Claudine Barretto introduces boyfriend of daughter Sabina on Instagram

by Arniel C. Serato
Jul 13, 2021
Sabina Santiago boyfriend
Actress Claudine Barretto (not in photo) throws a BTS-inspired party for daughter Sabina's 17th birthday. Photo above shows Sabina with boyfriend Raffy Antonio.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

Noong June 21 pa ang ika-17 kaarawan ni Sabina Barretto, ang panganay at adopted daughter nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Pero nitong nakaraang July 11 lamang nag-post si Claudine ng mga larawan ng BTS-inspired birthday party ni Sabina.

Puro pasasalamat lang ang caption ni Claudine sa event suppliers sa kanyang posts.

Naka-tag naman ang pangalan ng mga taong nasa larawan.

Isa sa tinag ni Claudine ay si Rafaello “Raffy” Antonio.

Akala ng maraming followers ng aktres na iyon ay si Santino Santiago, ang pangalawang anak nina Claudine at Raymart.

Pero ayon sa aktres, hindi nagpapakuha ng larawan si Santino.

Ang kasama raw ni Sabina sa larawan ay ang boyfriend ng dalaga.

Sabi ni Claudine sa comments section, “That’s Not SANTINO. Thats Raffy Sabs boyfriend. Saint doesn’t want his Pictures taken.”

Continue reading below ↓

Bagamat may mga natuwa, meron ding netizen na nagsabing masyado pang bata si Sabina para magkaroon ng karelasyon.

Sabi ng netizen, “Sab is only 17 masyado pa sila bata para maka Boyfriend at girlfriend. Paki ingtan nlng c sab mukha nmn good gril c sab.”

Sinang-ayunan naman ni Claudine ang payo ng netizen, pero "good girl" naman daw si Sab.

Continue reading below ↓

Sa Instagram profile naman ni Raffy, sinabi nitong siya ay proud boyfriend ni Sabina.

“I LOVE YOU SAB”

Samantala, binati ni Raymart ang anak noong mismong kaarawan nito.

Mensahe ng Ang Probinsyano actor sa kanyang post: “I am so grateful that I have a daughter as honest, beautiful, and intelligent as you.

Continue reading below ↓

"Happy birthday to my baby girl! I wish you only the best of luck in all you choose to do in life. I love you Sab.”

Tugon ng anak, “@raymartsantiago thanks dad”

Wala namang post si Sabina ukol sa kanyang kaarawan.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Claudine Barretto (not in photo) throws a BTS-inspired party for daughter Sabina's 17th birthday. Photo above shows Sabina with boyfriend Raffy Antonio.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results