Ruffa Gutierrez says her weight loss is not because of zero lovelife

by Alex Datu
Dec 29, 2007
"You know me naman. Ruffa has already been known as a gay icon and I love gays, they're all my friends. You know, I'd rather hang out with gays. But for a partner, I would rather be with a man," says Ruffa Gutierrez.


Pinabulaanan ng actress-TV host na si Ruffa Gutierrez ang balitang namamayat siya ngayon dahil wala siyang lovelife, lalo na't wala pa ring linaw ang pagbabalikan nila ng kanyang asawang si Yilmaz Bektas.

Sa premiere night ng pelikulang Desperadas ay kinumpirma ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nasabing balita.

Ayon kay Ruffa, "Totoong wala akong lovelife, pero hindi ako pumapayat dahil doon. Pumapayat ako dahil sa proper diet, exercise, and pagpapa-tenor laser kay Dr. Manny Calayan. Pampatanggal talaga ang tenor laser ng fats. So, everything combined, kaya ako pumayat."



Samantala, may ilang mga kalalakihan ang nag-react sa sinabi ni Ruffa na wala siyang nakikitang "yummy guys" dito sa Pilipinas.



Paglilinaw ni Ruffa, "Well, kung mayroon man, magtago na sila sa lungga nila dahil everywhere I look, wala akong nakikita.



"Usually, lahat ng nakikita ko bading. Ninety percent sa population. So, you know me naman. Ruffa has already been known as a gay icon and I love gays, they're all my friends. You know, I'd rather hang out with gays. But for a partner, I would rather be with a man."

Continue reading below ↓



DESPERATE HOUSEWIFE? Ano naman ang reaction ni Ruffa sa mga nagsasabing sa totoong buhay ay talagang desperada siya?



"Well, kung saka-sakaling mabasa ko ang ganyang headline sa diyaryo ay hindi ako madi-depress because for once in my life, naging desperada ako. Pero at this moment in time, hindi na ako desperada.



"Mukha na ba akong desperada?" tanong niya. "Tingnan naman nila ang aking physical features, pati ang aking puso. Inaamin ko noon, sa Turkey ay talagang desperada ako dahil malayo ako sa parents ko at mga kapatid ko. Gusto ko silang makasama, pero ang layo-layo nila."



Isa sa mga bida sa Desperadas si Ruffa, kasama sina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian Rivera. Inamin ni Ruffa na maging siya ay naguguluhan na rin sa paiba-ibang playdate ng pelikula nila na magbubukas na talaga sa January 1.



"Hindi naman ako dismayado na napunta kami sa January 1 playdate. Actually, it's been better, e. For me, talagang January 1 naman kami, so noong nilipat kami ng December 25, na-excite naman ako. Pero nang inilipat naman ng January 1, ‘Ano ba? Make up your mind!' Nahihilo na ang mga tao sa kai-invite ko, di ba? Hindi nila malaman kung pupunta sila sa sinehan on the 25th, wala namang Desperadas doon!" natatawang sabi ni Ruffa.

Continue reading below ↓

BREAST CANCER SURVIVORS. Samantala, sa kabila ng pagiging abala ni Ruffa sa kanyang showbiz career, ay pinaglalaanan pa rin niya ng panahon para suportahan ang Pink For Life Foundation, isang foundation na binuo para sa kapakanan ng mga babaeng may breast cancer.



"Kaya nga noong premiere night ng aming movie sa SM Megamall, talagang I obliged lahat ng manonood na magsuot ng pink na damit bilang pagsuporta sa Foundation," sabi ni Ruffa.



Ayon sa aktres, nagsimula ang kanyang pagsuporta sa Pink For Life Foundation noong pinaplano pa lang nilang gawin ang Desperadas, kasama ang iba pang original choices para sa pelikula na sina Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, at Pops Fernandez.



"When we're starting the original cast of Desperadas, naisip ko talaga na kailangan may relevance 'yong movie namin because hindi lamang basta-basta pelikula 'yong comeback namin. You know, Desperadas, it's Sex In The City and Desperate Housewives combined into one. Kailangan may mapupulot din silang aral, and kailangan we should also help people," paliwanag niya.

Continue reading below ↓



Sinabi rin ni Ruffa ang dahilan kung bakit gusto niyang suportahan ang Foundation para sa mga kababaihan na may breast cancer.



"Why breast cancer? Because I have some family members on my mother side who died of breast cancer. Something we should be aware of and how to prevent it. In case mayroon tayong breast cancer, support the person who has a cancer.



"Kaya naman sila [Pinky for Life Foundation] ang napili namin, because we really know they have a heart for the poor and we know when we raise awareness for them and we donate funds, alam namin kung saan pupunta ang pera," pagtatapos ni Ruffa.

Read Next
Read More Stories About
Ruffa Gutierrez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know me naman. Ruffa has already been known as a gay icon and I love gays, they're all my friends. You know, I'd rather hang out with gays. But for a partner, I would rather be with a man," says Ruffa Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results