Vice Ganda rates one-on-one interview with PNoy one of his career highlights

by Bernie V. Franco
Jun 24, 2021
In 2015, Vice Ganda had a one-one-one interview with former President Benigno "Noynoy" Aquino. In the said episode, Vice named PNoy the "pinakamatinong presidente."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / ABS-CBN Entertainment

Binigyang-pugay ni Vice Ganda ang yumaong si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, na mayroon daw kontribusyon sa kanyang showbiz career.

Pumanaw si PNoy nitong Huwebes ng umaga, June 24, dahil sa renal disease secondary to diabetes. Siya ay 61 taong gulang.

Ngayong Huwebes gabi, ibinahagi ni Vice na isa sa mga highlight ng kanyang career ay nang ma-interview niya si PNoy para sa Gandang Gabi Vice (GGV).

Ang GGV ay ang weekly late-night talk show ni Vice sa ABS-CBN na tumakbo mula May 2011 hanggang March 2020.

Nangyari ang one-on-one interview ni Vice kay PNoy sa Malacañang mismo noong 2015.

Binanggit pa ni Vice na isa raw iyon sa best episodes ng kanyang dating talk show.

Ito rin ang mga panahong matalik pang magkaibigan si Vice at ang bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Ipinost ni Vice sa Instagram ang throwback photo ng GGV team kasama si PNoy.

Continue reading below ↓

Caption ng It’s Showtime host: “I had the privilege to interview you for Gandang Gabi Vice during your term as President.

“That was one of the highlights of my career and also one of the best episodes of my program.

“Thank you very much Sir Noy for the honor to personally meet you and have that once in a lifetime experience.

“As a Filipino I am grateful for your integrity.

“May you rest in peace our 15’th President of the Philippines, Benigno Aquino III.”

Continue reading below ↓

VICE SAYS PNOY WAS THE “BEST PRESIDENT”

Sa episode na iyon, nagawang mailabas ni Vice ang funny side ni PNoy.

Tinanong pa niya noon ang Pangulo kung anong brand ng shampoo ang ginagamit nito.

Biniro pa noon ng komedyante si PNoy na siya ang pinakaguwapong Pangulo sa bansa, pero humirit na nakaupo pa kasi sa puwesto si PNoy kaya niya nasabi iyon.

Naglaro rin sila ng game noon kung saan may ipinakitang mga larawan si Vice at magkokomento si PNoy.

Kasama sa mga ipinakitang larawan ni Vice ay ang dalawang na-link na babae kay PNoy—sina Liz Uy at Grace Lee.

Sa pagtatapos ng show, naging seryoso si Vice at inihayag ang kanyang saloobin kay PNoy bilang Pangulo.

Inihayag ni Vice na para sa kanya ay si PNoy ang “pinakamatinong presidente.”

Sabi niya, “Gusto ko hong magpasalamat sa inyo. Ito po seryoso po ito.

“Magmula ho nung nagkaroon ako ng muwang dito sa mundo at naimulat ang mata ko, masasabi kong kayo po ang pinakamatinong presidente ng bansa ko na naranasan ko, matapos ang nanay n’yo.

Continue reading below ↓

"Magmula po nong bumoto ako, kayo lang po yata ang binoto ko sa presidente na hindi ko pinagsisihan.”

Sinabi rin ni Vice na may mga kahinaan si PNoy bilang Pangulo ng bansa, pero tinitingala pa rin niya ito dahil alam niyang hindi ito corrupt.

Sabi ni Vice, “Bilang isang normal na tao, meron kayong mga kahinaan, may mga sablay kayo minsan.

Continue reading below ↓

"Pero masasabi ko po, nagpapasalamat pa rin ako at kayo ang Pangulo ng bansang ito sa ngayon dahil nakakatulog ako sa gabi at sigurado ako na hindi ako nanakawan ng Pangulo ko.

"Maraming-maraming salamat po.”

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2015, Vice Ganda had a one-one-one interview with former President Benigno "Noynoy" Aquino. In the said episode, Vice named PNoy the "pinakamatinong presidente."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results