Janus del Prado chides critics of friend Bea Alonzo’s transfer to GMA

by Arniel C. Serato
Jul 7, 2021
Janus del Prado posts cryptic message about loyalty after some netizens accused his friend Bea Alonzo of being ungrateful: "Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan namin magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin."
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado / @beaalonzo on Instagram
Article Summary

`

Nagpasaring si Janus del Prado sa mga taong nanlibak sa kaibigan niyang si Bea Alonzo sa desisyon ng aktres na lumipat ng network.

Hindi man tuwirang pinangalanan ni Janus sa post niya si Bea, maraming netizens ang natuwa sa kanyang pagtatanggol sa kaibigang aktres.

Sila rin ang nagtukoy kay Bea sa comments section ng mensahe ng aktor.

Noong July 1, 2021, pumirma ng eksklusibong kontrata sa GMA Network si Bea.

Pinaratangan ng ilan na walang utang na loob si Bea dahil nilayasan umano nito ang ABS-CBN matapos ang halos dalawang dekada bilang Kapamilya.

Sa Instagram ngayong Miyerkules, July 7, nagbahagi ng photo message tungkol sa “loyalty” si Janus.

Nakasulat dito: “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.”

Saad ni Janus sa caption, “Repost ko lang ulit para sa mga di makaintindi how loyalty works.

“Bago niyo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob yung tao, make sure na may utang na loob na kailangan tanawin.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, pinaghirapan naman daw ng taong tinutukoy niya ang kinalalagyan nito ngayon.

Sabi pa ni Janus, “It's not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasan siya ngayon. At kumita din naman sila ng malaki sa karera niya.

“Gratitude is given, not demanded. At ibinigay niya naman iyon.”

Pakiusap pa niya, tigilan na ang pangongonsensiya sa "mga umalis at lumipat" dahil kailangan din daw ng mga itong magtrabaho upang mabuhay.

Umalis na rin si Janus sa Star Magic at piniling maging freelance artist noong Pebrero 2021.

Aniya, “Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan namin magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin. Kikitid ng utak amputa.”

Nagpasalamat naman ang fans ni Bea sa pagtatanggol ni Janus sa kanilang idolo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado posts cryptic message about loyalty after some netizens accused his friend Bea Alonzo of being ungrateful: "Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan namin magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin."
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results