Korina Sanchez, Leni Robredo, Vilma Santos, Jejomar Binay mourn death of former President Noynoy Aquino

by Rachelle Siazon
Jun 24, 2021
Kabilang sina Korina Sanchez, Vice President Leni Robredo, Congresswoman Vilma Santos, at dating Vice President Jejomar Binay sa nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Presidente Benigno "Noynoy" Aquino. "Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes," saad ni Korina.
PHOTO/S: Instagram

Bumuhos ang pakikiramay ng mga personalidad sa mundo ng pulitika, showbiz, at media sa pagpanaw ni dating Presidente Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino.

Ngayong Huwebes ng umaga, June 24, isinugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City si Noynoy dahil sa hindi pa sinasabing dahilan.

Bago mag-alas nuwebe ng umaga naiulat na binawian na siya ng buhay.

Marami sa mga malalapit sa dating Pangulo ang may kuwento tungkol sa pagiging mabait at simpleng tao nito.

Maging ang ibang mga personalidad na nakalaban nito sa pulitika ay nagpaabot din ng kanilang pakikidalamhati sa pamilyang naulila ni Noynoy.

Marami rin sa mga kasamahan ni Noynoy ang buong paghangang inihayag ang alaala nila ng mga ambag ng dating Pangulo sa bansa.

Narito ang kanilang mensahe:

KORINA SANCHEZ

Ibinahagi ni Korina na hindi niya malilimutan ang pagkakaibigan at serbisyo sa bayan ni Noynoy.

Ang asawa ni Korina na si Mar Roxas ay isa sa mga naunang dumating sa ospital kunsaan isinugod si Noynoy kaninang umaga.

Continue reading below ↓

Maituturing daw na bayani ang dating Pangulo, ayon kay Korina.

Sabi ng broadcaster: "Sad day. Gone too soon. Many presidents have come and gone. But PNOY I knew.

"Thank you for your friendship. Most of all, gratitude for service to our country.

"Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes."

Si Noynoy ay anak nina dating Presidente Corazon "Cory" Aquino at Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.


Continue reading below ↓

LENI ROBREDO

Ikinalungkot din ni Vice President Leni Robredo ang pagpanaw ni Noynoy, na malapit na kaibigan ng namayapa niyang mister na si Jesse Robredo.

Sabi ni Leni, "Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si PNoy. Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo.

"He tried to do what was right, even when it was not popular. Tahimik at walang pagod siyang nagtrabaho para makatulong sa marami.

"He will be missed. Nakikiramay ako sa kanyang pamilya."


Continue reading below ↓

SONNY ANGARA

Inalala naman ni Senator Sonny Angara na isa si Noynoy sa kanyang inspirasyon pagdating sa serbisyo publiko.

Malaki ang paghanga ni Sonny sa kontribusyon ni Noynoy bilang dating Pangulo.

Mensahe niya: "Napakalungkot ng balita na sumakabilang-buhay na si Pnoy. Rest in peace Mr. president.

"Salamat sa serbisyo, sa integridad at dedikasyon na iyong ipinakita at ibinigay sa amin. History will remember you well that I am sure of.

"Under your watch our country put its financial house in order and had more to invest in programs like education, healthcare and poverty alleviation.

"Young Filipinos wished to serve in government inspired by your vision and the economy provided jobs and a better life to many."

Sabi pa ni Sonny: "We served together in Congress and fought many battles together. You believed in me and that belief made me strive to be a better public servant.

"Our condolences to his family and friends during this difficult time.

Continue reading below ↓

"God has lost a good and faithful servant on this earth but gained one of his own. Paalam at Salamat President Noy #Pnoy"

VILMA SANTOS

Nakiramay rin si Batangas Sixth District Representative Vilma Santos-Recto sa pamilyang iniwan ni Noynoy.

"Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni former President ‘NOYNOY‘ Aquino.

"Our sincere condolences and prayers.

"Rest in peace, PNoy. Salamat po sa inyong serbisyo sa bayan."

Continue reading below ↓


IMEE MARCOS

Naalala rin ni Senator Imee Marcos ang siyam na taong nakasama niya si Noynoy bilang kapwa kongresista.

Sabi ni Imee, "My heartfelt condolences to the family of former President Benigno C. Aquino III, a 'classmate in Congress from 1998 to 2007.

"I will always treasure the memories of our long years together as freshmen legislators and members of a tiny opposition.

Continue reading below ↓

"For beyond politics and much public acrimony, I knew Noynoy as a kind and simple soul. He will be deeply missed."

Magkalaban sa pulitika ang pamilya Marcos at pamilya Aquino.

JEJOMAR BINAY

Iipinaabot din ni dating Vice President Jejomar Binay ang kanyang pakikidalamhati sa pamilya Aquino.

Nagkaroon man daw sila ng "political differences" ay hindi maaalis ang mahabang panahon na pagiging family friends nila.

Continue reading below ↓

Sabi ni Binay: "Noynoy and I may have had political differences during the last few years of his term, but that will not diminish the many years of friendship between our families.

"My deepest condolences to the family. Godspeed, Pareng Noy."

JINGGOY ESTRADA

Nagpaabot din ng pakikiramay si dating Senator Jinggoy Estrada para kay Noynoy.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jinggoy: "Ako ay lubos na nakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

"I am one with the nation in mourning this loss.

"Let us honor the life, leadership and sacrifices he shared to the nation."

PING LACSON

Lubha namang ikinalungkot ni Senator Ping Lacson ang pagpanaw ni Noynoy na itinuturing niyang isang kaibigan.

Continue reading below ↓

Hindi raw nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Noynoy mula noong panahong senador ito hanggang sa maging Presidente.

Sabi ni Ping: "As our country's leader, he did not deserve to be unappreciated. He served his country very well with humility, honor, and integrity.

"Even as President, he always managed to promptly respond to my messages, no matter how casual and trivial.

"It was indeed a privilege to have served with him both in the Senate and the Executive Department, but more than that, to be his friend."



Continue reading below ↓

OGIE ALCASID

Nakiramay rin ang singer-comedian na si Ogie Alcasid, na malapit na kaibigan ang kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino.

Sabi ni Ogie, "Paalam, sir Pnoy. Paalam.

"Lubos na pakikiramay sa iyong mga mahal sa buhay-Kumareng Kris, Ballsy, Pinky at Viel at sa buong angkang Cojuangco-Aquino. Napakalungkot na araw."

Continue reading below ↓

DYAN CASTILLEJO

Ang ABS-CBN sports correspondent na si Dyan Castillejo ay nagbigay-pugay rin sa serbisyo publiko ni Noynoy.

"Thank you, Pres. Noynoy Aquino for your service to the Filipino people. Thank you for leaving a beautiful legacy for us.

"Condolences to the Aquino family."

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Korina Sanchez, Vice President Leni Robredo, Congresswoman Vilma Santos, at dating Vice President Jejomar Binay sa nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Presidente Benigno "Noynoy" Aquino. "Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes," saad ni Korina.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results