Cassy Legaspi, Darren Espanto "double date" with Mavy Legaspi, Kyline Alcantara 

by Rachelle Siazon
Jul 6, 2021
Sunud-sunod ang pagbahagi nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara (lower left photos) ng kanilang bonding moments off-cam. Sina Cassy Legaspi at Darren Espanto (upper left photos) naman ay nagkita na muli matapos ang teleserye ni Cassy sa GMA Network.
PHOTO/S: @itskylinealcantara / @ cassy Instagram

Kinakiligan ng fans ang tinagurian nilang "double date" nina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Mavy Legaspi, at Kyline Alcantara.

Si Kyline mismo ang nagbahagi ng video kunsaan makikitang magkakasama sila sa isang coffee shop.

Gumawa pa sila ng TikTok video kunsaan ganado silang sumayaw ng kantang "Bartender."

Si Darren ay Kapamilya singer na mainstay ng Sunday musical variety show na ASAP Natin 'To.

Ang kambal na Cassy at Mavy, pati na si Kyline ay mga mainstay ng Kapuso musical variety show na All-Out Sundays.

Magkasama rin sina Mavy at Kyline sa upcoming series na I Heart Sorsogon.

Continue reading below ↓

CASSREN

Sina Cassy at Darren (CassRen) ay matagal nang natutukso sa isa't isa, hindi lang ng CassRen fans kundi pati na rin mga kaibigan, katrabaho, at kapamilya nila.

Pati ang mga co-stars ni Cassy sa First Yaya, ang kakatapos na GMA-7 prime-time series, ay kilala na si Darren.

Ito ay dahil sa mga lock-in taping ng First Yaya noon, kapag rest time ay may mga pagkakataong makikitang ka-Instagram Live ni Cassy si Darren, o kaya iba nilang common friends na tinutukso sila sa isa't isa.

Nang magtapos ang First Yaya noong Biyernes, July 2, nag-iwan pa ng mensahe si Darren sa First Yaya co-stars na sina Kakai Bautista at Sanya Lopez.

Komento ni Darren, "Congrats po. Team First Yaya!"

Sabay hirit ni Kakai sa isang Instagram Live, "Thank you, Darren! Alam mo na 'yan si-ya! Charot!"


Continue reading below ↓

Ang pagbigkas ng salitang "siya" na "si-ya" o "c-ya" ay tumutukoy kay Cassy, base sa mga kulitan noon nina Cassy at Darren.

Noon lamang June 18 to 20 ay si Cassy naman ang todo-suporta kay Darren at pinapatulog pa ito nang maaga para sa online concert noon ni Darren.

MAVLINE

Nabuo naman ang tambalang Mavy at Kyline (MavLine) dahil sa nalalapit na pagtatambal nila sa I Heart Sorsogon.

Pero tampulan din ng espekulasyon ang paghayag ni Mavy ng paghanga kay Kyline.

Noong June 14 at June 16 ay nag-post si Mavy sa Instagram ng mensahe na nagsasabing "happiness is being around her," pero hindi niya pinakita ang mukha ng mystery girl na kasama niya.

Sa mediacon noong June 28 kinumpirma ni Mavy na si Kyline nga ang kanyang mystery girl.

Nasundan ito ng paghayag ni Kyline ng suporta sa bagong show ni Mavy, ang Flex na ipinapalabas sa GTV.

Nag-post din si Kyline ng maiksing video kunsaan mahihinuhang nasa passenger seat siya habang si Mavy ang nagmamaneho ng kotse.

Continue reading below ↓

Maririnig ang mga boses nila ni Mavy na masayang nagkukulitan.

Ni-repost ni Mavy ang mga Instagram Stories ni Kyline.

Sa caption, pinagmalaki ni Mavy na ang makasama si Kyline ang kanyang "biggest flex."

Sabi pa ni Mavy sa litrato kunsaan magkasama sila sa kotse ni Kyline, "aww namiss ko bigla tawa mo."

Ang mga hirit na ganito ni Mavy ang dahilan kung bakit hindi maiwasang maugnay sila ni Kyline.

Continue reading below ↓

REACTION TO CASSREN AND MAVI'S "DOUBLE DATE"

Sa kabilang banda, napuna ng fans ang caption ni Kyline sa "#FakeCoupleSquad" sa video na magkakasama sila nina Mavy, Cassy, at Darren.

Base sa comments section, hindi naniniwala ang fans na "fake couple" ang mga ito.

Continue reading below ↓

Tingin ng fans ay nag-double date raw ang mga ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunud-sunod ang pagbahagi nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara (lower left photos) ng kanilang bonding moments off-cam. Sina Cassy Legaspi at Darren Espanto (upper left photos) naman ay nagkita na muli matapos ang teleserye ni Cassy sa GMA Network.
PHOTO/S: @itskylinealcantara / @ cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results