Zeneida "Nini" Quezon Avanceña, daughter of President Manuel Quezon, dies at 100

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2021
Zeneida "Nini" Quezon Avanceña, the second child of former President Manuel L. Quezon and Doña Aurora Quezon, passed away on July 12, 2021 at the age of 100.
PHOTO/S: The International Raoul Wallenberg Foundation / Avancena Family

Binawian ng buhay si Zeneida "Nini" Quezon Avanceña kahapon, July 12.

Siya ay 100 taong gulang.

Si Nini ang pangalawa sa apat na anak nina former President Manuel L. Quezon at Doña Aurora Quezon.

Ang anak niyang si Ricky Avanceña ang nagkumpirma sa pagpanaw ni Nini:

"Mom passed peacefully as her children surrounded her, reading psalms from the bible and praying the rosary. An agent of light, of all things good and just, promoter and advocate of human rights, equality, social justice, land reform and freedom from oppression and poverty, has passed on to eternity."

Naglabas din ng mensahe ang kanyang pamangkin na si Manolo Quezon III:

"She passed away surrounded by her children, at home, achieving one of the devoutest wishes of the faithful—a true Christian death, at peace with her Maker and the world."

Mararamdaman naman ang kabutihan ni Nini sa mensahe ng pamamaalam sa kanya ni Cecilia Quintanilla, na kasambahay niya at nakasama sa loob ng apatnapung (40) taon:

Continue reading below ↓

“Paalam, mahal naming Señora Nini Quezon-Avanceña.

"Masakit man isipin na ang aming ideal na 'amo,' na naging kasama ng 40 years, ay namaalam na sa lupang ito, subalit masaya na rin kami at nandiyan ka na kay Lord sa langit.

“Hinding-hindi namin makakalimutan ang isang employer na tinuturing kaming mga anak, at familya. Pinaaral niyo kaming mag asawa pati na ang aking mga anak at naging successful.

“Ngayon natuto na rin tumulong sa nangangailangan, gaya ng ginagawa mo sa amin at sa maraming tao na ang sabi mo ay mga anak ng Diyos!

“Ang Isang bagay na di ko malilimutan ay ang may takot sa Diyos! Señora Nini, your memories remains in our hearts.

"MARAMING MARAMING SALAMAT, INA NG GILMORE! Our deepest sympathy to the Avanceñas and Buencaminos."

Isinilang si Nini noong April 9, 1921.

Naulila niya ang kanyang siyam na anak.


Continue reading below ↓

Nini Quezon Avanceña with her nine children

Ikinasal si Nini kay Felipe Buencamino noong 1947.

Pero maaga siyang nabiyuda nang patayin ang kanyang asawa, ina na si Doña Aurora, at kapatid na si Maria Aurora sa Hukbalahap ambush na nangyari noong April 28, 1949 sa Bongabon, Nueva Ecija.

Muling nagpakasal si Nini kay Alberto Avanceña noong 1951. Isa sa mga anak nila si Ben, ang asawa ng former actress na si Imelda Ilanan, na ina ng aktres na si Maricel Laxa.


Continue reading below ↓

Imelda and Ben with children Mikhael, Maricel, and Melvin

Aktibo si Nini sa pagtataguyod ng mga karapatang-pantao, hustisya sa lipunan, at kapayapaan noong nabubuhay pa siya.

Isa rin siyang masugid na tagasuporta noon ni late former President Corazon "Cory" Aquino.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zeneida "Nini" Quezon Avanceña, the second child of former President Manuel L. Quezon and Doña Aurora Quezon, passed away on July 12, 2021 at the age of 100.
PHOTO/S: The International Raoul Wallenberg Foundation / Avancena Family
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results