Watch Now

Is former child actress Serena Dalrymple now engaged to foreigner boyfriend?

by Bernie V. Franco
Jul 9, 2021
Former child actress Serena Dalrymple posts anniversary photo with boyfriend. Serena also flashed her hand wearing a huge diamond ring, which suggests that she is now engaged.
PHOTO/S: @sdalrymple on Instagram

Bumaha ng pagbati kay Serena Dalrymple, 30, matapos mag-post ng dating child star sa Instagram ng kissing photo nila ng kanyang foreign boyfriend na si Thomas Bredillet.

Bukod sa kanilang lip-to-lip kiss, kapansin-pansin din ang suot ni Serena na malaking diamond ring sa kanyang kaliwang kamay.

Matipid na caption ni Serena: “Happy anniversary! I love you forever [heart emoji]”

Ang check-in ng post ng dating child actress ay sa Chatham, Massachusetts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi direktang binanggit ni Serena kung engaged na siya, pero binati siya ng ilang netizens na nagkomento, maging ang mga artistang sina Camille Prats at Pauleen Luna.

Sa Amerika na nakabase si Serena. Huli siyang umuwi sa Pilipinas noong April 2018.

Sumikat si Serena bilang child actress noong mid-‘90s sa bakuran ng ABS-CBN.

Ilan sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Haba-baba-doo, Puti-puti-poo; 'Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong; Tik Tak Toys My Kolokotoys; Bata, bata.. Paano Ka Ginawa?; Ang Tanging Ina; at Wansapantaym The Movie.

Ang huli niyang ginawang pelikula ay Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!) kasama si Ai-Ai delas Alas noong 2010.

Nag-lay low sa showbiz si Serena at tinutukan ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos siya ng Bachelor of Arts degree in Business Administration mula sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011.

Natapos naman niya ang kanyang post-graduate studies in International Business sa Hult International Business School sa London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child actress Serena Dalrymple posts anniversary photo with boyfriend. Serena also flashed her hand wearing a huge diamond ring, which suggests that she is now engaged.
PHOTO/S: @sdalrymple on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results