ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline; how much income did ABS-CBN lose in 2020?

Text: Jet Hitosis Additional reports: Rachelle Siazon
Jul 10, 2021
A year has passed since 70 congressmen voted to junk ABS-CBN's application for franchise renewal. Even with a new bill pending before Congress since January 2021, it looks like it's still not up for discussion until after the 2022 elections. Seen here is a lone woman lighting a candle in front of ABS-CBN during a peaceful rally back in July 9, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascaño

July 10, 2020.

Isang taon na ang lumipas mula nang bumoto ang 70 kongresista na ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

May 4, 2020 opisyal na nawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation.

Labing-isang panukala para bigyan ang kumpanya ng panibagong prangkisa ang inihain sa Kamara sa nakalipas na isang taon.

Pero walang isa man sa 11 panukala ang natalakay sa 18th Congress para magtuluy-tuloy ang operasyon ng 66-anyos na network.

Kinabukasan, May 5, naglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa broadcasting giant.

Eksaktong 7:52 ng gabi nang araw ring iyon, namaalam sa ere ang ABS-CBN.

Tigil-operasyon na ang lahat ng television at radio stations na nasasaklawan ng napasong prangkisa.

Dahil dito, tinatayang halos kalahati ng 11,000 empleyado ng kumpanya ang nawalan ng trabaho.

THE ABS-CBN FRANCHISE

Sa nakalipas na 66 taon ng ABS-CBN, ito ang unang beses na nagkaproblema sa prangkisa ang pinakamalaki at pinakamatatag na media conglomerate sa bansa.

Continue reading below ↓

Sa harap ng malawakang tigil-operasyon, tinunton ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kasaysayan ng ABS-CBN—kabilang na ang mga hamon at tagumpay—na humubog sa tinatawag natin ngayong Kapamilya network.

1950S: MERGING ABS WITH CBN

June 1950. Sa bisa ng Republic Act (RA) No. 511, nabigyan ng temporary permit upang mag-operate ng TV station sa Pilipinas ang Bolinao Electronics Corporation (BEC).

Ang permit na ibinigay ng RA No. 511 “shall continue in force during the time that the Government has not established similar service,” o habang hindi pa nakakapagtayo ng iba pang TV station sa Pilipinas.

Ang BEC ay pag-aari ng American engineer at tinaguriang Father of Philippine Television na si James Lindenberg.

Taong 1953 nang naging Alto Broadcasting System (ABS) ang BEC.

Pinalitan ang pangalan ng BEC matapos itong bilhin ni Tony Quirino, kapatid ni Elpidio Quirino, ang Pangulo noon.

Ang Alto ay kumbinasyon ng dalawang unang letra ng mga pangalan ni Tony at ng asawa niyang si Aleli Quirino.

Continue reading below ↓

October 23, 1953 unang umere ang ABS. Ito ang naging kauna-unahang TV broadcast sa Pilipinas.

Napanood doon ang party sa bahay ni Tony Quirino sa San Juan City, ayon sa company history na mababasa sa abs-cbn.com.

Pagsapit ng 1957, ang ABS ay binili ni Eugenio "Don Eugenio" Lopez Sr., na nagmamay-ari rin ng Chronicle Broadcasting Network (CBN).

Kasunod nito, pinagsama ni Don Eugenio ang dalawang kumpanya at naging ABS-CBN.

Continue reading below ↓

1969: THE FIRST ABS-CBN FRANCHISE

June 1969 nang pagtibayin ng Kongreso ang RA 5730, na nag-amyenda sa RA 511.

Ang RA 5730 ay “An Act amending the title and certain sections of Republic Act numbered five hundred eleven.”

Sa pagkakataong ito, binigyan na ng broadcasting franchise ang bagong tatag na ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Ang prangkisa ay prebilehiyo na ibinibigay ng Kongreso sa mga broadcasting company para makapagsawa ng “certain type of telecommunications service.”

Ayon sa Presidential Decree 576-A (Regulating the Ownership and Operation of Radio and Television Stations), kailangang may regulasyon sa mga broadcasting firms dahil sa “limited number of frequencies available for broadcasting” ng bansa.

Sa parehong taon ng 1969, naisakatuparan ng ABS-CBN ang kauna-unahang color TV broadcast sa bansa.

Nakapag-live satellite telecast na rin ito mula sa Amerika.

1972: MARTIAL LAW SHUTS DOWN ABS-CBN

September 21, 1972 nang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong bansa.

Continue reading below ↓

Sa bisa ng martial law, inangkin ng gobyerno ang kontrol sa lahat ng media companies.

Kabilang sa mga ipinasara ang ABS-CBN.

Nag-take over sa network ang crony ni Marcos na si Roberto Benedicto.

Binigyan ng bagong pangalan ang ABS-CBN, at naging Banahaw Broadcasting Corporation o BBC.

Kalaunan, BBC din ang nag-operate sa dalawa pang TV stations ng ABS-CBN sa Cebu at Bacolod.

Bukod dito, maraming indibiduwal ang ilegal na pinagdadampot noong martial law. Kabilang sa mga inaresto noong 1972 si Eugenio “Geny” Lopez Jr., na noon ay presidente ng ABS-CBN. Kasama ring inaresto si Serge Osmeña III.

Si Geny Lopez ay anak ni Don Eugenio.

