Mavy Legaspi drops more hints igniting rumored romance with Kyline Alcantara

by Bernie V. Franco
Jun 29, 2021
Mavy Legaspi confirms that Kyline Alcantara is the mystery girl in his post some weeks ago. In a recent presscon, Mavy also could not help but flex how "cute" Kyline is.
PHOTO/S: @mavylegaspi, @itskylinealcantara on Instagram

Mukhang hindi na mapigilan ni Mavy Legaspi, 20, ang sarili na i-flex si Kyline Alcantara, 18, na napapabalitang espesyal sa kanya.

Si Mavy ay isa sa kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Si Kyline naman ay isa sa most promising young actresses ng Kapuso network.

Kamakailan, nasulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa mystery girl na ipinost ni Mavy sa Instagram.

Bagamat hindi kita ang buong mukha ng babae, marami ang tumukoy na si Kyline iyon base na rin sa dimples ng dalaga.

Kahapon, June 28, kinumpirma ni Mavy na si Kyline nga ang mystery girl sa kanyang Instagram post.

Sa virtual presscon ng FLEX, ang upcoming youth-oriented show ng GMA-7, asar-talo si Mavy sa kanyang co-stars na sina Joaquin Domagoso, Lexi Gonzales, at Althea Ablan.

Nausisa kasi si Mavy kung si Kyline ba ang mystery girl na may dimples sa post ng binata.

Continue reading below ↓

Umiwas si Mavy noong una, pero umamin din siya bandang huli.

“I guess it’s out there, yeah. Uh-um, yes,” pagkumpirma ni Mavy.

Inusisa ang apat kung sino ang mga taong nais nilang i-flex o ipagmalaki.

Pinauna ni Mavy ang kanyang co-stars.

Binanggit ni Joaquin ang ka-love team na si Cassy Legaspi, kakambal ni Mavy.

Continue reading below ↓

Binanggit naman nina Althea at Lexi ang kanilang pamilya.

Pinagkaisahan nila si Mavy at ito ang pinapasagot sa tanong.

Muling umiwas si Mavy. “Ano yung next question?” sabi niya.

Pero hindi siya pinalampas ng mga kasamahan.

Binanggit na lang ni Mavy ang co-star na si Althea.

Pero sinundot niya ito ng ganito, “Saka yung dimples ni Kyline, ang cute, e,” dahilan para asarin siya lalo ng kanyang co-stars.

“Ha? May nasabi ako? Sorry," na kunwari ay nagmamaang-maangan si Mavy.

Inasar siyang huwag nang bawiin ang sinabi dahil recorded ang Zoom presscon.

MAVY QUIPS ABOUT TAKING BACK KYLINE

Naging mas obvious naman ang ginawang biro ni Mavy na espesyal para sa kanya si Kyline.

Noong June 20, inilabas ni Darren Espanto ang music video ng kanta niyang “Tama Na,” kung saan ang leading lady niya ay si Kyline.

Kaibigan ni Mavy si Darren, na nauugnay naman sa kakambal ni Mavy na si Cassy.

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Mavy sa kanyang Instagram Story ang screenshot nina Darren at Kyline mula sa music video.

Naging malaman ang caption ni Mavy. Binati niya si Darren, pero nais daw niyang bawiin na si Kyline.

Caption ni Mavy (published as is): "CONGRATS ON THE MV @darrenespanto [party popper emoji]

“FOR REAL, SUPER PROUD OF YA. you know the rest man. [fingers crossed emoji]”

Sinundan niya ito ng ganitong hirit: “oh TAMA NA, akin na muna siya [monkey and sunflower emoji]”

Sunflower ang term of endearment kay Kyline ng kanyang fans.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mavy Legaspi confirms that Kyline Alcantara is the mystery girl in his post some weeks ago. In a recent presscon, Mavy also could not help but flex how "cute" Kyline is.
PHOTO/S: @mavylegaspi, @itskylinealcantara on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results