umalma si Paolo via Twitter tungkol sa isang taong waring ginamit ang posisyon upang siya ay maabuso.

Walang pinangalanan si Paolo, pero lumutang ang pangalan ni Juan Miguel, na paniwala ng netizens ay may kinalaman umano sa isyu.

Sa Facebook post ni Antoinette ngayong Miyerkules, June 23, inihayag nitong nabahala umano siya nang makarating sa kanya ang balita.

Inalam muna niya ang buong istorya bago siya nagdesisyong maghayag ng saloobin, sa pamamagitan ng open letter para sa fans ng podcast nila ni Juan Miguel.

Continue reading below ↓

Sabi ni Antoinette: "Una sa lahat, apologies for speaking up just now.

"I wanted to personally talk to those involved who are close to me, hear both sides, in hopes of having a clearer understanding first before speaking.

"Sexual harassment is very serious and should not be taken lightly.

"Tulad n'yo, in shock din ako at nalulungkot sa mga nangyayari.

"Hindi ko rin alam ang kabuuan ng kwento, but I know that when a victim speaks up, we must listen, and empathize, kahit na o lalo na kung malapit sa atin ang involved."

Lumalabas na nakarating din kay Antoinette ang feedback mula sa ibang tagapakinig ng podcast nila ni Juan Miguel na dismasyado sa pagkakadawit ng huli sa alegasyong harassment.

Lalo pa't kilala si Juan Miguel sa pagiging outspoken sa kanyang mga opinyon sa iba-ibang relevant issues.

Sabi ni Antoinette, "Sa mga nagtatanong about the podcast: wait lamang.

"This is my baby too, and the community we have all built has become a respite for me.

Continue reading below ↓

"Pero sa palagay ko, mas mahalaga sa punto na ito na mag-reflect muna, and clear some space to listen to the voices that need to be heard.

"I hope you understand.

"Maraming salamat sa pakikinig, at hanggang sa muli!"

MEETING AMONG GAYA SA PELIKULA PEOPLE SANS JUAN MIGUEL

Hindi pa nabibigyang-linaw kung ano ang eksaktong insidente ng alegasyong harassment na inireklamo ni Paolo at nauugnay kay Juan Miguel.

Pero nitong umaga ng Miyerkules, naglabas ng personal statement si Quark Henares, ang executive producer ng Gaya Sa Pelikula.

Sinabi ni Quark na layunin ng Gaya Sa Pelikula ang magkaroon ng "safe spaces" sa LGBTQIA+ community, at nalagay ito sa alanganin dahil sa kontrobersiya.

Nanindigan din si Quark na hindi siya makikipagtrabaho sa sinumang gagamit ng kapangyarihan para mang-abuso ng ibang tao.

Ayon pa kay Quark, may posibilidad na hindi na matuloy ang Season 2 na pinaplano ng grupo para sa Gaya Sa Pelikula.

Continue reading below ↓

Tweet ni Quark: "Hi everyone, need to caveat this. @paopangs wants to keep doing GSP.

"but we understand that you have been traumatized as well. we've considered moving on and finding something else to do together.

"but no matter what, we stand together."

JUAN MIGUEL STILL MUM ABOUT THE CONTROVERSY

Sa kabilang banda, tahimik pa rin si Juan Miguel ukol sa alegasyong harassment na nauugnay sa kanya.

Kapansin-pansin ding wala si Juan Miguel nang magkita-kita ang mga bumubuo ng Gaya Sa Pelikula kahapon, June 22.

Si Juan Miguel ang creator o siyang sumulat ng kuwento ng matagumpay na BL series tampok sina Paolo at Ian Pangilinan.

Mula noong Lunes, June 21, hanggang nitong Miyerkules, June 23, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kontakin sina Juan Miguel at Paolo upang bigyang-linaw ang isyung kinasasangkutan ng mga ito.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Antoinette Jadaone on co-host Juan Miguel Severo being involved in an alleged harassment issue: "Tulad n'yo, in shock din ako at nalulungkot sa mga nangyayari. Hindi ko rin alam ang kabuuan ng kwento, but I know that when a victim speaks up, we must listen, and empathize, kahit na o lalo na kung malapit sa atin ang involved."
PHOTO/S: @tonetjadaone / @juanmiguelsevero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results