Watch Now

Jasmine Curtis Smith says trust is key to kilig scenes with Alden Richards

by Rose Garcia
Jun 26, 2021
Jasmine Curtis Smith on her kilig chemistry with The World Between Us co-star Alden Richards: “Nandoon na kami, nakuha na namin and ako, I’m very comfortable. Nae-enjoy ko yung kilig every time we’re on that scene and I’m glad that’s with Alden. There’s so much trust there talaga.”
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @vjmadzlatest on Instagram

Halos sabay lang palang pinasok nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith ang mundo ng showbiz.

Pero dahil magkaiba sila ng networks dati, sa pelikula lang sila unang nagkaroon ng pagkakataong magkasama.

Ang bago nilang teleserye sa GMA-7, ang The World Between Us, ang unang serye kunsaan sila na talaga ang magkatambal at mga bida.

Pagbabalik-tanaw ni Jasmine, “Alden and I kasi, we met way, way back.

"Like 10 years ago when we were both starting in the industry and we’re both still building our confidence, our core here.

“We’re still there, we’re still continuously building that.

“Pero what I can say naman, every time na nagkakaroon kami ng encounter sa isa’t isa, whether or not may problem, nakikita mo yung lalim, yung depth nang napuntahan ng isa’t isa.

"Kasi years din minsan ang pagitan ng work namin or encounter lang sa isang event.

“But then, the experiences na nae-encounter namin individually, kapag nagkita ulit kami, you can see that there’s something different with the person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi mo naman mapi-pinpoint iyon. I don’t think I can really find what it is that he’s grown into or what really changed.

"But you know, as a professional, definitely you see the big shift, how he’s shifted trajectory or how it made him the actor that he is now.

“Ako, with the last two projects that we worked on together, now is the only time that I really get to dive in, iyong depth na iyon. Kasi ngayon lang din kami magkakaroon ng panahon para i-explore iyon together.”

Para kay Jasmine, kung ano ang takbo ng karakter nila ni Alden sa serye, ganun din ang takbo ng friendship nila sa totoong buhay.

Aniya, “Yung growth ng characters namin dito, parang ganoon din iyong growth ng friendship namin, iyong connection namin sa isa’t isa.

“Meron din siyang napupuntahang depth and meron din siyang learnings along the way about each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May mga kuwentuhan on the side that we can have a chance to really get to know each other personally more. Because we have the chance now.

“You cannot put a number on how much we’ve improved. All I can say, is there’s always something stronger when we get to connect with each other every time na magkakatrabaho kami. And I hope that’s something na makikita niyo po rito as Louie and Lia.”

Si Louie ay si Alden at si Lia naman si Jasmine sa The World Between Us

Naniniwala si Jasmine na sa kabila ng ilang komento o maaaring disgusto man ng iba dahil may kanya-kanyang idolo o pinapaborang loveteam, bilang mga artista sila ni Alden, kailangan nilang iisantabi ang anumang personal na meron sila.

JASMINE REVEALS KEY TO PROFESSIONALISM

Kailangan nilang gawin kung ano ang mga karakter na kailangan nilang bigyang buhay.

Paliwanag niya, “Yeah, kailangan kasi kapag pumapasok ka sa isang project, you have to remember, this is work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So everything that's personal, i-plantsa mo iyan on your own, personal mo iyan na tatrabahuhin.

“Pero pagdating dito, kailangan kasi iyong inhibition na iyon, you put your guard down.

"Kailangan maging open ka sa magiging katrabaho mo. Para whatever they feel, you let yourself be affected by it.

"Kasi napaka-importante noon, di ba? Hindi magwu-work e, kung hindi mo ibibigay sa kaharap mo.

“Especially with Alden, matagal na kaming magkakilala. Every time we see each other and even if we never get the chance to know each other that deep yet, pero yung comfort, ang galing.

“Ako, it’s my personality that, 'ah okay, been there, done that.' I don’t get affected by anything.

"Even personally ano, yung mga inhibition... because I’m part of a relationship or whatever or I’m the sister of ganyan, baka may maisip ang ibang tao.

"I don’t let that affect my work because napaka-unfair din naman sa sarili ko at sa mga makakapareha ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko iyon dapat hayaan na maapektuhan kami at iyong chemistry namin and iyong ibibigay namin sa show, kasi na-entrust sa amin.

“I have to be able to overcome that personally. And ako naman, feeling ko, nalagpasan ko na iyon.

"Nara-ride ko na iyong wave naming dalawa ni Alden. We got that kilig going on and alam na namin paano i-let iyong kilig na iyon and ma-reach iyon personally and professionally.

“Nandoon na kami, nakuha na namin and ako, I’m very comfortable. Nae-enjoy ko iyong kilig every time we’re on that scene and I’m glad that’s with Alden. There’s so much trust there talaga.”

JASMINE CONSTANTLY LEARNING FROM VETERAN STARS

Nagpapasalamat naman si Jasmine at malaking bagay raw sa kanya bilang isang actress na ang mga kasama nila sa The World Between Us ay ang mga award-winning actress at mga beterana na sa larangan ng pag-arte gaya nina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, “Of course, for someone who’s been in the industry for a mere 10 years, there’s still so much to learn and dapat kasi, palagi kang bukas at palagi kang handa na matuto kapag pumupunta ka sa set.

“Whether it’s from seasoned actors or whether it’s from your ka-contemporaries. But we have the privilege to be with two of the best seasoned actors that I believed in.”

Kaya naman hindi raw niya pinapalampas ang kanyang pagkakataong magtanong o matuto mula sa kanila.

“So you know, I’ll take advantage of that at talagang bawat advice or tips that they can give, ini-incorporate ko iyon if I can,” pagmamalaki niya.

“Inaaral ko kung bakit at kung saan galing iyong advice nila so that makita ko rin iyong perspective na iyon at ma-apply ko rin siya even when hindi ko na sila kasama for my next project.

“Kasi makakatulong iyon sa iyo and it can only improve your next approach for the future characters na kailangan mong aralin din or i-portray.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “For me, it’s such a wonderful ride, kasi they’re very generous pagdating sa mga ganoong bagay.

"Especially for my scenes with Louie, you know--the kilig feeling, the being in-love and all of that--I really listen to a lot of Ms. Jaclyn’s advice. It’s just so enriching para sa character ni Lia.

“And I can only use it to make it better or my portrayal better. Thank you Ms. Jaclyn, thank you po.”

Mapapanood ang The World Between Us sa Kapuso network simula July 5, pagkatapos ng 24 Oras.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis Smith on her kilig chemistry with The World Between Us co-star Alden Richards: “Nandoon na kami, nakuha na namin and ako, I’m very comfortable. Nae-enjoy ko yung kilig every time we’re on that scene and I’m glad that’s with Alden. There’s so much trust there talaga.”
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @vjmadzlatest on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results