Ervic Vijandre details vehicular accident early this year in Batangas

by Rommel Gonzales
Jul 9, 2021
Sa unang pagkakataon ay idinetalye ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre ang vehicular accident niya sa Lian, Batangas noong February 2021.
PHOTO/S: @ervicvijandre on Instagram / Ervic Vijandre

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre ang aksidenteng kinasangkutan niya early this year sa Batangas.

"I consider this my second life. Kasi recently naaksidente po ako, e.

"Kumbaga sa totoong buhay, survivor po talaga ako," umpisang pahayag ni Ervic sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng media sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA Network para sa renewal ng kontrata ni Ervic bilang isang Kapuso kahapon, July 8.

Patuloy niya, "Yung sa accident ko, nangyari siya early this year.

"Papunta sana ako ng Batangas, kasi may farm yung friend ko dun so pi-pickup ko sana yung mga pwede kong i-donate sa mga community pantry.

"E, pumunta ako dun ng gabi, tapos madilim yung area, tapos medyo pa-curve siya... well, medyo mabilis din ako kasi nga walang sasakyan [na iba sa kalye].

"So, nag-turn yung kotse ko tapos tumaub-taob ako!

"Pampelikula yung nangyari sa akin na, hindi ko alam na pwede pala talagang mangyari yun.

Continue reading below ↓

"And I'm very, very ano, suwerte, I'm very, very lucky na walang nangyari sa akin, as in wala.

"Kung makikita nyo yung sasakyan ko, hindi na siya pwedeng gamitin dahil sirang-sira siya.

"And para makalabas ako dun nang ganito, na walang nangyari sa akin, sobrang suwerte ko."


Continue reading below ↓

Pagkatapos ng Zoom interview, nagpadala kami ng mga karagdagang katanungan kay Ervic sa Facebbok private messenger.

Ayon sa aktor, February 2, 2021 nangyari ang aksidente sa Lian, Batangas.

"Nagasgasan lang ako sa leg ko," kuwento pa sa amin ni Ervic.

"Sobrang suwerte ako talaga! Kaya naniniwala ako na meron pa talaga akong purpose sa mundo."

Dagdag pa ni Ervic tungkol sa kanyang aksidente, "Pang-movie 'yang nangyari sa akin. Gumapang ako sa likod para makalabas!"

Pinadalhan pa kami ni Ervic ng mga litrato at video ng wreckage ng kanyang sasakyan.

ELEVEN YEARS WITH GMA-7

Samantala, simula 2010 ay naging parte na si Ervic ng GMA-7 noong sumali siya sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Taong 2015 naman noong opisyal siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Ano ang nais niyang mangyari ngayong may panibagong kontrata na siya bilang Kapuso?

Sagot ni Ervic, "Well, kung ako pahihilingin nyo, kung ako mabibigyan ng opportunity na humiling, ng role, e, gusto kong maging leading man ni Heart Evangelista, maging leading man ni Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

"Di ba? Kung hihiling lang ako di hilingin ko na yung the best! Di ba?

"O bakit hindi, maging leading man ako ni Marian Rivera!"

Na-meet o nakatrabaho na ba niya si Bea, si Heart? At kumusta sila ni Marian?

Dating magkasintahan sina Ervic at Marian.

Ayon kay Ervic, "Si Heart, well maraming beses ko na siyang nakatrabaho, and she's very friendly sa akin and sobrang mabait din, so I would like to work with her again.

"Feeling ko, sobrang okay, sobrang magiging masaya.

"With Bea naman, siyempre she came from, sa kabilang network, so to work with her, ayun, something very new for me. Tapos, well nakilala ko naman siya, we have common friends.

"Na-meet ko na siya mga ilang beses na before, iyon lang, hanggang ganun lang. Pero if we talk about working together, bago 'yan, sobrang bago!"

Si Marian?

"Kung mabibigyan ng opportunity, sa eleven years ko [sa GMA], ngayon lang kami magkakasama sa trabaho, di ba?

Continue reading below ↓

"So, sobrang kakaiba yun, for me," nakangiting wika pa ni Ervic.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang pagkakataon ay idinetalye ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre ang vehicular accident niya sa Lian, Batangas noong February 2021.
PHOTO/S: @ervicvijandre on Instagram / Ervic Vijandre
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results