Wilma Doesnt gets engaged to non-showbiz BF on her birthday

by Bernie V. Franco
Jul 10, 2021
Wilma Doesnt gets the surprise of her life when her longtime boyfriend of fourteen years, Gerick Livelo Parin, proposed to her during an outdoor event this Saturday, July 10. The engagement became even more meaningful since it coincided with her birthday.
PHOTO/S: Facebook (Avee Aquilesca Castro)/@doesntwilma on Instagram

Engaged na si Wilma Doesnt sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin.

Base sa isang Instagram post ni Wilma, 14 years na silang magkarelasyon.

Sa video na in-upload niya sa kanyang Instagram ngayong Sabado, July 10, makikitang si Wilma ang nag-host sa isang outdoor event kunsaan kasama rin niya ang kanyang mga kaibigan.

Maririnig ang countdown na pinangunahan ni Wilma.

Pagkatapos ng countdown, biglang lumapit ang kanyang boyfriend na may hawak na engagement ring, at lumuhod ito sa harapan ni Wilma.

Kitang gulat na gulat at tawang-tawa si Wilma sa pangyayari, at pagkalipas ng ilang sandali ay sumagot ng "Yes, of course!"

Nagmistulang double celebration din ito dahil ipinagdiwang din ni Wilma ang kanyang kaarawan ngayong Sabado.

Continue reading below ↓

Naging makabuluhan ang mensahe ni Wilma sa kanyang caption sa naturang video.

Ani Wilma (published as is), “The best birthday gift ever!!!!happy birthday to me!!”

Paalala ni Wilma, huwag susuko sa pag-ibig.

Aniya (published as is), “Yahoooo but seriously,to all the woman out there never give up on love.your past doesnt define you nor your mistakes in life.i called it process…

“Trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sau.ptience is a virtue..but for patience is a waiting.learn to wait..

“Your time will come no matter what it will happen.never loose yourself its because you made mistakes.

“Forgive your self,respect and love ypurself above all.

wilma doesnt boyfriend

Continue reading below ↓

“Para mahanap ka ng taong nakatakda para sau..maraming maraming salamat sa lahat ng naging parte ng buhay ko!!!mahal na mahal ko kayong lahat!!!

“PS: treat your man like a king so that he can fulfilled his duties to her queen or ahould i say to his highness!!!!”

Si Wilma ay mayroong tatlong anak mula sa mga dating nakarelasyon.

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilma Doesnt gets the surprise of her life when her longtime boyfriend of fourteen years, Gerick Livelo Parin, proposed to her during an outdoor event this Saturday, July 10. The engagement became even more meaningful since it coincided with her birthday.
PHOTO/S: Facebook (Avee Aquilesca Castro)/@doesntwilma on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results