Si Serge ay anak naman ni Senator Sergio Osmeña, Jr., na matinding karibal sa pulitika ni Marcos.

Ayon sa isang artikulo ng New York Times, pinagbintangan sina Geny at Serge ng pagpaplano umanong ipapatay si Marcos.

Taong 1977 nang nakatakas sina Geny at Serge matapos ng limang taong pagkakapiit sa Fort Bonifacio.

Continue reading below ↓

Nagawa nilang makalabas ng bansa, at kapwa nag-self-exile sa Amerika sa sumunod na mga taon.

Naisapelikula ang pagtakas nina Geny at Serge sa Eskapo (1995), na pinagbidahan nina Christopher de Leon bilang Geny at Richard Gomez bilang Serge.

1986: THE RISE OF “THE STAR NETWORK”

Nangyari ang EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986, at ito ang nagpatalsik sa puwesto kay Marcos.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Corazon Aquino, naibalik sa mga Lopez ang kontrol ng ABS-CBN.

Gayunman, September 16 ng parehong taon lang muling nakapag-broadcast ang network.

Pagkatapos nang halos 14 years, nagsimula uli sa wala ang network, at kinailangan nito ng ilang buwan para makabangon.

Pagsapit ng March 1987, nagkaroon ng rebranding ang ABS-CBN bilang "The Star Network."

Makalipas lang ng ilang buwan, muli itong namayagpag sa larangan ng pagbabalita at entertainment sa telebisyon.

1990S: ABS-CBN BEGINS TO DIVERSIFY

Sa pagsisimula ng bagong dekada, kinikilala nang pioneer sa satellite broadcasting ang ABS-CBN.

Nagsimula na rin ito ng international broadcast—ang kauna-unahan sa buong Asya.

Taong 1991, sumabak ang network sa talent management nang itatag nito ang The Talent Center, na ngayon ay Star Magic.

Nang mga panahong iyon, aktibo na rin ang public-service arm ng kumpanya, ang ABS-CBN Foundation, Inc., na binuksan noong 1989.

Sa dekadang ito rin inilunsad ang cable at satellite TV services ng kumpanya, ang Sky Cable (1990); ang film production outfit ng ABS-CBN na Star Cinema (1993); at ang global subscription network nitong The Filipino Channel o TFC (1994).

Continue reading below ↓

Binuksan din ang record label ng ABS-CBN na Star Records (1995), na Star Music na ngayon.

Taong 1996 naman nang inilunsad ang Sarimanok News Network, na ABS-CBN News Channel o ANC na ngayon.

Continue reading below ↓

1995: THE 25-YEAR FRANCHISE

March 30, 1995 nang pirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang RA 7966 na nagbigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Taong 2010 nang alisin ng kumpanya ang salitang “Broadcasting” sa corporate name nito.

Dala ito ng mga pagbabago sa teknolohiya sa larangan ng media, na hindi na lang limitado sa broadcasting.

Ang prangkisang ito ang nag-expire nitong Lunes, May 4, 2020.

2000S: LARGEST MEDIA CONGLOMERATE

Nagtuluy-tuloy ang pagpapalawak ng ABS-CBN Corporation sa mga serbisyo nito.

Inilunsad ng kumpanya ang sarili nitong international unit, ang ABS-CBN Global, noong 2002.

Nagbukas din ang network ng mga bagong channels—na pawang una sa Pilipinas.

Ang mga ito ay ang music video channel na Myx (2000), ang kumbinasyon ng radyo at telebisyon na DZMM Teleradyo (2007), at ang archive channel na Jeepney TV (2012).

Bago nangyari ang online shopping, ang home TV shopping ay na-introduce sa ABS-CBN bilang O Shopping (2013).

Continue reading below ↓

Nang sumunod na taon, 2014, binuksan naman ang all-sports features channel na ABS-CBN Sports + Action.

Sa pamamagitan ng telecommunications arm ng kumpanya na ABS-CBN Convergence, Inc. (2011), inilunsad ang ABS-CBN Mobile (2013) at ang digital TV service ng network na ABS-CBN TV Plus (2015).

Taong 2016 nang sinimulang ialok sa ABS-CBN TV Plus ang pay-per-view na Kapamilya Box Office o KBO Channel.

November 2018 naman nang nagsilbing online streaming app ng kumpanya ang iWant, na dating iWant TV (2010).

Continue reading below ↓

SEPTEMBER 11, 2014: FRANCHISE RENEWAL BILL

Inihain ni Isabela 4th District Representative Giorgidi Aggabao ang House Bill (HB) 4997 sa 16th Congress.

Ito ang unang panukala na humiling ng panibagong prangkisa para sa ABS-CBN.

Noong panahon ito ng panunungkulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Gayunman, ayon sa report ng Manila Times, binawi umano ng ABS-CBN ang aplikasyon ng panukala dahil sa “time constraints.”

Pinili raw ng network na sa 17th Congress na lang mag-reapply para sa bagong prangkisa, ayon pa rin sa report.

NOVEMBER 10, 2016: ANOTHER TRY FOR FRANCHISE RENEWAL

Mahigit tatlong taon bago pa mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa 2020, inihain ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago ang HB 4349 sa 17th Congress.

Gaya ng inihain ni Aggabao, ang panukala ay para sa panibagong 25-taong broadcasting franchise ng ABS-CBN.

