Watch Now

Ai-Ai delas Alas falls victim to another death hoax: "Mga g*go gumagawa nito..."

by Bernie V. Franco
Jul 10, 2021
Comedienne-host Ai-Ai delas Alas calls peddlers of her death hoax as "inutil" and "mangmang."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Inalmahan ni Ai-Ai delas Alas ang pekeng balitang pumanaw na umano siya.

Hindi niya napigilang magmura sa sobrang galit laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media.

Ipinost ni Ai-Ai sa Instagram ang screenshot ng video ng fake news ng kanyang pagkamatay, Biyernes ng gabi, July 9, 2021.

“FAKE NEWS,” at “HWAG KAYO MAG SUBSCRIBE DITO,” ang mga katagang inilapat ng comedienne-host sa screenshot.

Bahagi ng title ng video (published as is): “PUMANAW NA ANG AKTRESS NA SI AI AI DELAS ALAS…”

Ilang beses napamura ni Ai-Ai sa kanyang caption dahil marami raw sa kanyang mga mahal sa buhay ang kinabahan.

Si Ai-Ai ang isa sa celebrities ng latest victim ng talamak na fake news sa social media.

Kasalukuyan siyang nasa U.S. kasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.

“Sa totoo lang mga gag* gumagawa nito ... na stress ate ko dito atsaka iba kong friends sa abroad,” simula ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ba napapala nyo sa pag gawa ng ganito ???pampadami ng views.. ( sa ganitong paraan ???kung ano ano nalang namatay daw ako sa sakit na diabetes ..

“MGA G*GO 5 years na ko walang sugar sa katawan except fruits and coco sugar mga sira ulo mangmang inutil!!!!!”

Idinaan na lang sa biro ni Ai-Ai ang fake news video nang sabihing buti na lang daw ay magandang picture ang ginamit.

“Buti nalang maganda ginamit nilang picture kung hindi mas mababa pa sila sa inutil at mangmang !!! Hinulma sa tae ang kaisipan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang komedyanteng si Pokwang napa-react sa comments section.

Si Pokwang man daw ay nabiktima ng fake news matapos ipakalat ang pekeng balitang binugbog umano ng kanyang asawang si Lee O’Brian ang anak ni Pokwang na si Mae.

Binanggit ni Pokwang na sasampahan nila ng kaso ang netizen na nagpakalat ng pekeng balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang panganay ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas ay napamura sa pambibiktima sa ina.

“G*go ton mga toh,” comment ni Sancho.

Sagot ni Ai-Ai, “gusto nilang mawalan ka na ng mama hehe mga inutil mangmang.”

Hindi ito ang unang beses na nabiktima ng death hoax si Ai-Ai.

Isang taon na ang nakalilipas, may kumalat ding fake news na "pinatay" umano si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne-host Ai-Ai delas Alas calls peddlers of her death hoax as "inutil" and "mangmang."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results