Lourd de Veyra redefines "Noynoying"; Floy Quintos dedicates poem to PNoy

by Nikko Tuazon
Jun 27, 2021
Noynoy Aquino
On the heels of Noynoy Aquino's death, Lourd de Veyra redefines "Noynoying." One of its new definitions is "Batid na ang pagpuna ay bahagi ng demokrasya. At pag napipikon, kahit anong banat sa kanya ng media, walang pina-ban, walang hinaras, at higit sa lahat, walang pinasara."
PHOTO/S: Noynoy Aquino on Facebook

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng tribute para sa yumaong dating Pangulo Benigno Simeon "Noynoy" Aquino.

Pumanaw si former president Noynoy, na nakilala rin ng taumbayan bilang PNoy, habang ito ay mataimtim na natutulog nitong Huwebes ng umaga, June 24, 2021, dahil sa kaniyang renal disease secondary to diabetes.

Kinabukasan, June 25, binalikan ng writer na si Lourd de Veyra sa kanyang AksyonTV segment na "Word of the Lourd," ang ilan sa mga tumatak na salita noong paanahon ni PNoy bilang presidente.

Kabilang sa mga ito ay ang "tuwid na daan" na naging slogan ni PNoy noong nangangampanya pa ito para sa 2010 presidential elections.

Nag-trending din noon ang salitang "wang-wang" matapos ianunsiyo ni PNoy sa kanyang inauguration speech noong 2010 "bawal ang wang-wang" policy na pumipigil sa mga nasa gobyerno na magpa-VIP sa daan.

Ngunit isa sa mga tumatak na topic noon ay ang salitang "Noynoying" na unang ginamit ng mga bumabatikos sa dating pangulo noong 2012.

Continue reading below ↓

Ang salitang ito ay nagkaroon pa nga ng sariling Wikipedia page.

Ayon dito, ang Noynoying ay "protest tactic in the form of neologism which critics of Philippine President Benigno Aquino III have used to question his work ethic, alleging inaction on Aquino's part on the issues of disaster response and of rising oil prices."

Ngunit para kay Lourd, tila nagbago na ang ibig sabihin nito sa kasalukyang panahon.

Sa kanyang feature, sabi ni Lourd, "May inimbentong termino ang mga aktibista noong 2012 kay PNoy dahil sa kanyang umano’y katamaran at kabagalan sa pagtugon sa maraming problema noon—ang "Noynoying."

"Pero, akalain mo yun? May mas grabe pa pala sa kanya. So hindi kaya oras na para magkaroon ng makabagong kahulugan ang Noynoying?

"Noynoying—ang pagiging malinis, totoo, tapat, at hindi corrupt.

"Noynoying—ang pag-inda sa mga batikos. Pero sa huli, hindi maikakailang iniwan mong mas maunlad at mas maginhawa ang Pilipinas.

"Noynoying—may pagpapahalaga sa buhay ng tao.

Continue reading below ↓

“Noynoying—ang pagiging disente, maginoo, makabayan. Yung tipong makakatayo ka nang marangal sa harap ng mundo.

"Noynoying—batid na ang pagpuna ay bahagi ng demokrasya. At pag napipikon, kahit anong banat sa kanya ng media, walang pina-ban, walang hinaras, at higit sa lahat, walang pinasara."

Nitong Sabado ng madaling araw, June 26, 2021, ibinahagi naman ng playwright at direktor na si Floy Quintos ang sinulat nitong tula na may titulong "DYING IN YOUR SLEEP" bilang pag-alala sa yumaong dating president.

Ang buong tula ni Direk Floy:

Go now,

while the dawn's light

is purest

and the world is quiet still.

Soon, the noise of mourning

will rend the air,

and even vultures

will shriek lamentations

while sharpening their claws.

Small

and light

and tender,

you will

no longer feel

the thousand cuts of calumny,

or the sharp stabs of lies foretold.

The promise of perfection will

lose its sheen.

As will the memory

of your noblest dreams.

The clarity

that floating brings,

the passing nature of all things.

Your broken heart,

your battles lost,

your splendid vision.

At what cost?

But dream you did.

For dream you must.

Now,

pass your battles on

to us.

Continue reading below ↓

Sa parehong araw, dinala ang abo ni PNoy sa Manila Memorial Park, Paranaque City, kung saan inilibing ang kanyang mga magulang—former Senator Benigno "Ninoy" Aquino at former President Corazon Aquino.

Nag-organisa naman ng gabi-gabing novena mass ang Ninoy & Cory Aquino Foundation para sa yumaong presidente na nagsimula ngayong Linggo ng gabi, June 27, 2021, hanggang sa Biyernes, July 2, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On the heels of Noynoy Aquino's death, Lourd de Veyra redefines "Noynoying." One of its new definitions is "Batid na ang pagpuna ay bahagi ng demokrasya. At pag napipikon, kahit anong banat sa kanya ng media, walang pina-ban, walang hinaras, at higit sa lahat, walang pinasara."
PHOTO/S: Noynoy Aquino on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results