Korina Sanchez fumes at basher for calling her free slippers “mumurahin”

by Arniel C. Serato
Jul 5, 2021
Korina Sanchez tsinelas advocacy
Korina Sanchez proud of her Free Tsinelas advocacy project: "150 children went home with a big smile today. Tsinelas lang pero anlaking bagay.”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Hindi nakapagpigil si Korina Sanchez at binuweltahan ang isang basher na nanlait sa mga ipinamimigay niyang tsinelas na bahagi ng kanyang adbokasiya.

Ang nasabing adbokasiya ay matagal nang ginagawa ng veteran broadcaster mula noong umeere pa ang programa niyang Rated K sa ABS-CBN.

Kahit nasa TV5 at A2Z Channel na ang kanyang palabas na may titulong Rated Korina, ipinagpapatuloy pa rin ng brodkaster ang nasimulang kawanggawa.

Nitong nakaraang Huwebes, July 1, ibinahagi ni Korina ang pamimigay nila ng mga tsinelas sa may 150 bata sa Malolos, Bulacan.

Lahad ng news personality, “I saw the child running on the hot pavement barefoot, andumi ng paa, parang hindi napapaso ang talampakan. Pero nakatawa parin.

“I remember Pepe en Pilar and I couldn’t imagine them this way.

“Well that’s why Rated Korina continues where Rated K left off. We were in Malolos, Bulacan today.

"Si Neil, yung bata, nakatitig sa bago niyang tsinelas. Parang di makapaniwala.

Continue reading below ↓

"150 children went home with a big smile today. Tsinelas lang pero anlaking bagay."

Sina Pepe at Pilar ang kambal na anak nina Korina at former Senator Mar Roxas.

Nanawagan din si Korina sa mga taong may bukal na kalooban na mag-donate ng mga tsinelas para sa mga batang kapus-palad.

Saad niya, “If you have space in your heart for these kids, we accept donations of rubber slippers for children 2-12 years old and we can pick up.

"We. Will make sure your kindness reaches those where the help greatly matters.

“And to those who have donated, THANK YOU. This is what we get to do because of people like you.

“Email for donations: korina_abs@yahoo.com [green heart, thumbs up emojis]”

Sa comments section, halos ng mga nagkomento ay pinuri ang proyektong ito ni Korina.

Marami raw kasi itong natutulungang mga bata na kahit tsinelas ay hindi kayang bilhan ng mga magulang.

Continue reading below ↓

Pero isang basher na tila hindi masaya sa buhay ang nilait ang adhikain ni Korina na makatulong sa mga batang mahihirap.

Ayon sa basher, "mumurahin" ang mga tsinelas na ipinamimigay ng broadcaster.

Buong komento ng basher, “Bakit puro mumurahin tsinelas lang binibigay hindi ba pwedeng maayos at matibay na sapatos yun tatagal gamitin.

“Magbibigay din lang kayo yun mapapakinabangan at pangmatagalan na”

Hindi ito pinalampas ni Korina at binuweltahan ang basher.

Aniya: “Kapal mo. Gumastos ka nga para sa Milyon Milyon bata? [face with one eyebrow raised, thumbs down emojis]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez proud of her Free Tsinelas advocacy project: "150 children went home with a big smile today. Tsinelas lang pero anlaking bagay.”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results