MARCH 30, 2017: PRESIDENT DUTERTE LASHES OUT AT ABS-CBN, INQUIRER

Sa oath-taking ceremonies ng mga bagong opisyal ng gobyerno na ginawa sa Malacañang noong March 30, 2017, pinagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang broadsheet na Philippine Daily Inquirer at ang ABS-CBN network.

Continue reading below ↓

Reklamo ng Presidente, hindi raw patas ang pagbabalita ng dalawang media organizations tungkol sa kanya.

Tinawag din niyang “oligarchs and elites” ang mga may-ari ng dalawang kumpanya: ang mga Prieto sa Inquirer, at ang mga Lopez sa ABS-CBN.

Quoted ang Presidente ng media reports: “But someday – hindi ko tinatakot – but someday, yung karma, dadating 'yan.”

APRIL 27, 2017: DUTERTE THREATENS TO BLOCK ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Sa ambush interview ng Malacañang press noong April 27, 2017, nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin nito ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi raw kasi ipinalabas ng network ang kanyang presidential campaign ads noong 2016, kahit pa bayad na ang mga ito.

Nagbanta rin siyang maghahain ng pormal na reklamo sa Kamara kaugnay ng tinawag niyang panggagantso sa kanya ng network.

Nang mga panahong ito, hindi pa natatalakay ng House Committee on Legislative Franchises ang panukalang batas ni Violago.

MAY 19, 2017: DUTERTE SAYS HE WILL FILE MULTIPLE ESTAFA CHARGES AGAINST ABS-CBN

May 19, 2017, sa isang event sa Davao City, muling pinaulanan ng mura ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Partikular na minura ng Presidente si ABS-CBN Chairman Emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III dahil pa rin sa hindi paglabas ng kanyang campaign ads noong 2016.

Si Gabby ay anak ni Geny Lopez Jr.

Sa pagkakataong ito, nagbanta ang Pangulo na maghahain siya ng multiple syndicated estafa charges laban sa network.

Hindi rin daw kasi isinauli ng kumpanya ang mahigit PHP2 million na ibinayad niya para sa kanyang political ads na hindi umere.

Continue reading below ↓

AUGUST 3, 2018: PRESIDENT REPEATS THREAT AGAINST FRANCHISE RENEWAL

Sa pagbubukas ng isang drug rehabilitation facility sa Bukidnon noong August 3, 2018, sa ikalawang pagkakataon ay nagbanta si Pangulong Duterte na pipigilan niya ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

JULY 1, 2019: PENDING FRANCHISE BILL LAPSES

Tuluyan nang nag-lapse ang House Bill 4349 ni Congresswoman Violago nang mag-adjourn ang 17th Congress noong July 1, 2019.

Sa pagbubukas ng 18th Congress ng July 24, kaagad na ni-refile ni Violago ang parehong panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa bagong 18th Congress, naging HB 676 ang bilang nito.

AUGUST-SEPTEMBER 2019: MORE FRANCHISE RENEWAL BILLS FILED

Sunud-sunod ang paghain sa Kamara ng mga panukalang magkakaloob ng panibagong legislative franchise sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga ito ang House Bill 3521 ni House Deputy Speaker Rose Marie Arenas ng Pangasinan, na na-file noong August 13, 2019; at ang HB 3713 ni Parañaque City Representative Joy Myra Tambunting noong August 14, 2019.

Continue reading below ↓

Isinumite rin sa Kamara ang HB 3947 ni Laguna Representative Sol Aragones (August 27, 2019), at ang HB 4305 ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto (September 9, 2019).

August 28, 2019 naman nang ihain nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senator Leila de Lima ang kaisa-isang franchise renewal bill sa Senado.

Ito ang Senate Bill No. 981.

Continue reading below ↓

OCTOBER 29, 2019: HOUSE SPEAKER ANNOUNCES DELIBERATION FOR FRANCHISE BILLS

October 29, 2019, inihayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magsasagawa na ang Kamara ng deliberasyon sa franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Pero hindi nagtakda ng petsa ang House leader.

Noong mga panahong ito, limang panukala na para sa prangkisa ng broadcasting giant ang nakabimbin sa Mababang Kapulungan, habang isa naman sa Senado.

DECEMBER 3, 2019: DUTERTE REITERATES HIS THREAT A THIRD TIME

Noong December 3, 2019, sa ikatlong pagkakataon, hayagang sinabi ni Pangulong Duterte na mabibigo ang ABS-CBN sa inaasam nitong panibagong prangkisa.

Ayon sa media reports ay sinabi ng Presidente na hindi niya ito pahihintulutan.

“If you expect that [the franchise] will be renewed, I’m sorry. I will see to it that you’re out,” sabi ng Pangulo.

Continue reading below ↓

DECEMBER 4, 2019: CAYETANO SAYS HOUSE WILL DELIBERATE IN 2020

Isang araw matapos ang ikatlong pagbabanta ng Presidente laban sa ABS-CBN, sinabi ni Cayetano noong December 4 na hindi na tatalakayin ng Kamara ang franchise renewal bills ng ABS-CBN hanggang sa matapos ang 2019.

Aniya, may “more than enough time” para busisiin at ipasa ang mga panukala sa susunod na taong 2020.

