Sunshine Dizon hits back at rude basher minding her freckles

by Arniel C. Serato
Jul 12, 2021
Kapamilya actress Sunshine Dizon answers basher who commented "Puro tuldok yung mukha pag hindi Naka make up."
PHOTO/S: Courtesy: @m_sunshinedizon on Instagram

Hindi pinalampas at kaagad binuweltahan ng bagong Kapamilya actress na si Sunshine Dizon ang basher na pinuna ang mga pekas sa kanyang mukha.

Sa comment section ng Instagram post ni Sunshine kamakailan, bigla siyang sinabihan nang hindi maganda ng isang basher.

Buong komento ng basher: “Puro tuldok yung mukha pag hindi Naka make up [smiling, pouting emojis]"

Continue reading below ↓

Kaagad siyang niresbakan ni Sunshine.

Ayon sa aktres, pagpasensiyahan na lamang siya ng netizen dahil nasa lahi raw nila ang pagkakaroon ng maraming freckles.

Ngunit may birada naman siya sa dulo kung saan sinabihan niya ang basher na mas maigi na ang maraming freckles kaysa sa mukha ng basher na hindi na nga maganda, masama pa raw ang ugali.

Buong sagot ni Sunshine: “sensya ka na ha sadyang marami talaga ko freckles nasa dugo talaga namin.

“Pero mas ok na pong maraming freckles kesa di ka na maganda masama pa ugali mo.”

Continue reading below ↓

Kinuyog din ng mga tagahanga ni Sunshine ang basher kaya binura rin ng aktres ang kanyang komento makalipas ang ilang oras.

FULLY VACINATED

Samantala, masaya namang ibinahagi ni Sunshine kahapon, July 11, na fully vaccinated na siya.

Nagpasalamat siya sa ilang ehekutibo ng ABS-CBN sa pagsasaayos ng kanilang vaccination at maayos na transportasyon.

Mensahe niya, “Got my second dose today.

“All thanks to @dreamscapeph , Sir @deo_endrinal , Direk @ericksalud70 and Ms. @peemystar for allowing us to go get our vaccines and arranging services for us to go safely.

“My gratitude to Tita Frida for her assistance for my angels and me to get vaccinated.

“Thank you to all our Front liners and LGU’s #fullyvaccinated”

Abala ngayon si Sunshine sa ABS-CBN drama series na Marry Me, Marry You.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Sunshine Dizon, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Sunshine Dizon answers basher who commented "Puro tuldok yung mukha pag hindi Naka make up."
PHOTO/S: Courtesy: @m_sunshinedizon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results