Aquino sisters on former President Noynoy Aquino's death: "Mission accomplished ka, Noy."

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2021
The Aquino sisters (from left) Ballsy Cruz, Viel Dee, Pinky Abellada, and Kris Aquino read their family's official statement on the passing of their brother, former President Noynoy Aquino. PNoy passed away this Thursday morning, June 24.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News

Renal disease secondary to diabetes ang sanhi ng kamatayan ni Benigno "Noynoy" Aquino.

Si Pinky Aquino-Abellada, kapatid ni Noynoy, ang nagbasa ng opisyal na pahayag ng pamilya Aquino tungkol sa pagpanaw ng dating Pangulo ng Pilipinas ngayong Huwebes, June 24.

Nasa tabi ni Pinky ang iba pa niyang mga kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz, Viel Aquino-Dee, at Kris Aquino.

Binasa ng magkakapatid na Aquino ang kanilang opisyal na pahayag ngayong Huwebes ng hapon sa The Heritage Park, Taguig City, kung saan ibuburol ang mga labi ni PNoy.

Ayon kay Pinky, nakalagay sa death certificate na ganap na 6:30 a.m. nitong Huwebes nang mapayapang pumanaw si PNoy habang natutulog.

Pahayag ni Pinky: "It is with profound grief, that on behalf of our family, I am confirming that our brother Benigno S. Aquino III died peacefully in his sleep.

"His death certificate pronounced his death at 6:30 a.m. due to renal disease secondary to diabetes.

Continue reading below ↓

“No words can express how broken our hearts are and how long it will take for us to accept the reality that he is gone."


The Aquino siblings (from left) Ballsy Cruz, Pinky Abellada, Noynoy Aquino, Viel Dee, and Kris Aquino during a private get together in February 2015.

Continue reading below ↓

"KAYA PA NIYANG MATULOG SA GABI."

Hindi nakaligtaan ng magkakapatid na Aquino na isama sa kanilang opisyal na pahayag ang mga achievement ni PNoy at ang tapat na paglilingkod nito sa bayan.

Pahayag ng Aquino sisters, “Kagaya ng serbisyong ibinigay niya sa bayan, hindi maingay, trabahong galing sa puso dahil alam niya kayo ang boss niya kaya nga nakilala siya bilang si PNoy dahil ayaw niyang maramdaman na dapat siyang bigyan ng kakaibang pansin.

“Hangarin niyang hindi mapahiya sa inyo dahil sa paghikayat na mahirap man pero tama na sundin ang daan matuwid. Nagawa niya ang lahat ng ‘yon.

“Masakit po para sa amin na tahimik niyang tinanggap ang mga batikos.

"Nakatatak sa aming magkakapatid na nung sinabihan namin siya na magsalita at labanan ang mga maling haka-haka, simple lang ang sagot niya sa amin, kaya pa niyang matulog sa gabi.

“Hinarap niya ang lahat ng imbestigasyon at akusasyon, Sandiganbayan November 2017, Senado noong December 2017, at Kongreso noong February 2018.

Continue reading below ↓

“Because when you enter public service, when you serve with honesty and dignity, and you know you committed no crime against the people, hindi ka matatakot magsabi ng totoo."

PRIVATE CITIZEN

Binanggit din ng pamilya Aquino ang paglabas-masok ni Noynoy sa ospital nitong mga nakalipas na taon.

Nagpasalamat din sila sa mga kaibigan ni PNoy na dumadalaw at sa mga pari at madre na nagdasal para sa kanyang paggaling, at lalo na ang mga kasama ng dating Pangulo sa bahay.

Pahayag ng Aquino sisters, “Pribado po siyang tao. Bago pa man ang pandemic labas-pasok na po siya sa ospital.

"Nais namin magpasalamat sa lahat ng mga doktor at sa buong medical team na nag-alaga sa kapatid namin.

“Naramdaman namin bilang mga kapatid niya that they did everything to make him comfortable. They became compassionate friends who gave him true respect by valuing and protecting his privacy.

“Sa lahat ng mga totoong kaibigan niya na walang palya siyang dinadalaw, tine-text, pinapadalhan ng pagkain, sinasamahan at pinoprotektahan siya, salamat po.

Continue reading below ↓

“Sa mga madre at pari na malapit sa pamilya namin na walang sawang ipinagdasal ang kanyang paggaling, salamat din po.

“Sa tropa niya, kay Ivy at siguro, ang numero uno sa listahan, si Yolly na thirty years siyang inalagaan, lahat ng kasama niya sa Times Street na mula noong pandemic, bihirang nag-o-off dahil alam nila delikado para sa kanya, salamat."

Pinasalamatan din nila ang lahat ng mga Pilipinong bumoto kay Noynoy nang tumakbo itong kongresista, senador, at pagkapangulo.

Dagdag pa nila, “Sa mga botante ng second district ng Tarlac noong 1998, kayo ang unang bumoto sa kanya. Sa inyo siya nagsimula, three terms ang nabuo niya.

“Sa 13.3 million Filipinos na noong 2007 voted for him to become senator and sa 15.2 million Filipinos na nagtiwala sa kanya noong 2010 at ibinigay ang pinakamalaking karangalan na pwedeng ipagkaloob sa kahit na sinong Pilipino, habambuhay naming tatanawin na utang na loob yung naibigay ninyo sa aming kapatid. Maraming-maraming salamat po."

Continue reading below ↓

Mensahe pa nila para sa yumaong kapatid: "Mission accomplished ka, Noy. Be happy now with dad and mom.

"We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother.We will miss you forever Noy."

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Aquino sisters (from left) Ballsy Cruz, Viel Dee, Pinky Abellada, and Kris Aquino read their family's official statement on the passing of their brother, former President Noynoy Aquino. PNoy passed away this Thursday morning, June 24.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results