DECEMBER 30, 2019: JUST SELL ABS-CBN

Sa speech ni Pangulong Duterte sa Cotabato noong December 30, 2019, binanggit nito na dahil walang kasiguruhan ma-renew ang legislative franchise ng ABS-CBN, mas makabubuting ipagbili na lang ang network.

Ayon sa quote ng media reports sa Presidente: “Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo.

“Magrenew kayo, ewan ko lang kung may mangyari diyan. Kung ako sa inyo, ipagbili n'yo na iyan.”

Continue reading below ↓

JANUARY 2, 2020: A PROMISE TO DELIBERATE ON FRANCHISE RENEWAL BILLS

January 2, 2020, tiniyak ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na tatalakayin ng kanyang komite ang mga nakabimbing panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Si Alvarez ay kongresista mula sa Palawan.

Sa mga panahong ito, may tatlo pang ABS-CBN franchise renewal House bills ang nadagdag.

Naghain ng bagong panukala ang isang grupo ng mga kongresista: sina Aurelio Gonzales Jr. ng Pampanga, Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, at Doy Leachon ng Oriental Mindoro.

Naghain din ng kaparehong panukala ang representatives ng Muntinlupa City, si Rufus Rodriguez, at ng Occidental Mindoro, si Josephine Sato.

Continue reading below ↓

JANUARY-FEBRUARY 2020: SOLONS FILE ONE RESOLUTION, TWO MORE BILLS

Pagsapit ng January 20, 2020, 11 kongresista ang naghain naman ng House Resolution 639.

Hiniling ng resolusyon sa House Committee on Legislative Franchises “to report without further delay, for plenary action, a consolidated version” ng walong nakabimbing franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Ang resolution ay inakda nina Albay Representative Edcel Lagman, Quezon City Representative Jose Christopher Belmonte, Capiz Representative Emmanuel Billones, ACT-Teachers Party-list Representative France Castro, Gabriela Representative Arlene Brosas, at Bayan Muna Representatives Carlos Zarate, Eufemia Cullamat, at Ferdinand Gaite.

Nakasuporta rin sa resolusyon ang mga nauna nang naghain ng franchise renewal bills na sina Violago, Tambunting, at Pimentel.

February 3, 2020 nang i-file ng Makabayan solons ang pangsampung franchise renewal bill.

Ang mga kongresistang nag-sponsor ay sina Brosas, Castro, Cullamat, Gaite, Zarate, at Sarah Jane Elago ng Kabataan Party-list.

Makalipas ang dalawang araw, February 5, inihain ang ika-11 panukala para sa prangkisa ng ABS-CBN, na ang may-akda ay si Baguio City Congressman Mark Go.

Continue reading below ↓

FEBRUARY 10, 2020: QUO WARRANTO PETITION

Umaga ng February 10, naghain ang Office of the Solicitor General (OSG) ng quo warranto petition sa Korte Suprema upang kanselahin ang mapapaso nang prangkisa ng ABS-CBN.

Pinangunahan ni Solicitor General Jose Calida ang pagkuwestiyon sa prangkisa ng Kapamilya network.

Hiling ng reklamo ng OSG—na tumatayong abogado ng gobyerno—na bawian ng prangkisa ang ABS-CBN Corporation at ang telecommunications arm nito na ABS-CBN Convergence Inc.

Continue reading below ↓

Ang ABS-CBN Convergence Inc. ang nangangasiwa sa digital TV service ng kumpanya, ang ABS-CBN TV Plus.

Giit ng OSG, nag-aalok ang TV Plus ng pay-per-view sa KBO Channel nito nang walang permiso mula sa NTC.

Inakusahan pa ng OSG ang network ng “allowing foreign investors to take part in the ownership of Philippine mass media entity.”

Bukod pa ito sa pag-iisyu umano ng network ng “Philippine Deposit Receipts (PDRs) through ABS-CBN Holdings Corporation to foreigners.”

Ayon pa sa OSG, sangkot ang ABS-CBN Convergence sa “corporate layering scheme in order to transfer in franchise without the necessary Congressional approval.”

Sa isang official statement, mariing itinanggi ng ABS-CBN ang mga alegasyon ng OSG, at nanindigang walang nilalabag na batas ang network.

FEBRUARY 11, 2020: SC ORDERS ABS-CBN TO ANSWER QUO WARRANTO

Kinabukasan, February 11, inatasan ng Supreme Court (SC) ang ABS-CBN na sagutin ang quo warranto petition ng OSG sa loob ng 10 araw.

Continue reading below ↓

FEBRUARY 17, 2020: SENATE PANEL SETS FRANCHISE RENEWAL HEARING

Itinakda ng Senado para February 27 ang pagtalakay sa nag-iisang ABS-CBN franchise renewal bill sa Mataas na Kapulungan.

Ito ang Senate Bill No. 981 nina Senators Recto at de Lima.

Ang pagdinig ay gagawin ng Senate Committee on Public Services ni Senator Grace Poe.

Sa parehong araw ng February 17, inihain ni Senator Drilon ang Senate Joint Resolution No. 11.

Target nitong himukin ang Kamara na lumikha ng counterpart resolution na magpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa December 31, 2022.

Nang araw ding iyon, inihain ni Cebu City Representative Raul del Mar ang House Joint Resolution No. 28, na mag-e-extend naman sa franchise hanggang June 2022.

