Former Pinay Miss International winners: Where are they now?

by Bernie V. Franco
Jul 12, 2021
Filipina Miss International
Philippines had six Miss International winners (L-R, counter-clockwise) Gemma Cruz-Araneta, 1964; Aurora Pijuan, 1970; Melanie Merquez, 1979; Kylie Verzosa, 2016; Bea Rose Santiago, 2013; Precious Lara Quigaman, 2005.

It’s official!

Si Hannah Arnold ng Masbate ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International 2021 pageant na gaganapin sa Yokohama City, Japan sa darating na Nobyembre.

Ito ay matapos koronahan si Hannah bilang Bb. Pilipinas-International 2021 sa national pageant na ginanap gabi ng Linggo, July 11.

Pero bago ang international pageant, balikan natin ang anim na Filipino beauty queens na kinoronahan bilang Miss International at nagbigay-karangalan sa bansa.

Gemma Cruz-Araneta, Miss International 1964

Si Gemma Cruz-Araneta, 77, ang kauna-unahang Pilipina at Asian na nakasungkit ng Miss International crown.

Nakagawa siya ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang Filipino beauty queen na nanalo sa isang major international pageant.

Tinalo niya ang 39 kapwa kandidata sa Miss International 1964 na ginanap sa Long Beach, California, USA.

Si Gemma ay apo sa tuhod ni Doña Maria Mercado, kapatid ng bayaning si Jose Rizal.

Continue reading below ↓

Matapos manalo, si Gemma ay naging public servant.

Itinalaga siya noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang director ng National Museum. Naging member din siya ng National Historical Commission of the Philippines.

Noong administrasyon naman ni dating Pangulong Joseph Estrada, hinawakan niya ang posisyong Department of Tourism secretary mula June 1998 hanggang January 2001.

Naging book author din siya at radio host.

Si Gemma ay kasalukuyang columnist sa daily broadsheet na Manila Bulletin.

AURORA PIJUAN, Miss International 1970

Makalipas ang anim na taon, muling nasungkit ng Pilipinas ang Miss International crown and title nang tanghalin si Aurora Pijuan bilang winner.

Bunsod ng kanyang pagkapanalo, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansang nakasungkit ng korona sa pangalawang pagkakataon sa Miss International.

Naging daan din ang pagkapanalo niya sa 10th Miss International para pasukin ni Aurora ang showbiz at makagawa ng ilang pelikula.

Continue reading below ↓

Si Aurora, 71, ang ina ng ABS-CBN sportscaster na si TJ Manotoc, na anak niya sa dating asawang si Tommy Manotoc, former PBA coach.

Si Aurora ay very vocal sa Twitter sa kanyang political views laban sa current administration.

Siya ay miyembro rin ng Gawad Kalinga, isang movement na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na Pilipino gaya ng mga nasalanta ng mga kalamidad.

Melanie Marquez, Miss International 1979

Sa edad na 15 anyos, hinirang na Miss International 1979 si Mimilanie “Melanie” Marquez.

Makasaysayan ang kanyang pagkapanalo bilang youngest winner ng international crown.

Ito ang naging daan ni Melanie para pasukin ang showbiz at fashion world.

Hinirang din siyang first runner-up sa Supermodel competition sa U.S. noong 1986.

Si Joey Marquez ay kapatid niya ama, ang film director na si Artemio Marquez Sr.

Continue reading below ↓

Pamangkin ni Melanie ang aktres na si Winwyn Marquez, na naging Reina Hispanoamericana 2017.

Si Melanie rin ang ina ni Miss World Philippines 2019 Michelle Dee.

Bagamat hindi na ganoon kadami ang projects ay nananatiling aktibo sa showbiz si Melanie.

Siya ngayon ay 56 anyos.

Precious Lara Quigaman, Miss International 2005

Inabot ng 26 taon bago muling mapasakamay ng Pilipinas ang Miss International crown.

Ito ay nang tanghaling winner si Precious Lara Quigaman sa Miss International 2005 pageant na ginanap sa Tokyo, Japan noong September 26, 2005.

Dalawang beses sumali si Precious sa Binibining Pilipinas pageant.

Una noong 2001, pero hindi siya nakakuha ng puwesto.

Pangalawa nga ay noong 2005 nang hirangin siyang Bb. Pilipinas-International 2005.

Bunsod ng kanyang pagkapanalo sa Miss International, sumabak din sa showbiz si Precious. Lumabas siya sa mga proyekto na karamihan ay sa ABS-CBN.

Ikinasal siya sa aktor na si Marco Alcaraz noong 2012. Mayroon silang tatlong anak na lalake.

Continue reading below ↓

Nananatiling aktibo ang 38-year-old beauty queen sa showbiz. Kabilang sa mga huling proyekto niya ay ang teleseryeng The Killer Bride (2019-2020) at isang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong 2021.

Bea Rose Santiago, Miss International 2013

Si Bea Rose Santiago, 31, ang panglimang Pinay Miss International titleholder.

Continue reading below ↓

Tinalo niya ang 66 iba pang kandidata sa pageant na ginanap sa Tokyo, Japan noong December 17, 2013.

Pero bago pa man ito ay napanalunan na niya ang Mutya ng Pilipinas Overseas Communities 2011 title.

Sumabak siya sa Miss Tourism Queen of the Year International 2012, at napabilang sa Top 10.

Continue reading below ↓

Kalaunan ay pinasok din ni Bea ang pag-aartista at naging support cast sa ilang proyekto sa ABS-CBN.

Noong 2018 ay na-diagnose siyang mayroong chronic kidney disease.

Kasalukuyan siyang naninirahan sa Canada, kung saan siya sumasailalim sa dialysis limang beses sa isang linggo.

Naghahanda rin siya para sa kanyang kidney transplant.

Kylie Verzosa, Miss International 2016

Ang pang-anim na Miss International titleholder ng Pilipinas ay si Kylie Verzosa, 29.

Kinoronahan siya sa Tokyo, Japan noong October 27, 2016, kung saan 69 kandidata silang naglaban-laban.

Matapos ang kanyang pageant reign, sumabak sa showbiz si Kylie at nakagawa ng mga teleserye at movie projects.

Nakatrabaho niya si Coco Martin sa 2017 movie Ang Panday.

Dito rin nakilala ni Kylie si Jake Cuenca na gumanap na kontrabida.

Noong 2018, nagkatrabaho sina Kylie at Jake sa ABS-CBN afternoon TV series na Los Bastardos at naging magkarelasyon hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippines had six Miss International winners (L-R, counter-clockwise) Gemma Cruz-Araneta, 1964; Aurora Pijuan, 1970; Melanie Merquez, 1979; Kylie Verzosa, 2016; Bea Rose Santiago, 2013; Precious Lara Quigaman, 2005.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results