Bea Alonzo, Dominic Roque caught arriving together in Los Angeles, California

by Bernie V. Franco
Jul 7, 2021
Spotted: Rumored couple Bea Alonzo and Dominic Roque at the airport. Left and right photos show Bea and Dominic taking turns to pose with a female airport personnel.
PHOTO/S: Instagram (credit to the owner/s)

Nakarating na sa Los Angeles, California, USA ang napapabalitang magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Una nang nabanggit ni Bea na magbabakasyon muna siya bago simulan ang mga nakapilang trabaho niya sa GMA Network.

Pumirma ng exclusive contract si Bea sa Kapuso Network noon lamang July 1, 2021.

Pahayag ng aktres sa isang Instagram Live noong nakaraang linggo, “So many exciting things ang mangyayari sa akin and I will be going to the States in a few days.

“Para pagbalik, tuloy-tuluy na yung work, and yun din yung maire-release ko sa mundo—positive energy.”

Matagal na raw niyang napagplanuhan ang bakasyong ito.

Ang hindi nabanggit ni Bea ay kasama rin pala sa bakasyong ito ang rumored boyfriend niyang si Dominic.

BEA-DOMINIC L.A. TOUCHDOWN

Sa kani-kanilang social media accounts ay may recent updates sina Bea at Dominic tungkol sa kanilang out-of-the-country trip.

Kagabi, July 6, nag-post ng larawan si Dominic ng carpeted floor at ng kanyang right leg—nakasuot ng black pants at white shoes.

Continue reading below ↓

Tila nasa loob na ng eroplano ang aktor.

“Taking off…[airplane emoji],” tanging caption niya.

Ngayong umaga, July 7, nag-post naman ng short video si Bea para ianunsiyong lumapag na siya sa Amerika.

Mahihinuhang nakaupo ang aktres sa window seat sa loob ng eroplano at kinunan niya ang labas nang mag-land na sa runway ang sinasakyang eroplano.

Caption ni Bea: “Touchdown LA [U.S. flag emoji].”

Nag-post din ng video si Dominic na tila nasa labas ng airport at makikita ang hilera ng mga kotse.

Ang check-in niya: “Los Angeles, California”

MATCHING PHOTOS OF BEA-DOMINIC

Kasabay ng mga post nila ay ang pagsulpot ng mga kuhang larawan ng dalawa sa airport kasama ang ilang airport personnel.

Continue reading below ↓

Sa isang larawan kasama ang isang male airport personnel, makikita si Bea na naka-all black outfit, white shoes, at may malaking Louis Vuitton bag.

Sa isa pang post, makikita ang pinagtabing kuha nina Bea at Dominic kasama naman ang isang female airport personnel.

Kapansin-pansin din ang matching outfit nina Bea at Dominic na all black at white shoes.

Continue reading below ↓

Sa kuha ng personnel kasama si Bea, makikita sa background na nahagip ng camera si Dominic, na hindi namalayang nakunan siya.

Ipinost ito ng airport personnel sa kanyang Instagram Story, at naka-tag pa sina Bea at Dominic.

Bagamat madalas mag-post ng tugmang photo ang dalawa via social media, hindi sila nagpo-post ng mga larawang magkasama.

Continue reading below ↓

Wala pang direktang pag-amin mula kina Bea at Dominic sa tunay na estado ng kanilang relasyon, pero hindi rin nila ito itinatanggi.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spotted: Rumored couple Bea Alonzo and Dominic Roque at the airport. Left and right photos show Bea and Dominic taking turns to pose with a female airport personnel.
PHOTO/S: Instagram (credit to the owner/s)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results