Sandiganbayan acquits Bong Revilla in pork barrel scam cases

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2021
Senator Bong Revilla: “The Sandiganbayan, by granting our Demurrer to Evidence and dismissing all the charges against me, validates what we have known from the very beginning—that all the accusations against me have no basis and any leg to stand on."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Senator Bong Revilla sa labing-anim na kaso ng graft, kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam, dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Sa desisyong inilabas ng Special First Division ng Sandiganbayan, pinaboran nila ang demurrer to evidence ni Bong at inabsuwelto siya sa kasong graft.

Sinang-ayunan nina Associate Justices Geraldine Econg, Rafael Lagos, and Edgardo Caldona ang acquittal. Hindi naman sumang-ayon sina Associate Justices Efren dela Cruz at Bayani Jacinto.

Lubos ang pasasalamat ni Bong sa Panginoong Diyos nang makarating sa kanya ang magandang balita dahil nangibabaw umano ang katotohanan makalipas ang walong taon.

Pahayag ni Bong sa kanyang Facebook post ngayong Lunes, July 5: “After eight long years, nangibabaw nang tuluyan ang Iyong hustisya! Maraming salamat din po sa lahat ng patuloy na nagmahal, nanalangin, at nagbigay ng kanilang tiwala at suporta.

“Thank you to my family who are always by my side, and everyone who were on the side of truth.

Continue reading below ↓

“The Sandiganbayan, by granting our Demurrer to Evidence and dismissing all the charges against me, validates what we have known from the very beginning—that all the accusations against me have no basis and any leg to stand on.

“Nakita po ng Korte na walang basehan ang mga akusasyon sa akin. Hindi ko na nga kinailangan pang depensahan ang aking sarili at magbigay ng aming ebidensya.

“Sa mga isinumite pa lamang ng prosekusyon ay wala silang napatunayan. I am not, and never have been involved in graft and corruption.

“This is the reason why I did not run; I did not hide; and did not evade the judicial system. I put my trust and my life in our Courts. I faced everything head on.

“Sa kabila ng pagwasak sa aking pangalan at pagkatao, hinarap kong lahat ng buong-buo dahil alam kong hindi mababago ang katotohanang ako ay naging biktima lamang ng masamang pulitika.

Continue reading below ↓

“The truth has come out. Now, I can move forward to serving our nation and our people even further, free of this nuisance,” ang pasasalamat ni Bong na maligayang-maligaya sa naging desisyon ng Sandiganbayan.

Dahil abswelto siya sa labing-anim na kaso ng graft, nabawasan na ang mga alalahanin ni Bong dahil ganap na ang kalayaan nito.

Continue reading below ↓

Mabibigyan na niya ng kumpletong atensiyon ang kanyang showbiz career at ang weekly program niya sa GMA-7, ang Agimat ng Agila.

THE PLUNDER CHARGES

Kabilang si Bong sa limang senador at 23 kongresista na pinaratangang naglagak umano ng kani-kanilang pork-barrel funds sa ghost projects ng dummy non-government organizations, na umabot sa halagang P10 bilyon sa nakalipas na sampung taon.

Ayon sa dokumentong isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2013, si Bong ang nangunguna sa listahan ng mga mambabatas na ginamit diumano ang kanilang pork barrel sa nasabing scheme na ibinunyag umano ni Janet Lim-Napoles, president at chief executive officer ng JLN Corp., isang trading firm.

Inakusahan si Bong ng diumano’y pagbulsa ng P224.5 milyong halaga ng ill-gotten wealth sa pamamagitan ng pagtalaga ng pondo sa bogus organizations na diumano’y nilikha ni Napoles.

Taong 2014 nang naghain ang Office of the Ombudsman ng mga kaso laban kay Revilla at mga kapwa niya senador na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Continue reading below ↓

Na-detain si Revilla sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame simula noong June 20, 2014.

Sa tatlong senador, si Revilla lamang ang hindi pinayagang mag-post ng bail.

Noong December 7, 2018, binalewala ng anti-graft court ang kasong plunder o pandarambong na ibinibintang laban kay Bong.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla: “The Sandiganbayan, by granting our Demurrer to Evidence and dismissing all the charges against me, validates what we have known from the very beginning—that all the accusations against me have no basis and any leg to stand on."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results