Angelica Panganiban celebrates first year with foreigner BF

by James Patrick Anarcon
Jul 11, 2021
Angelica Panganiban on first anniversary with non-showbiz boyfriend Gregg Homan: "I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Isang taon nang magkarelasyon sina Angelica Panganiban at ang non-showbiz boyfriend nitong si Gregg Homan.

Ito ay base sa kanyang Instagram post ngayong July 11, kunsaan ipinakita niya ang litratong naka-kiss sa kanya si Gregg.

Sa caption ni Angelica ay tila ibinahagi niya kung ano ang naging pagtingin niya sa love simula nang maging karelasyon niya si Gregg.

Ani Angelica, "I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love."

Sabi naman niya sa kanyang boyfriend, "Happy first year my love. i wuv yew"

Continue reading below ↓

Karamihan naman sa mga kaibigan ni Angelica sa showbiz ang nagpahayag ng kasiyahan para sa kanya sa comments section.

Kabilang dito sina Kim Chiu, Angel Locsin, Glaiza de Castro, Barbie Imperial, Diego Loyzaga, at Julia Montes.

Angelica Panganiban

Angelica Panganiban

Continue reading below ↓

Angelica Panganiban

Angelica Panganiban

Continue reading below ↓

November 2020 nang unang maisapubliko ang pagpapalitan ng sweet messages sa Instagram nina Angelica at Gregg.

Dito nagkaroon ng mga hinalang may karelasyon na si Angelica.

Eksaktong January 1, 2021 naman, kinumpirma na ni Angelica na nobyo niya si Gregg nang mag-post siya ng litratong magkahalikan sila sa tabing-dagat.

Dito ay hindi pa masyadong kita ang mukha ni Gregg dahil sa anggulo ng litrato.

Noong February 5, tuluyan nang pinangalanan ni Angelica si Gregg kasabay ng pag-post ng isang couple photo.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on first anniversary with non-showbiz boyfriend Gregg Homan: "I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results