Janus del Prado lashes back at ABS-CBN director Erick Salud for taking a swipe at Bea Alonzo

by Arniel C. Serato
Jul 8, 2021
Janus del Prado (left) defends close friend Bea Alonzo (center) against ABS-CBN director Erick Salud's (right) post: "Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk?"
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado / @beaalonzo on Instagram / File

Pinarunggitan ni Janus del Prado ang isang direktor na bumanat sa matalik na kaibigan ng aktor na si Bea Alonzo dahil sa pag-alis nito sa ABS-CBN at paglipat sa GMA-7.

Pumirma ng eksklusibong kontrata si Bea sa Kapuso network noong July 1 matapos ang halos dalawang dekadang pagiging Kapamilya.

Isa sa mga nagpasaring sa career move na ito ni Bea ay ang direktor ng ABS-CBN na si Erick Salud.

Ilang oras matapos pumirma ni Bea ng kontrata sa Kapuso network, nag-post ng cryptic message si Direk Erick sa Twitter tungkol sa isang aktres na lumipat.

Pa-blind item na post nito: “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya?

“Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic.

“[Tapos] say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat.

“AAAARTE!!! Naghihirap ba siya?

“Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!”

Hindi direktang pinangalan ni Direk Erick kung sinong aktres ang kanyang tinutukoy, ngunit malinaw na si Bea ang pinatatamaan niya base sa mga description ng post nito.

Continue reading below ↓

Bago umalis ng ABS-CBN, nakatakda sanang gawin ni Bea ang teleseryeng Kahit Minsan Lang kung saan kasama niya sina Richard Gutierrez at Rafael Rosell.

Sa katunayan, nakunan na ang ilang mga eksena nito sa isang fishport sa General Santos City noong September 2019.

Isa pang patunay na si Bea ang tinutukoy ni Direk Erick ay dahil may malaking farm ang aktres sa Zambales.

"ANO KINALAMAN NUNG FARM?"

Hindi ito pinalampas ng matalik na kaibigan ni Bea na si Janus del Prado.

Sa Instagram post ni Janus tungkol sa “loyalty” kahapon, July 7, binanatan ng aktor ang mga kritikong bumabatikos kay Bea sa paglipat nito sa GMA-7.

Nakasulat sa photo message ang ganito: “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.”

Sa naunang caption ni Janus, hindi kasama ang buwelta niya kay Direk Erick.

Pero makalipas ang ilang oras, naglagay siya ng postscript (PS) sa caption patungkol kay "Direk."

Continue reading below ↓

Rason ni Janus, ano ba ang kinalaman ng farm sa paglipat ni Bea at kung regalo raw ba ito ng direktor sa aktres. Sana man lang kung manunumbat ay may karapatan ito.

Pasaring pa ng aktor, wala naman daw naitulong ang direktor sa karera ni Bea.

Buong mensahe ni Janus, “PS: Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk?

"Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob yun? Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya yun.

"Kung manunumbat make sure may karapatan manumbat. Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.”

Hindi rin direktang tinukoy ni Janus kung sinong "Direk" ang pinarurunggitan niya, ngunit mahihinuhang si Erick Salud ito dahil sa naunang post ng Kapamilya director.

Continue reading below ↓

Nagkatrabaho sina Bea at Direk Erick sa primetime series na I Heart Betty La Fea (2008-2009).

Bukod sa pagiging direktor, si Salud ay business unit head din ng Dreamscape, ang TV production company sa ABS-CBN.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ni Direk Erick kaugnay ng pasaring sa kanya ni Janus.

Samantala, nananatiling tahimik si Bea sa mga batikos na natatanggap niya mula sa ilang direktor ng ABS-CBN at sa loyal Kapamilya viewers.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Bea sa Los Angeles, California kasama ang rumored boyfriend na si Dominic Roque.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado (left) defends close friend Bea Alonzo (center) against ABS-CBN director Erick Salud's (right) post: "Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk?"
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado / @beaalonzo on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results