Continue reading below ↓

FEBRUARY 18, 2020: OSG PLEAS FOR A GAG ORDER

Kinabukasan, February 18, hiniling ng OSG sa Supreme Court na magpalabas ng gag order kaugnay ng inihain nitong quo warranto petition.

Inakusahan ni Solicitor General Calida ang network ng paglulunsad ng “propaganda in a clear attempt to elicit public sympathy, sway public opinion, and, ultimately, to influence the resolution of the case.”

Inatasan naman ng Supreme Court ang ABS-CBN na magkomento sa gag order plea ng OSG sa loob ng limang araw.

FEBRUARY 19, 2020: SENATE PANEL SETS HEARING TO AN EARLIER DATE

Nang sumunod na araw, inanunsiyo ni Senator Poe na sa halip na February 27, isasagawa na ng Senado ang franchise renewal hearing nang mas maaga.

Itinakda ito ng February 24.

Ang pagdinig ay pangungunahan ng komite ni Poe, ang Senate Committee on Public Services.

FEBRUARY 24, 2020: SENATE TACKLES FRANCHISE RENEWAL

Sa Senate hearing, sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Kongreso ang dapat mag-atas sa NTC na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN upang maiwasan ang pagtigil ng operasyon.

Continue reading below ↓

Batay sa “considerations of equity,” o kailangang patas ang usapin, sinabi ng Justice Secretary na marami nang networks sa bansa ang pinayagang mag-operate kahit napaso na ang prangkisa ng mga ito.

Ang mahalaga, ayon kay Guevarra, ay naihain na sa Kongreso ang panukala para sa panibagong prangkisa bago ito tuluyang nag-expire.

Sa sinabing ito ng DOJ Chief, nanawagan si NTC Commissioner Atty. Gamaliel Cordoba sa Kongreso na magpasa ng joint resolution.

Dumalo rin si Cordoba sa pagdinig ng Senado.

Tiniyak ng commissioner na bukas ang NTC na payagang makapag-operate ang ABS-CBN.

Quote ni Cordoba: “We can, we can let ABS-CBN continue to broadcast. Based on equity ay puwede naman po."

CLEARED BY BIR, SEC

Imbitado rin sa Senate hearing ang mga kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission (SEC).

Dumalo ang dalawang ahensiya ng gobyerno upang bigyang-linaw ang tax issues na ikinakabit sa ABS-CBN, at ang usapin sa Philippine Deposit Receipts (PDRs) na binanggit sa quo warranto petition.

Continue reading below ↓

Ayon kay Simplicio Cabantac Jr., head ng Large Tax Payers Audit Division 3 ng BIR, ang ABS-CBN ay “regularly filing and paying their taxes for the past number of years.”

Sinabi naman ni SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong na ang komisyon ay “not aware of any violation or any ongoing complaint or investigation involving ABS-CBN” kaugnay ng PDRs.

ABS-CBN TOP EXEC APOLOGIZES TO DUTERTE

Sa parehong pagdinig sa Senado, inamin ni ABS-CBN President and Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak na hindi nailabas ng network ang campaign ads ni Pangulong Duterte noong 2016 na may halagang PHP7 million.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Katigbak, may limitasyon ang pagtanggap ng network ng local ads, na may polisiyang first-come-first-served basis.

Late na raw nakapag-place ng local ads si Pangulong Duterte, kaya hindi naiere ang lahat ng binayaran nito.

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Katigbak sa Presidente.

FEBRUARY 26, 2020: DUTERTE ACCEPTS ABS-CBN PRESIDENT’S APOLOGY

Makalipas ang dalawang araw, February 26, tinanggap ni Pangulong Duterte ang apology ni ABS-CBN President-CEO Katigbak.

May suggestion din ang Presidente tungkol sa PHP2.6 million na ibinayad niya sa campaign ads na hindi umere, na pilit na isinasauli ng network.

“Ibigay na lang nila sa any charitable institution of their choice,” anang Pangulo.

Continue reading below ↓

HOUSE ASKS NTC TO ISSUE PROVISIONAL AUTHORITY

Sa parehong araw, February 26, pormal na lumiham sa NTC sina House Speaker Cayetano at Congressman Alvarez, chairman ng House Committee on Legislative Franchises.

Hinimok nila ang NTC na maglabas ng provisional authority para sa ABS-CBN.

Ito ay batay sa napagkasunduan ng mga senador at ni NTC Commissioner Cordoba sa Senate hearing tungkol sa franchise renewal.

MARCH 4, 2020: SENATE ADOPTS RESOLUTION FOR PROVISIONAL AUTHORITY

Noong March 4, nagpasa ang Senado ng resolusyon “expressing the sense of the Senate” na payagang magpatuloy ang broadcast operation ng ABS-CBN pagkatapos ng May 4.

Magiging basehan ng NTC ang Senate resolution na ito, pati na ang liham mula sa House leaders, upang magpalabas ng provisional authority na kinakailangan ng ABS-CBN.

Ang resolusyon ay pirmado nina Senators Recto, Poe, Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Lito Lapid, at Manny Pacquiao.

MARCH 10: HOUSE HOLDS FIRST ABS-CBN FRANCHISE HEARING

March 10, 2020, o isang araw bago ang Lenten break ng Kongreso ng March 11, idinaos ng House Committee on Legislative Franchises ang kauna-unahan franchise renewal hearing sa Kamara.

