Melissa Ricks still wants Philippine wedding after getting married in the U.S.

by Arniel C. Serato
Jul 2, 2021
Melissa Ricks on why she and husband Michael Macatangay decided to get married in the U.S.: “Kasi lahat ng family ko nandun, ako lang ang nasa Pilipinas."
PHOTO/S: Arniel Serato

Magkasunod na ikinasal ang matalik na magkaibigang sina Melissa Ricks at Ara Mina.

Ikinasal si Melissa sa non-showbiz boyfriend niyang si Michael Macatangay sa California, USA, noong May 23, 2021.

Ikinasal naman si Ara kay PITC Undersecretary Dave Almarinez nito lang Miyerkules, June 30, sa Baguio City.

Isa si Melissa sa bridesmaids sa kasal nina Ara at Dave na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang media outlet si Melissa sa reception ng kasal nina Ara at Dave sa private mountain lodges.

Inusisa namin ang datging Kapamilya actress kung bakit mas pinili niyang maikasal sa Amerika.

Paliwanag ni Melissa, “Kasi lahat ng family ko nandun, ako lang ang nasa Pilipinas.

“Actually, ako lang talaga ang nandito, all my parents, my cousins, lahat nasa U.S.

“So, sabi ni Michael, we celebrate in the U.S., kasi nga nandun yung buong family ko, saka na yung nandito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balak din daw nilang magkaroon ng isa pang kasalan dito sa Pilipinas kung masawata na ang pandemyang dulot ng COVID-19.

Sabi ni Melissa, “It’s very difficult to plan a wedding. Ang galing nga na-pull off nila [Ara and Dave] ‘to, pero na-move nang na-move, di ba?

“So, ako naman, I wanna have my wedding when things are back to normal para masaya, di ba?

“Para everybody mag-enjoy, hindi kailangang naka-mask, so nag-decide kami na, at least, kasal na kami.

“To follow na yung kasal na talagang pinaplano namin, kasi na-move siya, e.

“Dapat December last year, tapos naging January.

"Tapos sabi namin, teka-teka nakaka-stress lang, it should be a fun experience, hindi dapat nakaka-stress.”

HAPPY FOR BEST FRIEND ARA

Engrande ba ang nakaplano nilang kasal ng kanyang businessman husband?

Sagot ni Melissa, “Sana, hopefully, siyempre andito lahat ng kaibigan ko, nandito lahat ng ka-close ko.

"Ang tagal ko tumira dito sa Pilipinas kaysa sa States, though lahat ng relatives ko nga, andun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I think it would really be fun to have it here pag hindi na natin kailangan mag-ingat masyado, para masaya.”

Sobrang naka-relate naman daw si Melissa sa iyakang nangyari sa kasal ng matalik na kaibigang si Ara. Lahat kasi halos ng bisita ay umiyak sa buong seremonya ng kasal.

Saad ni Melissa, “Oo naman. Nakakaiyak naman talaga kasi.

"Actually, sabay kami ni Ara na nahiwalay, sabay din kami nanganak, sabay rin kaming nagkaroon ulit ng boyfriend.

“Sabay kaming na-engage halos.

"So, parang nakakatuwa na pinag-uusapan lang namin dati na, ‘Hindi na ata tayo makakahanap ng taong para sa atin. Sana dumating yung time na yun.’

“And, we're both married now.

"And parang ang hirap, na parang five years ago, hindi namin iisipin na mararating namin ito.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks on why she and husband Michael Macatangay decided to get married in the U.S.: “Kasi lahat ng family ko nandun, ako lang ang nasa Pilipinas."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results