Willie Revillame denies rumor that he has a love child with Herlene Budol: "Hindi ho totoo ‘yan."

by Bernie V. Franco
Jul 8, 2021
Willie Revillame on rumor that he got co-host Herlene "Hipon Girl" Budol pregnant. “Hindi ho totoo ‘yan. Fake news ang ginagawa n’yo."
PHOTO/S: YouTube (Wowowin) /@herlene_budol on Instagram

Sinagot ni Willie Revillame, 60, ang usap-usapang nabuntis umano niya si Herlene “Hipon Girl” Budol, 24.

Co-host ni Willie si Herlene sa Wowowin: Tutok To Win, ang daily afternoon variety-game show sa GMA-7.

Pero simula nang tumama ang pandemya, apektado ang show at hindi na napapanood nang regular ang mga co-host ni Willie, kasama na si Herlene.

Sa isang portion ng Wowowin noong July 1, 2021, habang namimili ng lucky online winners si Willie mula sa malaking TV screen, bigla siyang napahinto nang makita ang larawan ni Herlene sa screen.

“Sandali, iki-clear ko lang, si Hipon ‘to,” segue ng TV host.

Dito na binanggit ni Willie ang aniya’y tsismis na nabuntis umano niya ang co-host.

Sabi niya, “Si Hipon, natsitsismis ho, e, nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw.

“Hindi ho totoo ‘yan. Fake news ang ginagawa niyo.”

Idinagdag pa ni Willie na may mga kumakalat ding tsismis tungkol sa kanya at kay Kris Aquino.

Continue reading below ↓

Hindi idinetalye ni Willie kung anong tsismis ang tungkol sa kanya at Kris, bagamat naisyu noong may namamagitan daw sa kanila.

Pinabulaanan naman ito ni Kris dahil magkaibigan lamang daw ang turingan nila ni Willie.

Dugtong ni Willie sa mga nagpapakalat ng fake news, “Mahiya naman kayo. Hindi ko totoo ‘yan.

“Huwag kayong naniniwala diyan, pati mga taong nananahimik...”

Sa puntong iyon, kinausap ni Willie ang kanyang staff at nagtanong kung paano ito irereklamo sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Papano ba ‘yan ireklamo sa NBI? Pwede, ano? Hanapin niyo nga yung Facebook [account].”

Nagawa pang magbiro ni Willie tungkol sa pang-iintriga sa kanila ni Herlene.

Sabi niya, “Kaya daw nawala si Hipon, nabuntis ko. Dyusko naman, ano magiging anak namin, hipon?"

Nagpaalala si Willie na huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat sa social media.

“So, hindi ho totoo ‘yan. Kaya kalimutan yung mga ganyan-ganyang fake news.

“Andami hong ganyan ngayon. Wag kayong maniniwala. Wag kayong maniniwala diyan. Hindi totoo 'yan.

Continue reading below ↓

“Pati kay Miss Kris Aquino, meron na naman natsitsismis. Hindi ho totoo ‘yan.

“Para klaro ho. Kasi lahat ng ‘yan gawang hindi maganda ‘yan.”

Banat pa ni Willie sa mga gumagawa raw ng istorya: “Wala kayong magawa sa buhay. Pati mga taong nananhimik…”

HOW IS HERLENE?

Sa kabilang banda, ang pinakahuling Instagram post ni Herlene ay noon pang May 22, 2021.

Larawan niya ito na nakasuot ng maiksing damit na nagpapakita ng kanyang kaseksihan.

Kahapon, July 7, ay nag-post sa Instagram ng video clip ang Kapuso actress na si Klea Pineda kasama si Herlene.

Kinanta ng dalawa ang single ng British singer na si Dua Lipa na “Levitating.”

Punung-puno ng kulitan ang video at walang anumang bakas ng pagbabago sa balingkinitang pangangatawan ni Herlene.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on rumor that he got co-host Herlene "Hipon Girl" Budol pregnant. “Hindi ho totoo ‘yan. Fake news ang ginagawa n’yo."
PHOTO/S: YouTube (Wowowin) /@herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results