Continue reading below ↓

Sa pangunguna ng committee chairman na si Congressman Alvarez, itinakda ang mga ground rules sa gagawing mga pagdinig.

Gayunman, hindi nagtakda ng petsa ang Kamara ng susunod na proceeding.

Sa May 4 na kasi ang susunod na sesyon ng mga kongresista.

MAY 3, 2020: SOLGEN WARNS NTC VS PROVISIONAL AUTHORITY

Noong May 3, 2020, isang araw bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN, nagbabala ang OSG sa NTC.

Continue reading below ↓

Posible raw makasuhan ng graft ang mga opisyal ng NTC kung itutuloy nito ang pagbibigay ng provisional authority sa network, base sa utos ng Kamara at Senado.

MAY 4, 2020: DOJ CHIEF CONTRADICTS SOLICITOR GENERAL

Kinabukasan, May 4, kinontra ni Justice Secretary Guevarra ang babala ni Calida.

Nanindigan ang DOJ Chief na pupuwede pa ring mag-operate ang ABS-CBN habang hindi pa nadedesisyunan ng Kongreso ang franchise renewal nito.

Muling iginiit ng kalihim ang opinyon niya batay sa mga nakalipas na sitwasyon, kung saan pinayagang umere ang ilang network na may expired franchise.

MAY 5, 2020: NTC SHUTS DOWN ABS-CBN’S TV AND RADIO STATIONS

Mag-aalas singko ng hapon ng May 5, sa halip na ibigay ang ipinangakong provisional authority, cease-and-desist order ang inabot ng NTC sa ABS-CBN.

Dismayado ang ilang mambabatas na pinangakuan ng NTC na papayagang magpatuloy ang operasyon ng network.

Ganito rin ang sentimyento ng ABS-CBN.

Binigyang diin ng ABS-CBN na nakumpirma sa Senate hearing na karapat-dapat ang network mabigyan ng provisional permit.

Continue reading below ↓

Gayunman, tumalima pa rin ang media company sa utos ng NTC.

Eksaktong 7:52 ng gabi ng May 5, 2020, nagtigil-operasyon ang lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN.

ABS-CBN CONTENT ON ITS ONLINE PLATFORMS AND CABLE CHANNELS

Ang ABS-CBN ang pinakamalaking free-to-air TV broadcast station sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Bukod sa flagship na Channel 2, mayroon itong 41 pang TV stations.

Mayroong 23 radio stations din ang network, kabilang ang DZMM sa AM band at MOR 101.9 sa FM.

Tigil-operasyon ang lahat ng ito.

Gayunman, maraming iba pang platforms ang ABS-CBN na mapaglalabasan pa rin ng news, entertainment, at sports contents nito.

Patuloy na maghahatid ang network ng balita at impormasyon online sa pamamagitan ng website nitong news.abs-cbn.com.

Magbo-broadcast pa rin ang ABS-CBN News Channel.

Hindi saklaw ng cease-and-desist order ang mga cable news channel, tulad ng ANC.

Regular din ang news update sa mga social media accounts ng ABS-CBN sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Sa larangan ng entertainment at sports, nariyan pa rin ang website ng network na abs-cbn.com, gayundin ang YouTube channel at mga social media accounts ng ABS-CBN.

Ayon sa ABS-CBN, mapapanood din sa video streaming service app nilang iWant ang marami sa popular shows ng network.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga ito ang FPJ's Ang Probinsyano, Maalaala Mo Kaya, TV Patrol, at Bandila.

Tuluy-tuloy rin ang operasyon ng film-production arm ng network, ang Star Cinema, at ang recording label nitong Star Music.

Ang mga nabanggit ay hindi saklaw ng wala-na-ngayong-bisang broadcasting franchise ng ABS-CBN.

HOT STORIES

MAY 7, 2020: ABS-CBN ASKS HELP FROM THE SUPREME COURT

Umapela ang ABS-CBN sa Supreme Court na maghain ito ng temporary restraining order sa sa utos ng NTC na ipatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ipinaalala rin ng ABS-CBN na pumayag ang Kamara na bigyan ng provisional authority ang network na patuloy na umere habang hinihintay ang resulta ng franchise renewal application nito.

Pebrero 2020 nang magpadala pa raw ng sulat ang House Committee on Legislative Franchises sa NTC

Nabanggit din sa 46-page petition ng ABS-CBN na P35 million ang nawawala sa kumpanya kada araw na wala ito sa ere.

JUNE 13, 2020: ABS-CBN LAUNCHES KAPAMILYA CHANNEL

Nawala man sa free TV, nilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Channel sa ilang cable o pay television operators.

Kabilang dito ang Home Cable, Sky, Cablelink, GSat, Philippine Cable Television Association members, at iWant.cable/pay television

Ito ang naging tahanan ng entertainment programs ng ABS-CBN bukod sa online platforms ng network.


Continue reading below ↓

JUNE 30, 2020: NTC ORDERS ABS-CBN TO STOP TV PLUS

Pinatigil ng NTC ang pag-ere ng Kapamilya-affiliated channels sa TV Plus at Sky Direct satellite transmission via Channel 43.

