Senator Manny Pacquiao accepts President Duterte's dare to expose corruption in government

by Erwin Santiago
Jun 29, 2021
Senator Manny Pacquiao to President Rodrigo Duterte: "Mawalang galang na po mahal na Pangulo, nguni't hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni't dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling."
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram

Tinanggap ni Senator Manny Pacquiao ang hamon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na patunayang mas corrupt ang kasalukuyang administrasyon kumpara sa mga nakaraang administrasyon.

Sa official statement na inilabas ni Pacquiao ngayong Martes, June 29, kinontra rin niya ang paratang ng Pangulo na sinungaling siya.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ng dating magkaalyado nang isapubliko ni Duterte ang kanyang hamon kay Pacquiao na pangalanan ang mga tauhan at tanggapan sa kasalukuyang administrasyon na sangkot sa corruption.

Ginawa ng Pangulo ang hamon sa kanyang pre-recorded weekly public address na ipinalabas sa telebisyon kagabi, June 28.

Sinabi pa ni Duterte, kapag hindi napatunayan ni Pacquiao ang alegasyon nito ay aaraw-arawin niya ang pangangampanya na huwag iboto ang athlete-senator sa 2022 elections at isisiwalat daw niya ang pagiging sinungaling nito.

Matunog ang usap-usapang tatakbo bilang presidente si Pacquiao sa 2022.

Bahagi ng pahayag ni Duterte: “If you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty.

Continue reading below ↓

"Do it because, if not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar.'

"At saka madali parang carabao na kung saan yung bibirahin, pupunta doon.

“I am not questioning your ability intellectually or what, but pag hindi mo nagawa ‘yan, araw-arawin kita. I will expose you as a liar.

“At yung buhay mo, kilala man kita noon pa. Then you should start also because you are running for public office, presidency, everybody should know.

"But I’ll put you on notice na isasabi ko lahat at kakalabanin kita [sa] panahon ng eleksyon.

"Kapag hindi, you’ll just be another son of a bitch in politics."

Nanindigan din ang Pangulo na wala nang korapsyon sa kanyang administrasyon dahil napaalis na raw niya sa puwesto ang mga ito.

PACQUIAO ACCEPTS DUTERTE'S DARE

Sa official statement ni Pacquiao, pinasalamatan nito ang Pangulo na binigyan siya ng pagkakataong tumulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang labanan ang korapsyon.

Continue reading below ↓

Saad ng Pambansang Kamao: "Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

"Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng impormasyon para kampanya kontra korapsyon.

"Ang Pangulo mismo ang nagbanggit sa kanyang pahayag noong October 27, 2020 na lalong lumakas ang korapsyon sa gobyerno.

"In his own words, sinabi niya na 'I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon hindi humihina, lumalakas pa lalo.'

"Mr. President I feel the same way."

Nanindigan din si Pacquiao na hindi siya sinungaling, taliwas sa paratang ng Pangulo.

Aniya, "Mawalang galang na po mahal na Pangulo, nguni't hindi ako sinungaling.

"May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni't dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling."

Upang patunayang hindi siya nagsisinungaling sa sinabi niyang may korapsyon sa Duterte administration ay direkta niyang pinangalanan ang Department of Health (DOH), na pinamumunuan ni Secretary Francisco Duque.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Pacquiao, "Magsimula tayo sa DOH. Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa rapid test kits, PPE, masks at iba pa."

Hamon pa ng senador kay Duque: "Handa ka ba Sec. Duque na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?"

Sa huli ay sinabi ni Pacquiao na ikinalulungkot niyang sa isyu ng korapsyon pa sila magtatalo ng Pangulo "dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito."

Magkapartido sina Duterte at Pacquiao sa PDP-Laban, kung saan ang Pangulo ang tumatayong chairperson.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao to President Rodrigo Duterte: "Mawalang galang na po mahal na Pangulo, nguni't hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni't dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling."
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results