Frankie Pangilinan claps back at basher telling her "tabunan lang mata perfect na" 

by Rachelle Siazon
Jul 12, 2021
Frankie Pangilinan on basher making her feel bad about herself: ""nakakapagod na po. minsan pa nga nakakasira ng araw o buong lingo. hindi opinyon ang pagmumukha."

Hindi nagustuhan ni Frankie Pangilinan, 20, ang panlalait ng isang basher sa kanyang pisikal na hitsura.

Nagbahagi sa Instagram si Frankie ng "cheeky" video kunsaan pumo-project siya habang nakikinig ng chill song.

Si Frankie ay anak nina Megastar Sharon Cuneta at opposition Senator Kiko Pangilinan.

Kahapon, July 11, basag-trip ang netizen na nambato ng low-blow criticism kay Frankie sa comments section.

Komento ng netizen, "Honest lang, maganda ka sana. Tabunan lang yong mata perfect na."


Continue reading below ↓

Hindi ito pinalampas ni Frankle.

Ini-screenshot niya ang komento ng netizen at pinost sa kanyang Twitter account.

Dismayadong sabi ni Frankle, "honestly lang, in what world is it okay to say this to anyone?"

Hindi raw niya ikinakahiya na namana niya ang mga mata ng amang si Senator Kiko.

Patuloy ni Kakie (published as is): "nakakapagod na po. minsan pa nga nakakasira ng araw o buong lingo. hindi opinyon ang pagmumukha.

"mahal ko ang mga mata ko dahil namana ko mata ng tatay ko, na namana nya sa nanay nya, na namana ni lola sa lola kong haponesa.

"gwapa mga lola ko kaya alam ko gwapa din ako hehe."

Noon pa man ay tahasang hinaharap ni Frankie ang mga panlalait ng ibang bashers, may kinalaman man sa kanya o sa kanyang pamilya.

Kaya nasabi niyang sanay na siya sa detractors at kaya nga niyang pagtawanan ang mga ito.

Pero hindi pa rin daw kayang i-tolerate ito, lalo na't alam niyang may mga batang babaeng maaaring magsimulang kuwestyunin ang kanilang self-worth kapag inaalipusta ang kanilang hitsura.

Continue reading below ↓

Aniya, "sanay na po ako i can laugh these things off really easily, but there’s something so upsetting about thinking there are little girls who’ve never been insecure of themselves and could read comments like this only to look in the mirror and see flaws they’ve never seen before."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan on basher making her feel bad about herself: ""nakakapagod na po. minsan pa nga nakakasira ng araw o buong lingo. hindi opinyon ang pagmumukha."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results