Ang TV Plus ay ang mahiwagang blackbox o digibox na sumasagap ng digital signal ng broadcast operations mula sa iba't ibang istasyon.

Ilan sa Kapamilya channels na exclusive sa TV Plus ay Cinemo, Yey!, DZMM Teleradyo, at KBO (Kapamilya Box Office).

Ang AMCARA Broadcasting Network ang naglalabas ng digital broadcast ng mga programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Channel 43.

Pero knuwestiyon ng Kongreso ang blocktime arrangement ng ABS-CBN sa AMCARA, dahil sa umano'y "dummy relationship" ng dalawang TV station.

Ayon naman sa NTC, sakop ng broadcasting license ng network ang TV Plus. At dahil walang prangkisa, hindi ito maaaring magamit para mag-ere ng ABS-CBN main channel pati na Cinemo, Yey!, DZMM Teleradyo, at KBO.

Muling naghayag ang ABS-CBN na umaasa ang network na magpatuloy ang broadcast operations habang tinatalakay pa sa Kongreso ang isyu ng prangkisa.

Continue reading below ↓

JULY 10, 2020: CONGRESS JUNKS ABS-CBN'S RENEWAL APPLICATION

Ibinasura ng Kongreso ang application for franchise renewal ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Ang resulta ng botohan: 70-11-2-1.

Pitumpu ang pabor na ibasura ang hinihiling na prangkisa ng ABS-CBN, labing-isa ang kumontra, dalawa ang nag-inhibit, at isa ang nag-abstain.

Ito ay matapos ang walong pagdinig ng Committee on Legislatives at Committee on Good Governance na nagsimula mula May 26 hanggang July 9, 2020.

Continue reading below ↓

JULY 13, 2020: DUTERTE REJOICES AFTER DISMANTLING "OLIGARCHY"

Nagbunyi si Pangulong Duterte dahil nagawa raw niyang mapabagsak ang isang "oligarchy" sa Pilipinas kahit walang martial law.

Sinabi iyon ng Pangulo sa isang talumpati nang bisitahin niya ang mga tropa ng sundalo sa Jolo, Sulu, noong July 13, o tatlong araw lamang matapos pagkaitan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ni Duterte: "Yun namang ABS-CBN, binaboy ako.

"Pero sinabi ko kapag ako ang nanalo, bubuwagin ko ang oligarchy ng Pilipinas. Ginawa ko.

"Without declaring martial law, sinira ko ang mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit. At hindi nagbabayad.

"They take advantage sa kanilang political power."

Nabanggit din niya sa talumpati ang umano'y "lokohan ng mga titulo" kaugnay ng lupang kinatitirikan ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Ganunpaman, sa dulo ng kanyang speech ay kumambiyo ang Pangulo at sinabing ang Kongreso ang dapat sisihin sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Aniya, "Itong may isa pang ano, human right na regional, puti. Sabi niya ako raw nagpasara sa ABS-CBN.

"Aba, malay ko. Ang nagpasara niyan, Kongreso."

Continue reading below ↓

AUGUST 25, 2020: SUPREME COURT JUNKS ABS-CBN'S TRO PETITION

Binasura ng Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN na pigilan ang cease-and-desist order ng NTC.

Wala raw magagawa ang korte dahil "supervening" o final at executory ang desisyon ng kongreso na hindi i-renew ang prangkisa ng broadcast giant.

Sabi sa resolusyon ng Korte Suprema, "Because of this supervening event, there is no actual substantial relief which ABS-CBN Corporation would be entitled to regardless of the Court’s disposition of the merits of the Petition."

AUGUST 28, 2020: ABS-CBN EMPLOYEES RETRENCHED

Naiulat na tinatayang 5,000 empleyado ang na-retrench sa kanilang trabaho matapos magsara ang mga departamento at ibang subsidiaries ng ABS-CBN.

Kaugnay pa rin ito ng desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang network.

Ayon sa opisyal na pahayag ng ABS-CBN, "As much as it hurts us to implement this retrenchment program, this is the only way to ensure the continued employment of the rest of our Kapamilya."

Continue reading below ↓

Epektibo ang retrenchment noong August 31, 2020, pero karamihan ay nag-last day na noong August 28.

May kabuuang 53 regional TV at radion stations ang isinara ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

SEPTEMBER 24, 2020: GABBY LOPEZ RESIGNS AS CHAIRMAN EMERITUS

Nagbitiw si Eugenio Lopez III, o Gabby Lopez, bilang ABS-CBN chairman emeritus noong September 24.

"Personal reasons" ang dahilan ng pagbitiw niya sa puwesto, ayon sa official statement ng ABS-CBN.

Ang Filipino-American citizenship ni Gabby ang isa sa mga isyung kinuwestiyon ng Kongreso sa franchise renewal application ng ABS-CBN.

Sa resulta ng imbestigasyon ng Kongreso, nakitaan ng "cloud of doubt" sa Filipino citizenship ni Gabby base sa mga dokumentong inihain nito.

Malinaw na paglabag daw ito sa probisyon ng batas na tanging Filipino citizens ang pwedeng magmay-ari ng mass media company sa bansa.

Continue reading below ↓

OCTOBER 10, 2020: KAPAMILYA SHOWS START AIRING ON A2Z

Bumalik sa free TV ang piling entertainment shows ng ABS-CBN nang magkaroon ito ng blocktime arrangement sa A2Z, o dating kilala bilang Zoe TV.

