James Yap remembers PNoy's kindness; Michela Cazzola condoles with Kris Aquino

by Rachelle Siazon
Jun 24, 2021
James Yap remembers the kindness of former brother-in-law ex-President Benigno Aquino III, while Michela Cazzola, James's partner, offers words of comfort to Kris Aquino. James is Kris's former husband.
PHOTO/S: @jamesyap18 / @michelacazzola / @krisaquino III

Nakikiramay sina James Yap at Michela Cazzola sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino.

Si Michela ay ang Italian partner ni James Yap, na dating asawa ng bunsong kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino.

Anak nina Kris at James si Bimby Aquino Yap. May dalawa namang anak si James kay Michela—sina Michael James at Francesca.

Eksaktong 6:30 ng umaga ng Huwebes, June 24, binawian ng buhay si PNoy dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Bandang alas-kuwatro ng hapon nag-post si Kris ng maiksing mensahe para sa nag-iisang kapatid na lalaki.

Sabi ni Kris kalakip ng yellow heart emoji, "We love you Noy."

Kasama iyon ng video kunsaan binabasa ng kapatid ni Kris na si Pinky Aquino-Abellada ang family statement nila tungkol sa pagpanaw ni PNoy.

Continue reading below ↓

Sa comments section, isa si Michela sa nag-iwan ng mensahe para kay Kris.

Sabi ni Michela, "Condolences, Kris. Had the honor to work with your brother's administration.

"Am sorry to hear about the sad news."

Bandang alas-nuwebe ng gabi nang mag-post naman si James ng kanyang pakikiramay sa pagkamatay ni Noy.

Continue reading below ↓

Naalala ni James na mabait daw sa kanya si Noy.

Sabi ni James via Instagram: "Rest in peace President Noynoy Aquino.. Thank you for being nice to me. You will be missed."

Hindi kaila sa publiko na matagal nang walang komunikasyon sa pagitan ni Kris at dating asawa na si James.

Continue reading below ↓

Pero minsan nang naging malapit si Michela kay Kris, noong panahong sinubukang magkaayos nina Kris at James para sa kanilang anak.

October 2016 ay bumisita si Kris sa bahay nina Michela at James para makita ni Bimby ang kapatid na si Michael James, na noo'y sanggol pa lamang.

Noong December 2016, naging bukas si Kris sa pagsasabing itinuturing niyang kaibigan si Michela dahil daw sa genuine kindness at effort ng Italyana para magkalapit sila.

Consistent ang komunikasyon nila, ayon kay Kris, noong April 2017. Nagpapadala raw si Michela ng text messages para mangumusta "every other week."

Hindi malinaw kung natigil iyon nang magkairingan sina James at Kris bandang August 2018.

MESSAGES FROM CELEBS FOR KRIS

Sa kabilang banda, marami pa ring mga artista ang nagpaabot ng pakikiramay kay Kris sa pagpanaw ni Noynoy.

Kabilang dito sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Angel Locsin, Matteo Guidicelli, Alex Gonzaga, at Cheska Garcia.

Continue reading below ↓

May mensahe rin para kay Kris sina Ogie Alcasid, Darren Espanto, Derek Ramsay, at Tom Rodriguez.

Gayundin ang kaibigan ni Kris na si Dra. Ging Zamora-Abrahan at dating katrabaho na si Darla Sauler.

Continue reading below ↓

ONGOING WAKE AT HERITAGE PARK

Samantala, na-cremate na ang mga labi ni dating Pangulong Noynoy, at kasalukuyang ginaganap ang lamay sa chapel sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Ayon kay Kris, magkakaroon ng pamisa sa Ateneo bukas, Biyernes, June 25.

Gaganapin ang interment sa Manila Memorial Park sa Parañaque City sa Sabado, June 26.

Continue reading below ↓

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Yap remembers the kindness of former brother-in-law ex-President Benigno Aquino III, while Michela Cazzola, James's partner, offers words of comfort to Kris Aquino. James is Kris's former husband.
PHOTO/S: @jamesyap18 / @michelacazzola / @krisaquino III
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results