Katrina Halili seen at John Lloyd Cruz's Batangas rest house; netizens ask: are they an item?

by Rachelle Siazon
Jun 28, 2021
John Lloyd Cruz (in black shirt, left photo) celebrates his 38th birthday with Katrina Halili (sleeveless top, left), Maja Salvador (black top, right photo), Rambo Nunez (center, right), Mimi Juareza (white sleeveless top, right), and other friends at his rest house in Nasugbu, Batangas.
PHOTO/S: @katrina_halili / @mimijuareza Instagram

May espesyal na ugnayan ba sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Katrina Halili?

Ito ang tanong ng netizens dahil may ilang okasyong namataang magkasama ang dalawa.

Si Katrina ay kilalang Kapuso actress, habang si John Lloyd ay dating Kapamilya actor na inaasahang gagawa ng TV project sa GMA-7.

Nitong June 26 ay si Katrina mismo ang nagbahagi ng ilang litrato nila ni John Lloyd Cruz at ng anak ng aktor na si Elias.

Nagbigay ng simpleng birthday greeting si Katrina para kay John Lloyd via Instagram post.

Ika-38 na kaarawan ni John Lloyd noong June 24.

Sabi sa caption ni Katrina, "Belated happy birthday @johnlloydcruz83."

THE PICTURES from katrina's ig post

Base sa Instagram post ni Katrina, may litrato siyang relaxed na nakaupo sa silya habang si John Lloyd ay tila kakalabas ng pintuan ng isang dining room.

Maaaninag sa glass wall sa likod ni Katrina at John Lloyd na may dalawang babae sa loob ng dining area.

Continue reading below ↓

May isa pang litrato si Katrina kasama si John Lloyd at transgender actress na si Mimi Juareza.

Kumportableng nakaupo si John Lloyd sa sahig, habang tila kinunan sila ng litrato sa gitna ng masarap na kuwentuhan.

Continue reading below ↓

Sa dalawa pang litrato ay kasama naman ni Katrina si Elias.

Isa roon ay nasa tabing-puno sila, at ang isa pa ay nakasalip si Katrina kay Elias na nasa ilalim ng mesang bato.

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Katrina kung saan at kailan kuha ang mga litrato.

JOHN LLOYD'S rest house in BATANGAS

Pero natukoy na kuha ang mga litrato sa rest house ni John Lloyd sa Tali Beach exclusive residential resort sa Nasugbu, Batangas.

Doon nagdiwang si John Lloyd ng kanyang 3th8 birthday kasama ni Katrina at ilang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Naroon din si Maja Salvador at nobyong si Rambo Nuñez.

Bukod sa magkaibigan sina John Lloyd at Maja, si Maja ang tagapamahala ng Crown Artist Management na nagma-manage sa career ni John Lloyd.

Tugma ang mga suot na damit nina John Lloyd, Katrina, at Mimi sa mga litrato nila na naunang kumalat sa social media noong June 18.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD AND KATRINA IN EL NIDO, PALAWAN

Noong April 2021 unang lumabas sa YouTube ang video kunsaan namataan sina John Lloyd at Katrina na lumalangoy sa beach sa El Nido, Palawan.

Isang grupo ng mga turista mula Bacolod ang nakasabay sina John Lloyd at Katrina sa isa sa mga isla sa El Nido.

Continue reading below ↓

Makikitang hindi naman umiwas si John Lloyd at nakangiting nakipag-usap pa ang aktor sa grupo ng mga turista at inalam kung taga-saan ang mga ito.

Kung pakikinggan ang YouTube vlog ng netizen, nabanggit nitong October 30, 2020 sila nagbakasyon doon sa El Nido.

Hindi malinaw kung saan at paano nagkakilala sina John Lloyd at Katrina.

Continue reading below ↓

Pero sa El Nido, Palawan ang hometown ni Katrina at may pag-aari siya roong 13-hectare property.

Si John Lloyd ay napabalitang nagpapagawa naman ng bahay sa El Nido, Palawan.

Noong September 2020, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagtungo niya sa Palawan upang asikasuhin ang kanyang bahay doon.

NETIZENS' REACTIONS

Naging palaisipan naman sa netizens kung magkaibigan lang o may magandang pagtitinginan sina John Lloyd at Katrina.

Narito ang ilan sa komento mula sa IG post ni Katrina:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Matatandaang sinabi ni John Lloyd na "handang-handa" na siyang umibig muli nang tanungin siya ni Willie Revillame sa pinagsamahan nilang event noong June 6, 2021.

Ang huling nakarelasyon ni John Lloyd ay si Ellen Adarna.

Si Katrina ay pitong taon nang single, ayon sa panayam ng PEP.ph noong September 2020.

Watch Katrina Halili's September 2020 interview on PEP Exclusives here:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz (in black shirt, left photo) celebrates his 38th birthday with Katrina Halili (sleeveless top, left), Maja Salvador (black top, right photo), Rambo Nunez (center, right), Mimi Juareza (white sleeveless top, right), and other friends at his rest house in Nasugbu, Batangas.
PHOTO/S: @katrina_halili / @mimijuareza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results