Ilan sa mga ito ay ang It's Showtime,FPJ's Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at ASAP Natin 'To.

Ang A2Z, na umeere sa Channel 11 ng free TV, ay istasyong pag-aari ng Jesus Is Lord evangelist na si Eddie Villanueva.

Mapapanood din ito sa digibox gaya ng TV Plus sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Hindi kasali ang public affairs progam ng Kapamilya network sa mga umeere rito.

Pero pinalakas ng ABS-CBN ang digital presence ng iba't iba nilang programa na umeere rin sa cable channels ng network.

Continue reading below ↓

JANUARY 4 AND 5, 2021: ANOTHER FRANCHISE APPLICATION

Anim na buwan mula nang mabasura ang application ng ABS-CBN, muling may mga sumubok na humiling na magbalik ang broadcast operations ng Kapamilya network.

Naghain si Senate President Tito Sotto ng Senate Bill No. 1967 na naglalayong ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN sa loob ng 25 taon.

Nakasaad sa explanatory note ng panukala na mahalagang magbalik sa ere ang ABS-CBN bilang "largest entertainment and media network" na tagapagdala ng mahahalagang balita at inspiring entertainment shows.

Kinabukasan, noong January 5, naghain si Batangas Sixth District Representative Vilma Santos-Recto ng hiwalay na panukala para ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Vilma na sa kabila ng paglago ng social media ay telebisyon pa rin ang "preferred mass medium" sa mga probinsya at liblib na lugar.

Dagdag niya, malaki ang ambag ng ABS-CBN sa pag-abot ng mga tao sa malalayong lugar dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng network para magpalabas ng mga programa.

Continue reading below ↓

FEBRUARY 9, 2021: DUTERTE WON’T ALLOW ABS-CBN TO OPERATE

Pero muling bumanat si Pangulong Duterte na hindi niya papayagang mag-operate ang ABS-CBN kahit na bigyan ito ng Kongreso ng panibagong prangkisa.

Haharangin daw niya ang permit sa NTC.

Sabi ng Pangulo: “Congress is planning to restore the franchise of the Lopezes. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo.

“But if you say that if they can operate, kung may ano na sila [prangkisa], no. I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate.”

Kung hahayaan daw magbalik sa ere ang ABS-CBN ay parang binigyan pa raw ito ng “prize” para sa “criminal acts” nito.

Dagdag niya, "Unless and until the Lopezes pay their taxes... I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan.”

Tahasang sinabi ito ni Pangulong Duterte sa televised meeting para sa COVID-19 response ng gobyerno.

Continue reading below ↓

FEBRUARY 11, 2021: ABS-CBN FRANCHISE “WILL HAVE TO WAIT” UNTIL 2022

Makalipas ang ilang araw, lumabas na hindi prayoridad sa Kongreso na talakayin ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Calls to revive the franchise of ABS-CBN will have to wait until the next Congress,” sabi ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Continue reading below ↓

Sinasabing ang ibig sabihin ni Velasco sa “next Congress” ay ang mga bagong kongresista na uupo sa pagbubukas ng Kamara sa Hulyo 2022, dalawang buwan matapos ang national elections.

Ayon kay Velasco, prayoridad ng Kamara na maipasa ang natitirang "priority measures" para mapalakas ang ekonomiya na natamaan nang husto ng pandemya.

JANUARY 24 & MARCH 8, 2021: ABS-CBN'S DEAL WITH TV5 AND CIGNAL

Para lumawak ang exposure ng Kapamilya shows sa free TV, nagkaroon ng ABS-CBN ng blocktime arrangement sa TV5 at Cignal.

Naunang umere sa TV5 ang ASAP Natin 'To noong January 24, 2021.

Noong March 8, 2021, sumunod ang prime-time shows na FPJ's Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Pinoy Big Brother: Connect.

Continue reading below ↓

Maituturing na historic ang mapanood ang Kapamilya shows sa TV5 na isa sa tatlong major TV networks sa bansa.

Noon lamang October 2020 muling umarangkada sa pagpapalabas ng entertainment shows ang TV5, at ang Cignal ang main content provider nito.

JUNE 2021: ABS-CBN LOSS IN 2020 AMOUNTED TO PHP13.5 BILLION

Noong June 8, 2021, naiulat sa online news sites na P13.5 billion ang naitalang net income loss ng ABS-CBN para sa taong 2020.

Higit 400 percent na mas mataas ito kumpara sa net income loss nito na PHP 2.65 billion noong 2019.

Ito ay sa gitna ng pagpapasara sa network sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Mula sa PHP42.83 billion consolidated revenues noong 2019, halos 50 percent ang nakaltas sa naitalang PHP21.42 billion consolidated revenues noong 2020.

Malaking factor dito ang nabawas sa ad revenues ng ABS-CBN—mula sa PHP 22.94 billion noong 2019 ay naging PHP7.1 billion na lang ito noong 2020.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A year has passed since 70 congressmen voted to junk ABS-CBN's application for franchise renewal. Even with a new bill pending before Congress since January 2021, it looks like it's still not up for discussion until after the 2022 elections. Seen here is a lone woman lighting a candle in front of ABS-CBN during a peaceful rally back in July 9, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results