Jean Garcia calls out son-in-law Alwyn Uytingco for disrespecting her, causing Jennica heartaches

by Rachelle Siazon
Jun 28, 2021
Jean Garcia (left) to son-in-law Alwyn Uytingco (center): "Di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…" Jean is the mother of Alwyn's wife Jennica Garcia (right).
PHOTO/S: @chic2garcia / @alwynzky / @jennicauytingco Instagram

Gigil sa inis si Jean Garcia, 51, sa son-in-law niyang si Alwyn Uytingco, 33, dahil wala umano itong respeto sa kanya.

Si Alwyn ay asawa ng anak ni Jean na si Jennica Garcia, 31.

Nitong buong buwan ng Hunyo, may apat na Instagram posts si Alwyn kunsaan inihayag niya ang labis na pangungulila sa asawa na si Jennica at dalawa nilang anak na babae na sina Mori, 6, at Alessi, 3.

Pero ngayong Lunes, June 28, sunud-sunod ang batikos ni Jean sa Instagram posts ni Alwyn.

Hindi maiwasang kuwestiyunin ni Jean ang sinseridad ni Alwyn dahil hindi raw nito sinasagot ang mensahe niya.

Dismayadong komento ni Jean sa isang IG post ni Alwyn (published as is):

"Talaga ba yan Alwyn?!!!

"Sana sinagot mo message ko sayo... respeto kase yon bilang magulang ni Jennica.

"Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!"

Sabi pa ni Jean (published as is), "Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!"

Continue reading below ↓


JEAN SAYS ALWYN GAVE JENNICA "HEARTACHES"

Bilang ina, lubos na apektado si Jean dahil tila nasaksihan niya ang paghihirap ni Jennica dahil sa kung anumang alitan nito at ni Alwyn.

Nagkomento pa si Jean sa June 12 Instagram post ni Alwyn kunsaan sinasabi ng aktor na mahal na mahal niya ang asawa.

Continue reading below ↓

Sarkastikong komento ni Jean ngayong Lunes, June 28, (published as is), "Wow! Galing mo after everything?!!! Wow ulit!!!"


Ipinahiwatig ni Jean na matindi ang sama ng loob na ibinigay umano ni Alwyn kay Jennica.

Ani Jean (published as is): "Wow ngayon naiisip mo mga anak mo??? Tama naman yan pero yung heartaches ni Jennica sayo?! Ok ba?!!!! Tanong lang Alwyn???"

Continue reading below ↓


Ngayon ding araw ay may cryptic post si Jean sa kanyang verified Instagram account.

Isa itong quote card na ang nilalaman ay ganito: "A REAL MAN chooses to honor, love, respect, adore, and be faithful to one woman."

Walang tinukoy na pangalan si Jean sa kanyang caption: "aawww…just saying…again!!!"

Continue reading below ↓

JENNICA AND ALWYN'S BREAKUP

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com na lumabas noong May 20, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.

"From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made," makahulugang saad ni Jennica.

Kinabukasan, May 21, sinabi ni Jennica na hindi siya kailanman magbibitiw ng hindi magandang salita laban kay Alwyn sa kabila ng pinagdadaanan nilang problema.

Ayaw man niyang idetalye ang kanyang isyu, iginiit niyang wala itong kinalaman sa financial matters.

Noong June 16 naman nag-post sa Instagram si Alwyn na mahirap man ang sitwasyon nila ngayon ay gagawin niya ang lahat para magkaayos sila ni Jennica.

Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 12, 2014 sa isang Christian ceremony sa Greenhills, San Juan City.

Watch on PEP Talk the happier days of Alwyn Uytingco and wife Jennica Garcia:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jean Garcia (left) to son-in-law Alwyn Uytingco (center): "Di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…" Jean is the mother of Alwyn's wife Jennica Garcia (right).
PHOTO/S: @chic2garcia / @alwynzky / @jennicauytingco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results