Watch Now

PNoy awarded ancestral land title to the Mangyans in 2010 without media coverage

by Bernie V. Franco
Jul 1, 2021
In December 2010, former President Noynoy Aquino awarded the Certificate of Ancestral Domain Title to the Mangyan tribe. This momentous event for the Mangyans took place without media coverage.
PHOTO/S: humanfacebyceres.blogspot.com

Iginawad ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga Mangyan ang kanilang lupang katutubo, nang walang media coverage, noong December 15, 2010.

Ito ang muling binalikan at inalala ng author at columnist na si Ma. Ceres P. Doyo sa kanyang column sa Inquirer ngayong Huwebes, Hulyo 1, 2021.

Una itong inilathala ni Doyo sa kanyang blog noong December 31, 2010.

Binanggit ni Doyo na wala siya sa event nang igawad ni PNoy ang titulo, pero inilabas niya ito dahil malapit sa kanyang puso ang mga katutubong Mangyan.

Minarapat ng kolumnista na sariwain ang kaganapang ito sa kanyang column sa broadsheet, kasunod ng pagpanaw ng dating Pangulo noong June 24, 2021.

Aniya, December 15, 2010 nang mangyari ang importanteng kagapanang ito para sa mga Mangyan, pero walang media coverage.

Mahalagang okasyon ito para sa grupo ng mga Hanunuo, Gubatnon, at Ratagnon (Hagura) na bumubuo sa tribong Mangyan sa Occidental Mindoro.

Ang awarding ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ay dinaluhan ni PNoy, gayundin ng mga katutubo at mga tagasuporta nilang Franciscan Missionaries of Mary (FMM).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labinlimang taon nila itong hinintay.

Sinimulang ipaglaban ng kanilang mga ninuno ang kanilang lupain noong 1995.

Nang ganapin ang awarding ng CADT, ang mga ninunong may hawak ng mga katibayang kanila ang lupaing ninuno ay mahina na, habang ang iba ay pumanaw na.

Nang sa wakas ay na-inform ang mga Mangyan na maipagkakaloob na sa kanila ang CADT, ang hiling nila ay makadalo si PNoy.

Pero sinabihan noon ang mga katutubo na malabo itong mangyari dahil malayo ang kanilang lugar.

DIVINE INTERVENTION

Ngunit dahil sa mga madre, nakarating ang hiling na ito ng mga Mangyan sa kapwa nila FMM sister na si Sister Cho Borromeo.

Hindi misyonaryo si Sr. Borromeo sa mga Mangyan, pero malambot ang kanyang puso sa mga nababalewala.

Nagkataong may phone number si Sr. Borromeo ni Pangulong Noynoy dahil nagkakilala sila noong 2010 elections, kung saan presidential candidate pa lamang si Noynoy.

Ilang ulit sinubukan ni Sr. Borromeo na tawagan ang na-save na numero sa pag-asang sasagutin ito ni PNoy, na noon ay naluklok na sa puwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa may sumagot sa telepono. “Is this the President?” tanong ng madre.

“Yes,” sagot sa kabilang linya.

Napapayag ni Sr. Borromeo si PNoy na pagbigyan ang hiling ng mga katutubong Mangyan na dumalo ito sa paggawad sa kanila ng CADT.

Noong December 15, 2010, lumipad si PNoy sakay ng helicopter sa bayan ng Magsaysay sa Occidental Mindoro.

Sinalubong siya ng mga nakatatandang Mangyan suot ang kanilang katutubong kasuotan.

Sa kanyang speech, ipinahayag ni PNoy ang tuwa niyang maipagkaloob ang ancestral land title sa mga Mangyan.

Bahagi ng kanyang talumpati: “Sa paggawad natin ng CADT sa grupong Hagura ngayong araw, hindi lamang lupang ninuno ang ibinabalik natin sa kanila.

"Higit sa lahat, patunay ito sa pagkilala natin sa lahat ng Mangyan bilang mahalagang pangkat ng ating lipunan; makabuluhang bahagi ng ating kultura at kasaysayan.”

Kinilala rin niya ang hindi pagsuko ng mga katutubo na ipaglaban ang kanilang lupang ninuno.

“Isa itong pagpupugay sa inyong tapang upang maibalik sa inyo ang lupang ipinagkait sa inyo nang mahabang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayong hawak na muli ninyo ang lupang ipinamana ng inyong mga ninuno, umaasa akong patuloy kayong magiging katuwang ng pamahalaan upang pangalagaan ang kinabukasan ng mga susunod na Mangyan; ng mga sumusunod ring mga Pilipino.

“Nawa’y maging hudyat ang araw na ito sa mas matibay na ugnayan nating lahat sa pagtataguyod ng mas maliwanag na bukas para sa marami pang henerasyon.”

Ang lugar ng mga Mangyan ay binubuo ng 14 na sitio sa Magsaysay at tatlong sitio sa San Jose sa Occidental Mindoro.

Nabuo ito noong 1995 bilang “consolidated efforts” para mabigyan ang mga katutubo ng karapatan at ma-develop ng kanilang ancestral domain.

Naging posible ang pagbibigay ng CADT sa mga Mangyan sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples, at ng FMMs na tumulong sa survey para maipaliwanag sa mga Mangyan ang kanilang mga karapatan na nakasaad sa Indigenous Peoples Rights Act.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In December 2010, former President Noynoy Aquino awarded the Certificate of Ancestral Domain Title to the Mangyan tribe. This momentous event for the Mangyans took place without media coverage.
PHOTO/S: humanfacebyceres.blogspot.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results