Iñigo Pascual happy for Maris Racal's relationship with Rico Blanco

by Melba R. Llanera
Jun 29, 2021
Iñigo Pascual on former loveteam partner Maris Racal: "To see her blossoming into someone who she is now, and how she's really being herself in front of people, talagang nakakatuwa, sobrang nakakatuwa."
PHOTO/S: @inigopascual / @mariesteller Instagram

Nagpahayag ng saya si Iñigo Pascual, 23, sa kumpirmadong relasyon nila Maris Racal, 23, at Rico Blanco, 48.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Iñigo na alam niyang matagal na ang paghanga ni Maris kay Rico.

"Of course, I'm very, very happy for her.

"Actually, alam ko kung gaano kasaya si Maris with Rico. I mean, she always love and admire Rico for a very, very long time."

Nagtambal sina Iñigo at Maris sa ilang proyekto ng ABS-CBN kung kaya't nabuo ang MarNigo loveteam nila noon.

Marami sa MarNigo fans ang nalungkot nang hindi nauwi sa totohanang relasyon ang samahan ng dalawa.

Sa parte ni Iñigo, proud siyang makita na tuloy sa paggawa ng bagong kanta si Maris.

"Nakaka-proud kasi nakita ko si Maris na nag-i-struggle na hinahanap ang sarili niya or yung mga gusto niyang gawin.

"To see her blossoming into someone who she is now, and how she's really being herself in front of people, talagang nakakatuwa, sobrang nakakatuwa."

Continue reading below ↓

May komunikasyon pa rin ba sila ni Maris?

Sagot ni Iñigo, "Di masyado, lately hindi talaga. I just wanna respect din naman.

"I'm happy for her and I don't wanna make it awkward siguro for everybody. Siyempre nandun ako to support both."

Kung may pagkakataon ay bukas daw siyang makatrabaho uli si Maris.

"Work with her? Oo naman, sobra. Given the chance, it would be nice to work with her on a song or a project, pelikula or ano man yun. I'm open to that," saad ni Iñigo.

IÑIGO IS STILL SINGLE

Nang usisain ang kanyang love life, sinabi ni Iñigo na wala pa sa isip niya ang pumasok sa relasyon sa ngayon.

Paliwanag niya, "Sa hirap ng ginagawa ko sa training at sa lahat-lahat, ang hirap din magsimula ng relationship.

"I mean, may mga nakakausap akong tao, pero hindi ko masasabi na relationship. kasi ang hirap din mag-commit ngayon, lalo na may pandemic pa.

Continue reading below ↓

"It's hard to start something, and I feel I'm not really ready to jump into a relationship."

Naniniwala raw si Iñigo na kapag nagkanobya siya ay mauuwi na ito sa kasal.

"With all the things that I want to pursue, with all the things I want to do, feeling ko wala pa ako sa point na yun.

"Saka kasi feeling ko, pag nag-relationship na ako, gusto ko settle down na ako agad, ikasal na ako.

"Feeling ko pag nagmahal ako, 'Tara na, let's go.' At least, napaghandaan ko, prepared ka."

Noong June 22, nakapanayam ng PEP.ph si Inigo sa virtual presscon para sa launching ng kanyang international album na Options.

IÑIGO'S NEW ALBUM

Excited si Iñigo dahil sa wakas ay maririnig na ng kanyang fans ang bago niyang album.

Kuwento niya, "The carrier single is 'Neverland.' Matagal naming ginawa ang album na ito, two years ito bago na-release and siyempre marami ang nangyari.

Continue reading below ↓

"Of course, I want to say thank you to the team, the whole Tarsier Records, Star Magic, and Cornerstone for pushing this album to continue para ma-release din namin.

"Nagawan din namin ng paraan siyempre na gawin namin yung mga music video."

Naka-collab ni Iñigo ang Grammy-nominated producer na si DJ Flict at American band na The Common Kings para sa kantang "Danger."

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "I also have three compositions in this track which I wrote and some tracks which I helped compose as well. It's an album which I'm very hands on."

Proud si Iñigo dahil pinapatugtog ang kanta niyang "Danger" sa isang major radio station sa America.

Lahad niya, "That specific radio station kasi, 'yan ang pinapakinggan ko nung dun pa ako sa America nakatira. And to be able to hear my song being played, nandun na yung kanta ko sa station na yun.

"Siyempre nakakatuwa na nangyari din yun habang nasa States ako. Di siya planado. I didn't plan to be there because of the release. It just happened na nandun din ako sa States.

"Nasa kotse ako at napakinggan ko ang kanta ko.

"Even my family, nakakatuwa kasi sine-send nila sa akin every time na magpe-play yung kanta, nire-record nila tapos sine-send nila sa akin."

MORAL SUPPORT FROM DAD PIOLO

Nasa Pilipinas na ngayon si Iñigo, at ang ama naman niyang si Piolo Pascual ang nasa U.S.

Continue reading below ↓

Hindi man niya kasama ngayon ang ama ay alam ni Iñigo na masaya ito para sa bago niyang album.

Sabi ni Iñigo, "Actually, I saw him before he left. We had dinner.

"Nakakatuwa kasi he's excited about my song 'Danger' and even the release of the album Options. I always share it with him, lahat ng mga tracks na tinatrabaho.

Continue reading below ↓

"It's just sad I wasn't able to spend Father's Day with him dahil nasa States siya.

"But I always feel his presence naman pag may release ako or pag may ginagawa akong project. Palagi siyang naka-support."

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iñigo Pascual on former loveteam partner Maris Racal: "To see her blossoming into someone who she is now, and how she's really being herself in front of people, talagang nakakatuwa, sobrang nakakatuwa."
PHOTO/S: @inigopascual / @mariesteller Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results